Chapter 11: Get ready

143 18 1
                                    

*Fast forward*
~After 1 week~

Kisha's POV

'You'll be mine until the end of this month.'

Nakalipas na ang isang linggo ngunit hindi pa din maalis sa isipan ko ang mga sinabing salita ng hapon na yon.

Wala akong choice, pumayag na ako kasi mas malalang dare ang ipapagawa nya saken kung sakali mang hindi ako pumayag. Ang dare na yon ay magiging kami sa loob ng isang taon. Edi mas maganda na to.

Pwede din tong daan para tuluyan ko ng makalimutan si Zack diba?

Hays. Sana mag work tong gagawin namin.

Andito ako ngayon sa bahay, umalis ulit si kuya dahil sobrang importante ng gagawin nya sa States. Pumayag ako kasi para yon sa ikabubuti namin. Babalik din naman sya next month.

Nakakainis nga lang kasi ang mama ko at ang asawa nya ang kasama ko ngayon...

"Kisha, kumain ka na." Sabi ng mama ko habang naghahanda ng pagkain.

"Ayoko pang kumain. Wala akong gana." Sabi ko.

"Ilang araw ka ng ganyan. Mula ng umalis amg kuya mo, bihira ka nalang kumain." Sabi nya.

"Wala nga akong gana sabi eh! Ano bang paki mo?" Ako.

"Kisha! Jusko, bakit ka ba ganyan? Wala kang galang!" Sabi nya. Halatang galit na sya dahil sa tono ng boses nya.

"Kagalang- galang ba ang isang katulad mo? Kung hindi mo sana ipinagpalit ang lalaking yan kay Papa Edi sana hindi ako nagkakaganito ngayon. Wala kang kwenta!" Sabi ko sa kanya.

Pumatak naman bigla ang mga luha ko.

"Walang hiya ka!" Sabi nya at sinampal naman ako ng sobrang lakas.

Halos maramdaman ko pang namumula ang mukha ko.

"Look. Simula ngayong araw na to, kalimutan mo ng may anak ka. Kung gusto nyong gumawa ng bago, edi gumawa kayo, wala na kaming paki ni kuya, matagal na, gawin nyo ang gusto nyong gawin, sa inyo na tong bahay na pinagawa ng PAPA KO, oo sa inyo na to kahit sya ang nagpagawa, wag mo na kaming papakialaman pa. Aalis nalang ako para hindi naman nakakahiya sa inyo. Tss. Damn fuck it. This is bullshit." Sabi ko at umalis na sa harapan nya.

The Game: Truth Or DareWhere stories live. Discover now