Ngumisi si Phen, binabalikan nya lang ako ng tingin hanggang sa makarating kami sa kanyang bahay. Yung tingin na nang-aasar pero alam ko namang concerned sya sa akin.


"Ang gara ng bahay!" Bulalas ni Ysobelle na hindi makapaniwala sa tirahan ni Phen ngayon. Malaki kasi ito at nakapwesto sa isang ekslusibong subdivision sa Makati. Nakakatuwa din na mayroon itong garden na maari kong lakaran tuwing umaga bilang ehersisyo.


"Oo, kahit nagsinungaling kayong dalawa sa akin na deds na itong si Raeven, maeenjoy nyo pa din ang perks ng pagiging kaibigan ako." May himig pang-uusig na turan ni Phen. Lumapit si Ysobelle kay Phen at yumakap.


"Sorry na, Ate.. Request ni Ate Raeven yon eh."


Ngumiti lang ako at tumango ng tingnan ako no Phen na nakairap sa akin. Natawa na lang ako.


Ako ang kusang nagpunta kay Phen noong nalaman kong buntis ako. Hiningi ko ang detalye kay Ysobelle dahil sila ang madalas magkausap. Hindi ko na nilapitan pang muli si Martin dahil alam kong hindi naman sya sang-ayon sa mga naging desisyon ko. Lalo pa't buntis ako at umalis si Deuce, tiyak na madidismaya sya ng husto.


"Dumating na nga pala ang damit mo. Itinawag sa akin ni Doray kanina. Doray!!!" Tili ni Phen na ang tinatawag ay ang kanyang househelp. "Pakidala ang damit ni Raeven."


Lumabas mula sa kitchen si Doray na mayroong bitbit na dalwang paperbag.


"Hindi sabi ako pupunta eh." Umiling ako ng makita ko ang damit na inilaladlad na ni Phen, ang sapatos naman ay yakap yakap ni Ysobelle.


"Ang ganda! Galing ba ito kay Tito Hades?" Tanong sa akin ng kapatid ko na kulang na lang ay halikan ang sapatos.


Tumango ako. It's Attorney Hades' birthday at iniimbitahan nya ako. Hindi nya pa alam na magkakaroon na sya ng apo sa akin pero mukhang tanggap na tanggap na niya ako bilang parte ng kanyang pamilya.


"In fairness, love ka na ng Montemayor family, kaso naglaho yung leading man. Pumunta ka, ihahatid kita tsaka susunduin, malapit lang naman ito di ba?" Panungumbinse sa akin ni Phen.


"Ayoko. Anong gagawin ko doon?" Tanggi ko.


"Duh, socialize! Di ba kamaganak mo na sila kasi kasal pala kayo nung Attorney Yummy?"


Hindi na ako umimik pero may punto si Phen. Iniencourage talaga ako ni Phen sa paglabas. I am grumpy this past few days, nahihirapan ako sa paglilihi. May hinahanap ako lagi pero pag nasa harapan ko naman, parang ayoko na. There are things that I want to do pero tamad na tamad din ako.


Wala na akong nagawa ng humapon na, nagpatawag pa si Phen ng makeup artist para sa akin.


"Ang ganda mo Ma'am!" Pambobola sa akin ng makeup artist pagkatapos akong maayusan. I faked a smile. Smokey eyes at nude lipstick ang nilagay sa akin, kinulot naman ang buhok ko.


Inantay ko na lang na makapag-ayos at makaalis ang makeup artist ko bago ko sinilip ang damit na nakalahad sa kama ko. It's a platinum halter dress na sumisilip ang pagka-itim kapag hindi natatamaan ng liwanag. Exposed ang likod at ang hita pero hindi naman ito bastusin dahil ang mahaba kong buhok ang tatakip sa likod ko.


Hinubad ko ang robe at sinilip muna ang aking tyan mula sa salamin, maliit na maliit ang umbok but the baby is growing really fine ayon sa ultrasound.

Wag ka sanang mag-mana sa amin ng Tatay mo ng katigasan ng ulo.


Napangiwi ako sa heels na suot, tantya ko ay 3 inches ito pero simula noon pa ay hindi ako nagsusuot ng mga ganito, hindi naman ako maaring magrubbershoes kung sakali. Lumabas na ako ng kwarto ng makapagbihis. Sa living room ay dinig na dinig ko ang masayang pagkukwentuhan ni Phen, Ysobelle at Grant. Walang ginawa si Phen kundi asarin si Grant.


TOUCH ME AGAINUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum