Chapter 21: The travel

139 12 14
                                    

Kisha's POV

Andito palang kami ni Kenshin sa condo, inaayos pa yung iba naming gamit, tutal, maaga palang naman, 9:00 pa naman kami aalis, at tsaka, 7:30 palang naman. Naka- ready na kami at nakabihis na din, yung mga gamit nalang ang hindi.

"Kenshin, nakita mo ba yung cap ko?"

"Kisha, nakita mo ba yung rer shirt k---"

"Yung cap ko mun---"

"Yung red shirt ko sab---"

"Ewan ko! Bahala kang maghanap jan!" Sigaw ko sa kanya.

Kulit.

Ako kaya nauna nagtanong sa kanya.

Waahhh! Asan na ba kasi yung cap na yon. Yung batman cap ko.

Puchek nam oh! Asan na ba kasi yon?

Nakakainis naman oh.

Nakalipas ang 10 minuto at nahanapan ko na ang cap ko.

"Huy, ano? Okay ka na jan? Tara na, para mas maaga tayo. Ano na?" Sabi ko.

"Nahanap ko na, sa wakas." Sabi nya.

"Tara na." Sabi ko at kinuha na ang bag ko at maleta ko na naglalaman ng mga damit namin ni Kenshin.

Yes, ako ang magbubuhat sa lahat. Uso kasi ngayon ang salitang 'gentleman'.

Bilang naman na yang mga ganyan.

"Kenshin? Di mo manlang ba ako tutulungang magbaba ng mga to? Ako talaga magbubuhat?" Reklamo ko.

"Kaya mo na yan." Sabi nya.

"Uso talaga ang salitang gentleman." Sabi ko.

"Oo." Sabi naman nya.

Aba'y gago.

"Kenshin? I- compare mo nga yang katawan mo sa katawan ko! Hindi mo manlang ba ako tutulungan dito? Masasapak na talaga kita! Nanggigigil na ako ha!" Sabi ko.

Agad naman nyang kinuha yung maleta pati backpack ko na din.

"Oh, ayan. Para hindi naman kasi nakakahiya sayo." Sabi nya.

"Good." Sabi ko.

Lumabas na kami ng unit at bumaba na.

Naghintay kami ng taxi sa labas at sakto naman ang pagdating ng isa.

Sumakay na kami.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa school.

"Bitch!" Sabi ni Shan habang tumatakbo papalapit sa amin.

The Game: Truth Or DareWhere stories live. Discover now