Chapter 29: The Song

127 12 0
                                    

Kenshin's POV

"Kisha, halika na." Sabi ko habang inaakay si Kisha papalayo sa lugar kung saan naroroong si Zack.

Putang inang lalakeng yon.

Umiiyak pa din sya.

Kitang kita ko sa mga luha nya na nasasaktan nga naman talaga sya.

Pinaupo ko sya sa bench malapit dito sa may tabing dagat.

Ano bang pwede kong sabihin sa kanya ngayon?

Hinagod ko lang ng hinagod ang likod nya kasi hindi pa din sya tumitigil sa pag- iyak.

Nakatingin lang sya sa malayo habang tumutulo ang mga luha nya.

"Huy Kisha. Tama na, maubos luha mo nyan. Mamaya, dugo na lumabas, sige." Sabi ko.

Tanga mo Kenshin. Hindi sya maniniwala, ang inosente mong mag- salita.

"Okay lang. Para hindi na ako umiyak ulit." Sabi nya at tumingin saken.

Parang may pinapahiwatig ang mga tingin nya na yon.

'Ayoko na.'

"Sshh, tahan na." Sabi ko habang pinupunasan ang luha sa mukha nya at inaayos ang mga buhok na humaharang sa mukha nya.

"Ang gulo nya din Kenshin." Sabi nya.

"Tss. Hayaan mo nalang." Sabi ko.

"Sige, ilabas mo nalang lahat saken. Wag ka lang mananakit. Okay ba yon?" Sabi ko.

"Hindi, hindi okay lang. Baka masaktan ka lang sa mga sasabihin ko. Okay na yung ganito. Yung andito ka, at dinadamayan ako. Diba?" Sabi nya.

"Sabi mo yan. Pero wag mong kakalimutan na andito lang ako, hindi kita sasaktan hindi katulad ng ginawa sayo ni Zack." Sabi ko.

"Seryoso ka talaga noh?" Sabi nya.

"Hindi ata masyadong halata Kisha." Sabi ko.

Napangiti naman sya sa sinabi kong yon.

"Yes! Ngumiti na sya!" Sabi ko.

"Ulol." Sabi nya.

Binatukan pa ko.

"Masakit?" Sabi ko.

"Oo naman, ikaw kaya matamaan ng bola." Sabi nya saken.

"It's not that Kisha. Masakit ba yung ginawa sayo ni Zack." Sabi ko.

The Game: Truth Or DareWhere stories live. Discover now