Chapter 30: The Truth *emeged*!

260 17 4
                                    

Kisha's POV

*Fast forward*

*Last day of project*

*2nd to the last day of the dare*

Ngayon na ang last day ng project at 2nd to the last day na ito ng dare. Hay salamat naman at makakauwi na din. Pero mamayang gabi pa yon.

Last day na namin ngayon dito, so, ngayong araw na to eh bonding time namin.

Kasama ko ngayon si Shan.

Nasa taas pa kasi si Kenshin, ayon nakatulog pa. Nagkwentuhan kasi kami kagabi, kwento ng kwento kaya ayon, napuyat, mukha ngang tanga eh, tawa ng tawa. Ayon, tinulugan ko nalang. Hinayaan ko nalang syang mag- salita ng mag- salita hanggang mapagod sya.

"Bitch, kamusta kayo ni Kenshin?" Sabi ni Shan.

Naglalakad kasi kami dito sa tabing dagat.

"Kamusta K-KAMI?" Sabi ko.

"Hindi, ako." Sabi nya.

"Okay lang naman. Nagkakasundo na din, hindi tulad nung dati." Sabi ko.

"Yiee! Nagkakasundo daw! Yun naman! Kilig ako dun ah." Sabi nya.

"Baliw ka talaga." Sabi ko.

Actually, 6:00 am palang. Ginising ko lang si Shan. Tinawagan ko kasi kanina. Aga ko ding nagising.

5 am kaya yun.

Hindi ko na kasi matiis kanina, alangan namang gisingin ko si Kenshin, eh napuyat nga, baka magalit nanaman saken.

Kaya ayon, si Shan nalang ang ginising ko.

"Siguro naman mas iba sya kesa kay Zack Diba?" Sabi ni Shan.

"Honestly speaking? Oo. Sobra, ibang iba sya. Sya yung tipo ng taong kahit na tinataboy na sya nung taong pinipilit nyang pansinin sya, hindi pa din sya sumusuko. Alam mo yung ganon? Kahit gaano kahirap para sa kanya yon, gagawin at gagawin nya ang lahat, mapansin lang sya." Sabi ko.

"Gusto mo na sya noh?" Sabi nya.

Ano bang magandang isagot?

The Game: Truth Or DareDonde viven las historias. Descúbrelo ahora