Chapter 16: The next plan

137 14 0
                                    

Kisha's POV

'Sige. Tayo nalang dalawa.'

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang yan, kung bakit ako pumayag. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na maging partners kami sa project.

Ano bang nangyayare Kisha? May iba pa bang ibig sabihin to? Bakit pa kasi saken napunta ang dare na to? Bakit saken pa Kenshin?

Nanonood ako ng tv habang si Kenshin ang nagluluto para sa dinner. Kaya nya na yan.

Pero salamat sa kanya, unti- unti na kong nakaka- move on kay Zack. May isang araw nga na hindi ko sya iniisip eh, hindi gaya non, na halos sya nalang ang laman ng utak ko.

Hays.

"Kisha?"

May narinig akong boses galing sa labas ng unit ko.

Boses lalake.

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko kung sino sya.

Si Kiel lang naman pala.

"O Kiel, bakit?" Sabi ko at pinatuloy sya sa loob.

"Oy dude!" Sabi ni Kenshin na may apron pa sa bewang nya.

"Dude! Aba naman! Anong nangyayare dito? Nako dude ah! May nililihim tayo dito ha.
Wahahaha!" Sabi nitong si Kiel na nang- aasar.

"Kiel? Tumigil- tigil ka nga! Porket kasama ko lang dito? Kung ano anong iniisip mo!" Sabi ko.

"Dude naman, nandito lang ako para mabantayan si Kisha. Kawawa naman tong girlfriend ko, mag- isa lang dito kapag wala ako." Sabi ni Kenshin.

"Mamaya---"

"Sige Kiel, tuloy mo pa. May aabutin ka saken." Sabi ko at napatawa nalang sya.

Si Kiel talaga.

"Ah, Kisha, dude, kain na muna tayo. Nakahanda na yung dinner." Sabi ni Kenshin at hinila ako sa kamay.

"Nako ah! Pinamumukha nyo saken ng feeling na maging single!" Sabi ni Kiel.

Natawa naman kami dahil don.

"Magkakaron ka din dude! Wahaha!" Pang- aasar naman nitong si Kenshin.

Feeling naman to.

Umupo na kami at nagsimula ng kumain. Nilagyan naman ni Kenshin ng pagkain ang plato ko sabay abot kay Kiel pagkatapos nya.

"Dude, nga pala, may partner ka na sa magiging project nyo?" Tanong nitong si Kiel kay Kenshin.

"Oo naman dude, ako pa." Sabi nya.

Yabang, tss.

The Game: Truth Or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon