Ang mukha nya kung paano yakapin ang urn na akala nya ay naglalaman ng abo ko. He's really guilty kahit wala naman syang kahit anong kasalanan. Kung ano mang guilt ang meron sya ngayon, doble ang nasa akin. Niloloko ko sya at hindi ko na alam kung lalakad ba ako pabalik o pasulong. Maybe I am not helping him and I am digging a more shallow pain in his heart. Marahil kapag nalaman nyang malusog ako, magagalit sya dahil ikinulong ko sya sa pagsisisi sa loob ng tatlong taon.


"Magpagaling ka para kay Deuce.." Mahina ang boses ni Attorney Hades habang nakaupo sya sa gilid ng kama ko. Kakatapos lang ng chemo therapy session ko and I am too weak to talk. Every hope in me vanished. Dalawang taon na treatment at wala pa ding nangyayari.

Umiling ako, "Hindi na po ako gagaling.."

"Umaaasa sya sayo. Mahal ka nya Raeven.."

"Kung yan ang sinasabi nya, pwes tulungan nyo syang magmahal ng iba. Wag kayong titigil hangga't hindi nyo nakikitang totoong masaya na sya."

"Ikaw ang gusto ng anak ko!" Tumayo si Attorney Hades at tumingin sa bintana. Hirap syang maglakad pero pinilit nyang magtungo sa Amerika para tiyakin na nagagamot akong mabuti. He's fighting for my life too. Para kay Deuce.

"Hindi pupwedeng ako. Mamamatay na ako, Attorney." Pinalis ko ang luha ko at pahigang tumalikod sa kanya.



Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. I had a good fight. Hindi ko alam na posible pang mabuhay ako. If I just had hope, I would have held on to Deuce.


But hope and selflessness is conflicting. You cannot do both. If I had hope, I will be selfish. Panghahawakan ko ang bagay na hindi ko mapapanindigan. I can be gone along the process, I could have stolen his time.


Tumayo ako at kinuha ang sling bag na dala ko kanina at umaktong papalabas. Hindi ko matiis, I should apologize and he should know the truth.


Nasalubong ko si Jolina sa may pintuan at nagtataka akong tiningnan.


"Saan ka pupunta? Masyado mong ipinamumuhay ang buhay ni Dora the Explorer ha." Sita nya sa akin.


"Magpapahangin lang ako, Jo.."


Hindi ko na inintay ang susunod na sasabihin ni Jolina. Sumakay agad ako ng pedicab para ihatid ako sa sakayan ng tren. Sari sari ang gumugulo sa utak ko. Simula sa komplikadong pagbabalik ko at ang pagpapanggap. Gusto ko na lang mawala at huminto pero hindi ko magawang iwan si Deuce. It's not just him that I care about, I am slowly drifting to selflessness. I now have hope. I want to hope then I will be selfish. His presence is so addicting, ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kanya ang ayaw ko na bitawan.


Nakarating ako sa condo ni Deuce, binati pa ako ng gwardiya pagkakita sa akin at hindi na nagtanong.I am not sure if he thinks I am who I am.


Tumayo ako sa harap ng pintuan ni Deuce. Imbes na pumasok ng tuluyan dahil mayroon akong keycard dito, pinindot ko ang doorbell, ilang saglit pa, niluwa na sya ng pintuan. He's in his boxers at walang kahit anong pang-itaas. Napalunok ako at nilipat ko na lang ang tingin sa mukha nya.

TOUCH ME AGAINWhere stories live. Discover now