Chapter 2: Meeting the ex

484 19 0
                                    

Kisha's POV

Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon, breaktime na kasi. Pumunta kami sa Delia's Cafe, ito lang kasi yung cafe na malapit dito sa campus. Actually, tapat lang talaga nitong campus. Medyo marami ang mga students na pumupunta dito, pero sa lahat ng students dito, eh kami lang talaga ang pinakamatagal ng nagme'meryenda dito. Kaya, kilalang kilala kami ng mga staff dito.

"Hi ate Jem. Order nga kami." Sabi ko kay at Jem. Kilala nya din kami kasi nga suki kami dito.

"Anong order nyo Kisha?" Sabi nya naman at ngumiti saken.

"Shake nalang ate." Sabi ko.

"Yung dati?" Sabi nya.

"Ate naman, alam mo namang dung flavor lang kami mahilig." Sabi ko.

Tumango nalang sya. Cookies n' Cream ang lagi naming ino'order dito, tapos kung hindi available yon, strawberry flavor. Bumalik na ulit ako sa pwesto naming magkakaibigan, may reserved seat lagi dito para samin, kasi alam nilang lagi kaming nag-i'stay dito tuwing breaktime. Nagulat ako sa pagpasok ng isang lalake kasama ang isang babae.

Si Zack.

"Zack!" Sigaw ni Kiel na halos magtinginan lahat ng nasa loob ng cafe na to. Kahit kelan tong lalakeng to! Humanda to saken mamaya.

"Si Zack ba yon?" May mga narinig akong nagbubulungan sa tabi at tapat namin.

"Tss, akala ko ba sila ni Kisha? Eh bakit iba kasama nya ngayon?" Girl 1.

"Kung sabagay girls, hindi naman deserve ni Kisha na maging boyfriend nya si Zack." Girl 2. Tss. Whatever. Hinayaan ko nalang silang magbulungan jan. Tsaka ko nalang sila lalabanan if ever na sumobra na sila sa salita.

"Pre." Sabi ni Zack ng makalapit na sya sa inuupan namin.

"Join us." Sya namang sinabi ni Shan. Nananadya talaga sila.

"Long time, no see guys." Si Bea naman ang nagsalita.

Tumabi saken si Zack, at sa kabilang side nya naman ay si Bea. Medyo umasog ako ng konte kahit maluwang yung couch na inuupuan namin ngayon.

"Kunin ko lang yung order guys." Sabi ko.

Tumayo na ako at nagkunwaring kukunin ko talaga yung order. Iniiwasan kong hindi tumingin sa kanila, pero ano? Talo ako. Di ko maiwasan. Pumunta ako sa Restroom, at sinara mismo yung main door non. Para walang makapasok na ibang tao.

"Kisha, si Zack lang yan okay? Si Zack lang yan." Para na kong baliw dito at kinakausap ko ang sarili ko.

"Kaya mo yan." Habol ko pa.

Nagbuntong hininga ako at inayos ko ang sarili ko. Lumabas na ako at naglakad na papunta sa upuan namin. Nag- uusap pa rin sila. Andon na pala yung inorder namin. Umupo nalang ako sa tabi ni Kyle. Pilit kong isiniksik ang sarili ko don.

"Kisha? Ano ba?" Bulong saken ni Kyle.

"Ang luwang luwang ng uupuan mo dun sa tabi ni Zack, nakikipagsiksikan ka dito." Bulong nya pa.

The Game: Truth Or DareWhere stories live. Discover now