Chapter 25: Seaside

144 10 0
                                    

Kisha's POV

Nakaupo lang kami dito ni Kenshin, nagpapahangin lang. Wala ngang imik tong katabi ko eh.

Ilang minuto nalang eh mag- se'7 pm na, wala pa atang balak umakyat to kaya naman pinapakisamahan ko nalang.

"Kisha, kung may gusto ko ba, sinasabi mo agad sa kanya?" Sabi nya.

Sa wakas. Nagsalita din.

"Ha? Ah, wala naman akong alam jan eh." Sabi ko.

Hindi ko naman talaga alam eh.

"Eh pano nga? Kung magkagusto ka sa isang tao, sasabihin mo ba agad sa kanya yon?" Sabi nya.

Sige, huhugot lang ako sandali. Pagbigyan ang hindi marunong humugot. Nyaha.

"Kilala mo naman ako eh, hindi ko alam sumagot sa mga tanong na ganyan. Pero, sige, subukan ko." Sabi ko.

Pinatuloy nya lang ako sa pagsasalita.

"Ugh, pano ba to, teka, sige, to na. Meron kasi yung mga taong natatakot magsabi ng totoo, kasi ayaw nilang ma- disappoint sa pwedeng magiging kalabasan non. Pero meron din yung mga taong agad agad nilang sinasabi, para sa huli, hindi na ganon kasakit kasi kung papatagalin pa nila yon, syempre sa huli, baka hindi din magiging maganda ang sagot nung taong gusto mo. Pero meron din naman yung mga taong umaasa, para pag napansin sila ng mga gusto nila, mahulog din yung loob nila. Yun lang alam ko, sorry, hindi ko talaga alam sumagot ng ganyan eh." Sabi ko.

"Tss. Kung ikaw ba, sasabihin mo agad or papatagalin mo pa?" Sabi nya.

"Kung ako, ewan. Siguro mas pipiliin ko yung aasa nalang ako. Para naman mapansin ako ng taong gusto ko. Yung tipong magpapapansin ka sa kanya, para sa huli, may possibility na ma- fall din sya sayo. Pero, siguro, imposible yon." Sabi ko.
Bakit nya nga pala tinatanong mga bagay na yon?

The Game: Truth Or DareWhere stories live. Discover now