Hindi ko na masiyadong nasuri pa ang paligid dahil umakyat na kami sa second floor at huminto sa tapat ng kwartong may nakalagay na 218. Kinatok iyon ni Ms. De vera at agad na bumungad sa amin isang magandang babae. Mukha siyang may sakit dahil ang putla niya pero kahit ganun ay ang ganda pa rin niyang tignan.

“Ms. Chua, this is Ms. Celvero. She will be your roommate from now on and please, tell her everything she needs to know. Okay?” Sabi ni Ms. De Vera at saka nagmadaling umalis, hindi man lang ako nakapag pasalamat sa pag hatid niya sa akin. Mukhang marami siyang ginagawa kaya ganun na lang kung mag madali siya, mukhang nakaistorbo pa ata ako.

“Hi. Ikaw ba yung exchange student? Ako nga pala si Ayesha.” Pakilala ng magandang babae nang pumasok ako sa loob. Agad akong naupo sa maayos na kama dahil sure naman akong ito ang magiging kama ko.

Bilib na bilib ako sa laki nitong kwarto, dalawang tao lang ang pwede rito kahit sa totoo lang ay pang apat naman talaga ito, malaki ang dalawang kama na nandito at malawak pa ang space. Bukod doon ay meron ding balkonahe, I guessed I’m really lucky to be here. Sino naman ang tatanggi sa ganitong kagara na eskwelahan?

“Nice to meet you Ayesha. Rain na lang ang itawag mo sa’kin.” Sabi ko bago ko pa makalimutan ipakilala ang sarili ko.

“Pwede bang magtanong? Ano iyong keen?” Ngumiti siya at naupo sa tabi ko. May sakit nga siya, ang init kasi ng katawanan niya. Kahit hindi dumikit ang balat niya ay nararamdaman ko pa rin ang init mula sa kanya.

“Keen ka? Wow! Amiable naman ako,” nakangiting sabi nito na parang wala siyang sakit. So, ano naman kaya iyong amiable na ‘yon? Ang weird naman yata ng school na ito.

“This school has 5 kind of students. Ang Keen, Robust, Amiable, Probity at Insolent...”

“...Ang keen, ayun yung mga matatalinong estudyante. Robust, sila naman yung malalakas. Amiable, sila iyong mga friendly gaya ko. Probity, mga honest na estudyante at yung insolent? Oh god! Stay away from them kasi masasama silang tao, some of them are gangsters. A really bad gangster.” pagpapaliwanag niya kaya napangiwi ako. Ang weird, tumango na lamang ako dahil hindi ako makapaniwala na may ganitong klase pala ng eskwelahan na nag-eexist. Kakaiba.

“Ugh. Nahihilo na naman ako. Ayaw bumaba ng lagnat ko, wait lang ha? Pupunta akong infirmary. Hihingi ako ng gamot.” tatayo na sana si Ayesha pero mabilis ko siyang pinigilan, ang energetic niya para sa isang tao na may sakit.

“Ako na lang, magpahinga ka na lang dito. Baka mas lalong tumaas yung lagnat mo eh. Ituro mo na lang kung saan ko makikita yung infirmary.” nginitian niya ko at saka may ibinigay na mapa. Seryoso? Ang laki pala talaga ng school na ‘to para magkaroon pa ng mapa.

“Sige, aalis na ako. Mahiga ka na lang diyan.” sabi ko at bigla na lang niya akong niyakap. She’s too friendly.

“Salamat,” ngumiti lamang ako at lumabas na rin ng kwarto. Nakalimutan kong linggo nga pala ngayon kaya siguro walang katao-tao dahil nagpapahinga ang mga estudyante, but still ang strange pa rin sa pakiramdam dahil simula ngayon ay dito na ako mananatili.

Hindi ko akalain na dito na ako mag aaral, ang bilis ng pangyayari. Hindi naman kasi ako ganun kayaman, ako lang din mag-isa rito sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa si papa, wala rin akong kapatid at patay na ang mama ko. Sana makasurvive akong mag-isa rito, sana lang talaga.

Sinundan ko ang direksyon na nakalagay sa mapa, masiyado malawak itong campus pero kahit ganun ay naging madali lang ang pag hahanap ko. Pumasok ako sa building kung saan kami pumasok nung mabait na lalaki kanina. Nasa first floor lang ang infirmary kaya hindi ako nahirapang hanapin ‘yon. Kumatok ako ng isang beses, pero walang nagbukas. Sinubukan ko ulit pero wala pa rin kaya pinihit ko na yung doorknob at binuksan ng bahagya ang pinto.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now