Chapter 24: Can't Sleep!

115 11 1
                                    

Kisha's POV

Andito ako ngayon sa tabing dagat, naglalakad lakad, 6:00 na, palubog na ang araw dito.

Si Kenshin naman ay nasa room namin, pinagpahinga ko, baka stress at pagod lang yon kaya nya nasabi ang mga salitang yon.

Pero hindi ko alam kung bakit nya nagawa ang mga bagay na yon.

At hindi ko din maintindihan kung bakit ko din nagawa ang mga bagay na yon.

Sa ngayon, kasama ko sina Shan, Kyle, at Kiel, sina Kyle At Kiel, tumakas lang.

Bawal kasi silang makisama sa mga hindi nila ka- course.

Nakaupo sila sa bench habang ako ay naglalakad lakad.

Pinagmamasdan nila ako, ramdam ko yun.

Habang naglalakad ako dito sa tabing dagat ay binabasa ko ang paa ko ng tubig na umaalon papunta dito.

"Hoy Kisha! Halika nga dito!" Sabi ni Kiel.

Lumapit naman ako at tumabi sa kanila.

"Bakit?" Sabi ko.

"Ano bang nangyayare sayo? Kanina ka pa." Sabi ni Kyle.

"Guys kasi..." Sabi ko.

Waahhh! Hindi ko matuloy!

"Kasi?" Sabi ni Shan.

"Hinalikan ako kanina ni Kenshin." Sabi ko.

"Tapos?" Sabi ni Kiel.

"Hindi ko alam kung bakit ko sya hinalikan pabalik." Sabi ko.
"What?" Sabi nilang tatlo.

"Ewan." Sabi ko.

"Bitch, may iba ng ibig sabihin yan." Sabi ni Shan.

"Mahal mo na si Kenshin noh?" Sabi ni Kiel.

"Uy, moved- on na sya kay Zack!" Sabi ni Kyle.

"Tumigil tigil nga kayo jan." Sabi ko at umirap.

"Dami mong nadarama." Sabi ni Kiel.

"Kung kayo kaya nasa posisyon ko." Sabi ko nalang.

"Tapos?" Sabi naman ni Kyle.

"Alam ko na guys!" Sabi ni Shan.

"Ano?" Sabay sabay naming tatlong sabi.

"Laro kaya tayo ng trutg or dare?" Sabi ni Shan at kinuha ang bottle sa likuran nya.

Tumango naman kaming lahat as a response.

Na- miss ko ding maglaro nito.

Pinaikot ko yung bottle at sa sarili ko yon naitapat.

"Truth or dare?" Sabay sabay nilang sabi.

"Truth." Sabi ko.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong ni Shan.

The Game: Truth Or DareWhere stories live. Discover now