Chapter: 18 *The script*

1K 44 2
                                    

Michia's POV 

"Meg wait!" Hinihingal na tawag ko sa kanya.

Ang bilis kasi niyang tumakbo tapos hindi pa naman ako sanay tumakbo dahil mahina ang baga ko. Nawala na si Meg sa paningin ko kaya nag simula na akong mag tanong-tanong sa mga estudyante kung may nakakita ba sa kanya. Kasalanan ko ito e dapat talagang nilayuan ko na si Ken. Ayan tuloy nagalit pa sa'kin ang bestfriend kong si Megumi.

Pero bestfriend ko rin naman si Ken, so wala akong reason para layuan siya. Hay! Nagyon ko lang nalaman na mahirap pala magkaroon ng dalawang bestfriend hindi ko tuloy alam kung saan ako lulugar sa kanilang dalawa. Si Megumi ba o si Ken? Ang hirap pumili kasi pareho ko silang mahal. 

"Miss, may nakita ba kayong babae na maputi tapos matangkad na medyo payat, brown hair na above the shoulder tapos----" Tanong ko dito sa isang babae.

"Tapos maganda, singkit, parang koreana?"

"Oo tama, nakita mo ba siya?" 

"Ah! Oo nakita ko nga siya nadoon sila sa may likod, doon sa may field kasama ata niya yung boyfriend niya."

"Sila? Boyfriend? Naku baka nagkakamali ka wala pa kasi siyang boyfriend."

"Ganoon ba? Baka nga mali ako pero batay sa description mo parang siya nga 'yung nakita ko. I-check mo na lang rin para sure."

Boyfriend? May boyfriend na nga kaya si Megumi? Pero wala naman siyang na babanggit sa'min ni Ken.

"Ah! Sige thank you, titignan ko na rin." Sabi ko doon sa girl bago ako nagmadaling pumunta doon sa field sa may likod ng campus namin.

Nagtataka lang ako kung bakit napakaraming estudyante ditto pero ang mas nakakapagtaka ay kung bakit sila nagtatago sa likod ng mga puno at parang may pinapanood na shooting. Dinig na dinig ko rin ang kani-kanilang bulungan.

"Grabe, ang ganda nilang tignan ano?" Sabi noong isang girl na may bangs.

Naintriga ako kung sino ang pinag-uusapan nila kaya mas lumapit ako sa kanila.

"Anong meron dito? Bakit parang nagkakagulo ata kayo?" Tanong ko doon sa girl na may high light ang buhok.

"Shhh... Huwag ka ngang maingay may pinakikinggan kami." Naiiritang saway niya sa'kin.

"Ano ba kasi ang meron dito?" Tanong ko pa ulit sa doon sa girl na may high lights.

"Ayun o, tignan mo silang dalawa. Hindi ba bagay na bagay sila para silang mga artista sa mga koreanovela." Sagot noong girl na may bangs bago niya itinuro yung dalawang tao na nakatayo sa field.

"Megumi!" Tawag ko doon sa babaeng nakatayo sa field.

Tama nga yung babae kanina si Megumi nga ang nandoon. Lalapit na sana ako para humingi ng tawad sa kanya pero napatigil ako sa kinatatayuan ko ng makilala kung sino ang kausap ni Meg.

"Bakit ganon? Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang gusto niya? Ano ba ang meron sa kanya na wala sa'kin? Bakit siya na lang parati ang pinipili niya?" Naiiyak na tanong ni Meg doon sa guy.

"Stop crying, don't worry I'm here for you. Kung ayaw niya sa'yo then akin ka na lang."

Hinampas pa ni Megumi yung guy na kausap.

"Anong akin ka na lang? Hindi ba kanta iyon? Sira ka talaga." Natatawang pang sabi ni Meg doon sa guy na kausap niya.

"Pero napatawa naman kita." Natatawa ring sagot nung guy kay Meg.

"Thanks, thanks for being there for me." Malambing na sabi ni Meg.

"I'm always here for you, as long as you need someone to lean on." Sabi naman nung guy.

"Thank you so much."

Nagulat ako kasi bigla na lang niyakap ni Megumi ang kausap niya.

"I love you Shinju." Mahinang bulong ni Megumi pero sapat na para marinig namin.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Unti-unting tumutulo ang luha ko at pakiramdam ko any moment ay bibigay na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pero ang mas masakit pala sa lahat ay ang kasunod na narinig ko.

"I love you too." Sabi naman ni Shinju kay Megumi.

Para akong sinampal ng pagkalakas-lakas sa mga narinig ko. Bakit ganito? Bakit parang sobra-sobra naman ata an gang sakit? Mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon kaysa noong nag hiwalay kami ni T-J. Hindi ko na kaya pang making sa mga sasabihin nila kaya nagmadali na akong tumakbo palayo. Basta ang huli kong narinig bago ako makalayo ay ang malalakas na hiyawan ng mga tao.

Ako+Si Crush=One Sided LoveWhere stories live. Discover now