Chapter 8: Enjoy

190 20 0
                                    

Kisha's POV

Pumunta na kami ni kuya sa beach house ng lolo namin. Actually, malayo pa yon dito. Pero masaya kasi makakagala nanaman ako sa malalayong lugar. At isa pa, kasama ko pa ang kuya ko

Yung Lamborghini ni kuya ang sinakyan namin ngayon, tagal na din nyang hindi nagagamit to simula nung last na uwi nya.

Sana nga kasama sina Shan sa pamamasyal namin sa beach house eh. Oo, napunta din don yung mga kaibigan ko, minsan, dun kami namamasyal tas nag- i' stay. Kaso, hindi na kami nabalik don. After an hour, nakarating na kami sa beach house.

Agad naman akong bumaba at ganon din si kuya. Grabe. Ang ganda pa din dito. Musta na kaya si lola?

Makikita mo talaga yung malinaw na kulay ng tubig dagat, basta makikita mo yung buong view.

Pumunta muna kami ni kuya sa may main house dito, baka kasi nandon si lola. Eh lagi naman sya don eh.

Pumasok naman kami agad at nakita namin si lolang nakaupo sa balcony netong bahay.

"Kisha, ikaw na ba yan apo?!"

Sinalubong nya kami at niyakap. Nakakamiss din dito.

"Hello po lola."

Niyakap din namin sya pabalik.

"Kenji, napakalaki mo na. Ab'ay ang gwapo! Siguro, ikaw ay may asawa na." Nagbiro nanaman si lola.

"Ay, nako hindi po. Ngayon lang po kasi ako nauwi, ako na din po kasi yung nag- asikaso ng ibang bussiness sa States." Sabi naman ni kuya.

"O, sya sige, maglibot libot muna kayo dito at magpapahanda ako ng mga pagkain." Sabi ni lola.

Tumango nalang kami at lumabas na. Pumunta muna kami sa may garden malapit sa tree house namin.

Maganda don, garden na garden talaga ang itsura. Tapos mdaming halaman, tapos may fountain na kapag gabi, iba iba yung kulay nung tubig. Maluwang din don. Favorite spot din namin ni kuya tong garden.

"Lam mo kuya, tagal ko na ding hindi nakadalaw dito. Simula nung umalis ka." Sabi ko.

"Eh kaya nga tayo pumunta diba." Sabi nya at nginitian ako.

"Bakit kasi hindi nalang tayo dun sa States tumira?" Sabi ko.

"Hindi pwede. Marami kang maiiwan dito." Sabi nya.

"Eh?" Sabi ko.

"Basta. Makinig nalang muna kay kuya. Malapit ka naman ng tumanda eh, idadala na kita don. Be patient okay?" Sabi nya.

The Game: Truth Or DareOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz