"Yung good news muna sir ang unahin nyo" sabi ko

"Alright, so ito nakatanggap ako ng sulat galing duon sa taong kumuha sa girlfriend mo. Pasensya na, pero binasa ko na yan para makasigurado akong hindi negative yung sasabihin ko sayo" sabi nya tapos ay inabot nya sakin yung papel.

"Brix, lakasan mo yung pag babasa para marinig ko" sabi ni Riza, tumango ako sa kanya at binasa na yung nakasulat.

"Kung gusto mong makita ang taong mahal mo, mag kita tayo. Mamayang 10pm, kung saan, may darating pang isang sulat sayo at duon mo malalaman yung address kung saan tayo magkikita para sigurado akong susunod ka sa tamang oras. Mag handa ka dahil baka huling araw mo na 'to"

"Walang sinabi dyan na hindi ka pwdeng mag sama na kahit na sino, kaya naman sasamahan kita at ng mga pulis na may hawak ng kaso nyo" sabi ni sir Kim pagtapos kong basahin yung sulat.

"Sinabi nyo na po ba ito sa magulang ni Alexis?" Tanong ko

"Hindi pa, sa totoo lang ang gusto nila ay bigyan ko sila lagi ng update tungkol sa anak nila. Pero mas mabuti kung sayo mismo manggagaling yung balita" sagot nya.

"Sige po, tatawagan ko nalang po sila mamaya" Sabi ko

"Ah sir Kim, sino po nag bigay sa inyo ng sulat?" Tanong ni Riza

"Actually iniwan lang yang sulat na yan sa nurse station, at yung nurse lang ang nag bigay sakin nyan. Tinanong ko sila kung sino nag iwan, pero basta nalang daw nilapag yan duon at tapos ay umalis na agad kaya hindi nila namukaan" sagot ni sir kim.

"Ganun po ba?... Ikaw Brix tawagan mo na parents ni Alexis, baka malaman pa nila sa iba yun, mas lalo pa nilang ilayo si Alexis sayo" sabi ni Riza

"Sige excuse lang" sabi ko tapos ay lumabas muna ako para tawagan yung mommy ni Alexis.

Nung makausap ko mommy ni Alexis sinabi ko sa kanya yung plano ng kumuha sa anak nila. Sinabi nyang pupunta daw sya dito sa hospital para sumama duon sa lugar kung nasaan anak nila. Hindi na ako tumanggi at hinayaan ko nalang sila sa gusto nila para naman hindi na sila masyadong magalit sakin.

...

10pm....

"Ito na yung address Brix" sabi ni sir kim at binigay sakin yung isang maliit na papel

"Tara na, puntahan na natin sya" sabi ko

"Brix mag iingat kayo ha, iligtas mo si Alexis ha" sabi ni Riza

"Gagawin ko ang lahat para mailigtas sya. Mauuna na kami" sabi ko tapos ay lumabas na kami ni sir kim.

"Yung parents ni Alexis nandun na sila sa labas, iniintay na tayo" -sir Kim

"Sige po, nasaan po ang ibang pulis?"

"Yung iba nandito pa, pero yung iba pinauna kuna"

"Hindi ba delikado yun? Baka mapahamak lalo si Alexis"

"Hindi yun, wag ka mag-alala, alam nila ang ginagawa nila" sabi nya tapos ay sumakay na kami ng elevator.

Sana nga makuha na namin si Alexis -

...

Paglabas namin ng hospital pumunta na kami agad kami sa isang van. Pagbukas non sasakay na sana ako pero natigilan ako ng makita ko sa loob yung parents ni Alexis.

"T-tita, tito" sabi ko

"Sumakay kana para makaalis na tayo" walang ganang sabi ni tita. Tumingin muna ako kay sir Kim, tumango lang 'to sakin kaya sumakay narin ako pati narin sya.

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now