Chapter: 27 *Goodbyes*

1.1K 45 2
                                    

Shinju's POV 

Katatapos ko lang i-reject si Michia. Actually matagal ko ng alam na may gusto sa akin masyado kasi siyang transparent kaya hindi mahirap mahalata ang feelings niya. I found her cute the SECOND time I met her at the beach. Alam ko naman talagang sinasadya niya akong ituro noon yun nga lang hindi niya inasahan na sasakyan ko ang biro niya.

Aamin ko meron na siyang puwang sa puso ko pero kailangang mawala na agad iyon bago pa magkagulo ang lahat dahil kahit kailan ay hindi pwedeng mag sama ang isang Nadeshiko at Asagi. Binuksan ko ang laman ng maliit na kahon na inabot niya sa'kin. Kahit galit siya sa'kin ay nagawa pa rin niyang ibigay ang regalo niya. Nagulat naman ako sa laman ng kahon. Ito 'yung I.D. ko na napunta kay Michia noong nandoon kami sa Palawan.

"I'm sorry Shi, I didn't mean to lie. I admit, you already had a space in my heart that it can cause a heart break to me if I let you go. It's hard to choose between happiness and sadness. Letting go or selfishness and being in-love or beloved because when you trapped in this one of a kind stupid situation like One-Sided-Love there is no choice to way out but to hurt and be-hurt. I hope that someday you will understand my decision. And when that day come, I promise that I will never let you go."

Michia's POV 

Nasa kwarto ako ngayon at patapos na akong kakatapos ko lang mag-empake ng mga gamit na dadalhin ko pabalik sa Italy. Hindi uuwi si Megumi ngayon dito sa bahay namin dahil ipinasundo daw siya ng mga magulang niya dumating kasi ang parents niyang sina Tita Megan at Tito Kean. Kasama rin nila sa pag-uwi dito sa Pilipinas ang parents ni Ken na sila Tita Nadine at Kim.

Kasalukuyan akong nagsusulat ng kwento sa isang online page. At ito ay pinamagatan kong "Ako+Si crush=One Sided Love"

Everyone said that, Love can make us happy but it can also make us sad in return. Anyway it's all part of the package. When you love someone, it means that you are committed too. In a million and billion and trillion of sorrows until all of the number's of the world are gone.

The expert said too that love has a lot's of type; Love at first sight, unang beses mo palang s'yang nakita inlove ka na agad- agad sa kanya. Parang Romeo and Juliet lang!

Opposite attraction, The more you hate the more you love nga daw di ba? Yung bang tipong parang nananadya ang panahon dahil sa dinami-daming taong ayaw mong makita ay doon ka pa rin pilit dinadala ng tadhana. Then suddenly ma re-realise mo na lang that you already like him. I mean you love him! Nakakaasar kaya iyon. But yeah, opposite do really attract.

Love is blind, sabi nga nila nasa tabi mo na ang taong hinahanap mo hindi mo pa rin makita. You will just recognize it kapag nawala na siya, then doon ka magpapakatanga sa kahahabol sa kanya. Love is really blind.

Destiny, ito yung pinakamaganda sa lahat. Dahil kahit na ano pa ang mangyari kung para talaga kayo sa isat-isa kayo talaga. No matter what happen, no matter how tragic is it. Kasi bahala na ang tadhanang gawin ang job nila.

There is also a people that keeping on loving a wrong person at the very wrong time and place. Hindi ba pwedeng mahal mo na lang ako tapos mahal kita then bahala na lang sila. Di ba? Di ba? Di ba? Para masaya ang lahat! Oops, ako lang pala ang masaya. Hahahah!!!.....

But for me love has no definition. Because when you love someone it means you love him without any but's, regrets, and of course a reason. As in you love him because you love him! You will never knew that you are inlove, unless you feel it. Being in-love and belove is not that easy. Because when you engage that, you will feel the sadness and at the same time the happiness that love can give to you. Pero may mas sasakit at sasaya pa ba kaya sa isang "One-Sided-Love?"

When you are in the one sided love, the happiness that you felt is so different. 'Yung bang makita lang si crush kahit mukhang sisiw na dahil sa pawis niya sa pagba-basketball ay masayang masaya ka na.

Makita mo lang siyang ngumiti, buo na ang araw mo.

Makasabay lang siya sa daan, pwede ka ng magpakamatay o tumalon sa building.

Lalo na kapag tinawag ka na niya sa pangalan mo, Gosh! Sasabihin mong "mamamatay na talaga ako."

What if kausapin ka pa niya?Magtatanong ka na, "Nasa heaven na ba ako? Why in this world this really happening? But I thank you!"

See? sa mga simpleng bagay lang tulad niyan masayang masaya ka na! Kapag kasi ganyan ang situation mo may ibang thrill kang nararamdaman. Pero sabi nga nila sa lahat ng happiness laging may kakambal na sadness. Kung naging sobra kang masaya for sure sobra ka ring masasaktan.

But I always believe that if the rain has come there is always a rainbow to face you. So if there is a sadness, I'm sure that there is always a happiness to wash all you're pain.

Pinatay ko na ang monitor ng laptop ko at sinimulan na nang tawagan si Mommy.

"Mom."Sabi ko sa kabilang linya.

"Oh! Michia, madaling araw pa lamang diyan di ba? Bakit napatawag ka? May problema ba hija?"

Si Mommy talaga kahit kailan kilalang-kilala ako.

"Mom, I'm accepting the proposal at gusto ko na pong mapaghandaan iyon habang maaga pa gusto ko po sanang tuluyan ng hawakan ang business natin. I-book ninyo na po ako ng flight ngayon, babalik na po ako diyan sa Italy."

"Sigurado ka na ba hija? Baka nabibigla ka lamang." Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni mommy.

"Nope mom, maybe daddy is right, it's time for me to grow up. I'm now willing to undergo different trainings to be fit as the next CEO of the Palace Company."

"Kung iyan na talaga ang desisyon mo sige susuportahan ka na lamang naming kung gusto mo pumunta ka na ngayon sa Airport para sumabay ka na sa business partner naming si Mr. Daily, papunta rin siya dito at sasakay siya sa private plane natin."

"Sige po mommy tutal nakapag-empake na naman po ako."

"Mabuti naman at pumayag ka na rin akala namin ay matatagalan pa bago ka namin mapapayag. Tamang-tama may isang taon ka pa para makapag handa, balak ka sana naming ipakilala ng daddy mo sa'yong darating na debute next year."

"Sige po mom, pupunta na ako sa Airport hintayin ninyo na lang ako diyan."

"Sige we will wait you here, bye."

"Bye." Ibinaba ko na ang telepono at nagmadali na akong nagpahatid sa Airport.

Napangiti naman ako sa naalala ko. Umalis ako noon sa Italy dahil na-broken heart ako kay T-J at ngayon naman ay babalik ako dahil sa parehong dahilan.

Muli kong tinawagan si Megumi para humingi ng isang malaking pabor.

Ako+Si Crush=One Sided LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt