Chapter 15: Partners

151 14 0
                                    

Kisha's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa food court dito sa mall, kakain lang muna kami ng pwedeng makain, tas tsaka kami mag- gro'grocery.

"Malapit lapit na ding mag- end ang dare. Ilang linggo nalang." Sabi ko habang sinusubo ang pizza gamit ang kamay ko. Alangan namang paa ko diba?

"Eh ano naman ngayon? Alam ko namang ma- mi'miss mo ang isang Kenshin Matsumoto na tulad ko." Sabi nya at tiningnan ako ng nakangiti.

"Pssh, bat naman kita ma- mi'miss? Kapal ha." Sabi ko at nag- smirk.

"Tagal mong kumain." Sabi nya.

Lahat nalang napapansin nito.

"Hindi kasi ako matakaw." Sabi ko.

"Hindi porket mabilis kumain, matakaw na. Lahat ba ng mabagal kumain, hindi matakaw?" Sabi nya.

"K fine whatever." Sabi ko at umirap.

"Tara na." Sabi nya na mukhang nagpipilit na.

"Mauna ka na ah." Sabi ko.

"Edi mauna." Sabi nya at tumayo na.

Hoy! Ayokong mag- isa dito! Gago talaga tong hapon na to.

Ayoko ng maiwan! XD.

"Hoy! Teka lang! Maghintay ka nga!" Sabi ko at hinabol sya.

Kinuha ko muna ang bag ko na nakasabit sa may gilid ng upuan tsaka ko sya hinabol.

Nahabol ko sya at tumabi ako sa kanya. Naglalakad kami ngayon papuntang Save more para mag- grocery.

Wala na kasing pagkain sa condo.

Kumuha kami ng mga canned goods, hotdog, egg, nuggets, pancit canton syempre at iba pang pwedeng kainin. Pag katapos non ay nagbayad na kami sa may cashier's area. Alangan namang sa guard diba? Lakas ng tama ko ngayon. Bat kaya?

"San na tayo pupunta?" Sabi ni Kenshin habang buhat buhat ang dalawang plastic bag na naglalaman ng mga binili namin.
"Punta muna tayo sa beach house." Sabi ko.

"Kisha, masyadong malayo." Sabi nya.

Kenshin's POV

"Kisha, masyadong malayo." Sabi ko.

Sabi kasi ni Kisha, punta daw kami sa beach house, eh malayo layo din naman yun.

"Sige na, kahit ngayon lang." Sabi nya.

"Malayo nga sabi eh. Mahal ang gas." Sabi ko.

Sinimulan nanaman nyang pahabain ang nguso nya. Paawa effect.

"Oo na! Tara na! Para kang bata na hindi nabilihan ng taptoy." Sabi ko.

The Game: Truth Or Dareजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें