Chapter 49: Defeat

Start from the beginning
                                    

"It's none of your business, Skie. Please stop asking me." Sagot ko.

"Sorry." Sagot niya.

Sinuot na samin 'yong sash at 'yong crown. Nag picture taking kami. Kami si Skie at picture kasama lahat ng candidates. Nakita ko sa malayo si Mom at Dad. Masayang masaya sila at kasama din nila si Ailee.

Pagkababa namin ng stage, dumiretso kami kala Mom. Niyakap agad ako ni Mommy. "Congratulations Beatrix! I'm so proud of you!"

"Me too baby, I'm so proud of you." dagdag ni Daddy. "From my little girl to a fine lady."

"Thank you Daddy and Mommy."

Nag group hug kaming tatlo. I miss this. After all of this, makakabawi din ako sakanila. I'll be their little girl again. After this night, matatapos na din ang lahat.

"We'll be having an after party at the gym later by ten! I hope you can come!" Sigaw ng emcee. "Congratulations to the winners!"

"Congratulations," singit ni Caleb. "I'm so proud of you, Angel." Ngumiti siya sakin, isang genuine na ngiti.

"Thank you Caleb." Sagot ko.

"We're going to eat dinner, would you like to come guys?" Alok ni Mommy sakanila.

"I'm going to come with my family." Sabay na sabi ni Ailee at Ashton. Nagkatinginan pa silang dalawa. "Let's just see each other later."

Bagay talaga silang dalawa.

"Caleb, sumama ka na samin." Alok ni Daddy. Nagkatinginan kaming dalawa kaya ngumiti lang ako. Wala naman kaso sakin kung sumama siya. "Matagal na tayong hindi nakakapag-usap."

"Oo nga, sumama ka na samin." Dagdag pa ni Mommy.

"Kung okay lang po kay Angel." Nahihiya pa siyang sabihin 'yon. "Okay lang ba sayo?" Tanong niya sakin.

"That's fine, you can come with us." Sagot ko.

Nagpaalam na muna ako kala Ailee pagkatapos pumunta kami favorite resto ni Daddy na malapit lang sa school.

"Mukhang okay na kayong dalawa," singit ni Daddy habang kumakain kami. "Kayo na ba ulit?" Pareho kaming muntik nang mabulunan sa sinabi niya. Nagtawanan tuloy sila Mommy.

"Dad, hindi po."

"I'm trying," singit ni Caleb. "I hope she'll say yes to me again." Nakatingin pa talaga siya sakin habang sinasabi niya 'yon.

"We will see." Sagot ko.

Nasabi ko na kay Mom at Dad lahat kaya medyo nakakapagtaka na okay pa din sila kay Caleb para sakin. Ang expected ko kasi, aayawan na nila si Caleb. Siguro nakikita din nila 'yong effort niya.

Ayoko naman madaliin ang lahat sa amin although bumabalik na ulit 'yong loob ko sakanya. Ayoko lang na magsisi ako sa huli.

After namin kumain, umuwi na din sila Mom at Dad. Hinatid naman ako ni Caleb pabalik sa school para sa after party. Nagpalit na din ako ng party dress.

Pagdating namin sa party, madami nang tao at nandon na din si Ashton at Ailee.

"Naka handa na lahat." Bulong sakin ni Ailee. "After ng slow dance niyo ni Skie, ipi-play na namin 'yong video."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now