Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakanta mo na kaya yun noong nalasing ka." bumelat ako sa kanya and the look of his face was priceless.

"Hindi ah" todo tanggi nya. Pero nakikita ko na umaandar na ang utak nya at iniisip kung nangyari nga ba ito o hindi.

"Sige nga, sabihin mo sa akin kung anong natatandaan mo na nangyari noong uminom ka sa araw na yun" hamon ko

Matagal na 'tong nangyari pero ngayon ko lang ulit inilabas. Pero kahit naman noon na tinanong ko sya kung may naalala sya na nangyari pagkatapos nyang uminom, isa lang lagi ang sagot nya.

Wala syang maalala.

"Basta ang naaalala ko pumunta ako noon doon sa may terrace tapos uminom ako." 

"Kasi nagseselos ka?" nangingiti ngiti kong tanong

"Kasi malamig." pinitik nya yung noo ko pero yung hindi malakas. Gayunpaman, nagmake face na lang ako sa harapan nya. Bakit kasi ayaw pa nyang aminin eh halatang halata naman. Wala namang nakakahiya roon, matutuwa pa nga ako eh. 

"Tapos?" 

"Tapos.." kumunot muli ang noo nya sa pag-alala kung ano nga ba ang nangyari "May dumating at pilit na inagaw sa akin yung bote." tumingin sya sa akin

"Teka ikaw ba yun?" 

"Hindi. Si Darna." sagot ko sabay bitaw sa kanya. Pabiro ko syang itinulak at ngumisi sya sa akin. Naku kung alam lang ng mokong na 'to. Muntik pa kaya nya akong nasukaan noong araw na yun ano!

Tapos saka nya ipinagpatuloy ang sinasabi nya "At pagkatapos..."

"Ano?" tanong ko

Muli syang tumingin sa akin "Wala na akong maalala." 

Tinawanan ko sya ng tinawanan dahil sa sagot nya. Sabi na nga ba eh, wala na syang maalala pagkatapos nun. 

"Ano bang nangyari?" tanong nya sa akin

"Kumanta ka nga eh." inakbayan ko sya na parang ang kausap ko ay isang kumpare. Medjo kinailangan ko ng height kaya tumingkayad ako maabot lang sya "Basta next time polar yung request ko ah." 

"Anong request?" 

"Na next time na kakantahan mo ako eh yung 'Baby' naman ni Justine Bieber with matching sayaw pa." tumayo ako ng maayos at saka sya sinayawan ng 'baby' para asarin pa sya. 

Tinawanan lang ako ng loko. "I will never do that." 

"You sure?" taas kilay kong tanong

"Never."

"Weh?"

Humakbang sya papalapit at taas no akong tiningnan kahit hindi naman kailangan. Hello? Leeg nya lang kaya ako. Gayunpaman, nakakaintimidate ang postura nyang yan. May ngisi na dahan dahang gumuhit sa napaganda nyang mga labi na kay sarap titigan. Ay teka sinabi ko lang ba yun? Letcheng killer smile yan. Kumikislap kislap sa paningin ko. Mukha tuloy akong naengkanto. 

"Serene Lopez. Hinahamon mo ba ako?"

Umiling iling ako at marahan na tinampal tampal ang magkabilaan kong pisngi. Serene. Focus! Wag kang papaloko sa ngiting yan. Marami ng nabiktima dyan namely Mia and her friends. Biglang pumait ang panlasa ko matapos sabihin yun. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon