Chapter: 41 *First kiss*

963 36 5
                                    

Nandito kami ngayon sa Rest house nila sa Palawan.

"What are we doing here?" I finally ask him.

Kanina pa kasing walang nagsasalita sa amin habang nasa loob kami ng chopper. Alam n'yo nakakainis talaga siya!

Nung mga nakaraan lang na balitaan kong magpapakasal siya kay Ashley tapos ngayon bigla na lang niya akong ki-kidnap-in.

"Mag-uusap."

"Wala tayong dapat pag-usapan."

"Well, nagkakamali ka dahil marami tayong dapat pag-usapan. Bakit ka biglang pumayag sa kasal?"

So iyon na naman pala ang issue.

"Ikaw bakit ka rin pumayag?" Balik tanong ko sa kanya.

Aba kung makapag tanong siya sa akin akala niya ako lang ang masama baka nakakalimutan niya ikakasal na rin siya kay Ash.

"Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Trey?"

"At anong din bang meron sa inyo ni Ashley?"

"Pwede bang sagutin mo muna ang tanong ko! Walang patutunguhan ang usapan natin kung gan'yan ka ng gan'yan."

"Buti alam mo!"

Bigla siyang napasabunot sa ulo niya at halatang nagpipigil lang siya ng galit.

"Talagang nagbago ka na hindi na ikaw iyong Shi na nakilala ko!"

"Itsura lang ang nagbago sa'kin pero bukod doon ay wala na at alam mo iyan!"

"Kung gano'n patunayan mo."

Kinakabahan man ay lumapit ako sa kanya upang gawaran siya ng halik sa pisngi pero hindi ko naman inaasahang bigla siyang lilingon sa akin kaya imbes na sa pisnge ay sa labi niya napunta ang halik ko.

Para akong nakuryente ng gantihan niya ako ng halik. My heart beats became faster and faster. I feel like every moment I could have a heart attack. He gave me a hug that's why I hug him back, our kiss became more deeper. This is my first real kiss in lips. I never kiss by a man before, kahit na noong kami pa ni T-J. Parang dati lang pangarap kong mahalikan niya but now, it's really fo real.

*flashback* 

"Liar! Kanina pa kitang sinusundan at saka hindi mo ba na basa ang nakasulat sa karatula bago ka makarating dito sa gubat?" 

Uh-oh! Nahuli niya ako. Saka ano daw? Sinundan? Ibig sabihin kanina pa niya akong sinusundan?

"Karatula? Wala naman akong napansin na karatula."

Ano bang karatula iyon? Parang wala naman akong nakita kanina.

"Nakasulat doon na hindi na sakop ng resort ang gubat na ito dahil private property na ito kaya naman isa ka ng tresspasser. Hindi mo ba alam na pwede akong tumawag ng pulis ngayon para ipahuli ka." Sabi niya bago pumindot sa cell phone niya.

Wait, sino ang tatawagan niya? Pulis kaya? Oh no! Ayaw ko pang makulong!

"Hindi ko naman alam e, kaya huwag mo akong isusumbong please! *puppy eyes*"

Lord, promise mag papakabait na ako basta 'wag nyo lang po akong hayaang makulong. Please po Lord magpapakabait na talaga ako. Parang awa ninyo na po.

"Hello, police station?"

Ano daw? Oh, no! I'm so young to be put in jail. Marami pa akong pangarap na gustong abutin kaya naman ako na ang gumawa ng paraan para hindi ako tuluyang mapunta sa bilangguan. Pinilit kong hablutin ang hawak niyang cellphone but I think he is too tall for me. Isama pa natin ang namamaga kong paa kaya naman sa hindi sinasadya pagkakataon ay pareho kaming natumba. Buti nalamang at sinalo niya ako.

Ako+Si Crush=One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon