Chapter: 14 *Akward*

1.1K 46 0
                                    

Michia's POV 

Pag gising ko hindi ko na nakita si Shinju. Sinubukan kong tanungin si Ate Liza pero halatang umiiwas siya. Basta ang sabi niya lang sa akin ay may pinuntahan si Shinju at hindi pa niya alam kung kailan ang balik ni Shin.

May dumating din na sasakyan sa bahay nila Shinju para sunduin ako at ihatid sa hotel. Last day na namin ngayon dito sa Palawan pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong makikita ko siya. Nakapagtataka lang kasi simula noong bumalik ako sa hotel pagkatapos kong ma-stranded sa gubat kasama si Shinju ay parang may kakaibang nangyari sa dalawa kong kasama.

Alam ninyo iyong feeling na para akong may kasamang robot? Isang tanong isang sagot lang ang ginagawa nila tapos halatang nag-iiwasan sila lagi. Tulad na lang ngayon naandito kami sa isang souvenir shop at namimili ng mga pwedeng ipasalubong pagbalik namin sa Italy.

"Meg, what can you say on this T-shirt sa tingin mo magustuhan kaya nila ito?" I asked Megumi na pa rang gulat na gulat sa tanong ko kasi kanina pa siyang nakatulala.

"Maybe." Tipid niyang sagot.

Paano kaya niya nasagot ang tanong ko e hindi pa nga niya nakikita ang hawak ko. Anyway...

"How about you Ken, sa tingin mo magugustuhan kaya nila ito?" This time si Ken naman ang tinanong ko.

Like Megumi nakatulala rin si Ken. Actually kanina pa siya palipat-lipat ng tingin sa amin ni Meg tapos bigla na lang siyang matutula sa kawalan.

Ano kayang problema niya? May dumi kaya kami ni Meg sa mukha?

"Siguro." Sagot niya tapos bigla na ulit siyang natulala.

Maybe, Siguro, I don't know, Ewan, Yes, Oo, No at Hindi lang ang kadalasan kong naririnig na sagot galing sa kanilang dalawa. Kapag iyong isa ay sumagot ng tagalog iyong isa naman ay english ang isasagot.

Can you guys get what I mean? Para akong may kasamang living zombies and honestly I hate this na! Punong-puno na talaga ako sa dalawang ito hindi ko na talaga kaya at baka sumabog na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang problema nila.

"Okay!" ---> Ako.

Hinga munang malalim Michia alam kong kaya mo ito.

"SPILL IT OUT GUYS!" Sigaw ko sa kanila.

Parang natauhan naman silang dalawa sa ginawa ko. Well hindi lang naman sila dahil pati iyong ibang taong na namimili dito sa loob ng souvenir shop ay napatingin na sa direksyon namin.

"Umamin nga kayong dalawa, ano ba ang problema ninyo?" ---> Ako.

Alam ninyo kung ano ang nakakinis sa lahat? Iyong inis na inis na nga ako sa pagtatanong tapos tititigan lang nila ko.

"Ummm... Best, maiwan na muna kita kasi nakalimutan ko pala 'yung wallet ko sa loob ng room natin." ---> Meg.

"Wait! I had my wallet here kaya hindi mo na kailangang bumalik pa sa hotel." Pigil ko sa kanya.

If I know tatakasan lang niya ako.

"Ah ano kasi best, look hindi ba siya 'yung gwapong guy na nakita natin doon sa may seashore." Sabi ni Meg habang nakaturo doon sa likod ko.

Agad naman akong na patingin sa direksyong itinuro niya. Baka kasi si Shinju na nga iyon pero wala naman akong nakitang tao. Paglingon ko kina Ken nakita ko si Megumi na tumatakbo na palayo. Hahabulin ko sana siya kaso alam ko na kapag ginawa ko iyon ay si Ken naman ang magtatago.

Tinitigan ko na lang si Ken habang hinihintay ko ang paliwanag niya.

"Ah, e kasi Mich..." ---> Ken.

Ako+Si Crush=One Sided LoveWhere stories live. Discover now