Chapter 18

39.8K 736 60
                                    


"BAKIT mo sinabi 'yon?" hindi mapigilang tanong ni Sassa sa walang imik na si Julian habang binabagtas nila ang daan pabalik sa bahay nito.

"Ang alin?"

"Ang pagkakaroon natin ng anak, ano pa ba!" eksaherada niyang bigkas. "Kukulitin ako nina mama niyan!"

Nakita niyang tumaas ang sulok ng bibig nito. "Why, we can do that. Anywhere you want. Anytime you want."

Nandidilat ang mga matang iniumang niya ang kamao rito. "Gusto mo nang upper cut?"

Sinulyapan siya nito habang nakangisi. "Easy, masyado ka namang high blood."

"Nangti-trip ka, eh. Ako tuloy ang maiipit sa mga kalokohan mo."

Sumeryoso ito. Nagsumiksik siya sa kinauupuan at tumanaw sa labas ng bintana ng sasakyan nito. Tumahimik na naman kasi ito. "What if I break that rule and let you be my wife until----"

"What?!" sigaw niya. "Y-you're going to break that rule?" Bakas ang pagkamangha, pagkagulat at pagkalito sa kanyang mukha ngunit hindi rin maitatanggi ang sayang naidulot ng mga sinabi nitong iyon sa kanya.

"I've thought it a lot and yes, I am breaking that rule," nakailing nitong saad. Parang hindi malaman sa sarili kung paano humantong sa gano'ng estado ang pag-iisip nito.

Nakakatitig lang siya rito. Hindi siya makapagsalita, she doesn't want to. Baka kasi bigla na lang nitong bawiin ang lahat kapag may hindi ito nagustuhan sa salitang lalabas sa bibig niya.

Hindi rin ito tumitingin sa gawi niya. It's like he is avoiding to make an eye contact with her. May itinatago na kayang damdamin ito para sa kanya?

Yes naman!

Hanggang sa maramdaman na lang niyang huminto ang sasakyan sa gilid ng daan. "Uy---"

She didn't have the chance to finish her sentence. Walang paalam nitong kinabig ang kanyang batok at sinakop ang mga labi niya. Nanigas siya sa kinauupuan at nagkagulo-gulo ang buong systema niya. Hindi alam kung ano ang gagawin. This is their first kiss. Isa lang ang isinisigaw ng utak niya.

Sunggaban mo na!

She did. Ipinalibot niya ang mga braso sa batok nito. Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto ang itinagala no'n pero nang kumalas ito ay bahagya siyang sumimangot. He grinned when he saw that. His thumb carressed the end of her lips and smiled. "Cute."

Kumunot ang noo niya. "Who? Me?"

Natawa ito at umayos nang upo. "Yes, you."

Pinalo niya ito sa balikat. "Ang salitang cute na salita ay para sa aso lamang," nakalabi niyang saad.

Dumukwang ito at inilapit ang bibig sa kanyang tainga bago bumulong. "Okay, cute. Let's do the dew..."

Noong una ay hindi niya ito nagets ngunit nang mag-sink-in sa pang-unawa niya ang sinabi nito ay lumaki ang butas ng ilong niya at napabuga nang hangin. Namula rin ang kanyang pisngi na makatingin ng deretso sa mga nanunuksong mata nito.

Nang maka-recover ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "Nasaan si Julian? Ano'ng ginawa mo sa kanya? Impostor!"

This time, it was him who knitted his forehead. "Nababaliw ka na naman."

"Hindi. Ibalik mo siya!"

Ngumiti ito at natulala na naman ang ganda niya! "Maybe this is why I fell in love with you," wika nito na ikinalala nang bilis ng tibok ng puso niya. Parang may mga dagang naghahabulan doon.

"A-ano ba ang sinasabi mo?" nauutal na niyang sabi.

Napailing ito na parang ito mismo ay hindi rin makapaniwala sa sarili. "I am in love with you, Sassa. I don't know when and how it happend but I am sure with what I am feeling right now towards you. Ikaw na lang ang palagi kung nakikita. Hell, I even drive four hours almost every night just to get home and see you. I don't do that, not even with Margo. May mga bagay na nagagawa ko nang taliwas sa kung ano ang lumalabas sa bibig ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na hindi ka balikan at bawiin lahat nang sinabi ko sa'yo no'ng gabing nasaktan kita." Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "I was looking for the right time to finally say these words to you pero wala, eh. Kinakain ako nang pride at ego ko. I'm sorry if I became insensitive, at kung naging matigas ako. But damn, I love you, Sassa."

Nakaawang ang bibig na naktitig lang siya rito. This couldn't be happening to me! Is this real or just a dream?

Kinabig siya nito at niyakap. "I asked you to a marriage that really involves with a deal at first. Ngunit nang lumaon ay dinala ako at nilunod ng charm mo. Pakiramdam ko nga ay hindi na ako makakaahon pa," puno ng sensiridad na saad nito.

Bumalong ang luha sa mga mata niya. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Ngayong nasa gilid tayo ng kalsada..."

He chuckled. "Hindi ko rin namalayan na nagtatapat na pala ako."

Natawa siya at kumalas mula sa pagkakayakap dito. She wiped the tears in her eyes. "You know that I love you too, right?"

Tumango ito. "Yes."

Sinuntok niya ito sa dibdib. Hinimas nito iyon. "That's for your pride." At isa pang suntok ang pinakawalan niya. "And that's for your ego. Hinintay mo pa talagang mabanggit ang anak bago ka umamin, ah. Nakakainis ka!"

Nagliwanag ang muka nito. "Speaking of..."

"Pakasalan mo muna ako!"

"Mag-asawa na tayo."

"I want it real," giit niya.

"It is re---"

"Julian!"

"Okay, just a kiss then.."

She gave him a smack on the lips. Magsasalita sana ito ngunit inunahan na niya. "Uh-ah, bawal magreklamo. Let's do the dew after the wedding, okay?" She seductively carressed his bottom lip. "Makakapaghintay ka pa naman, 'diba?"

He groaned. Muling binuhay ang sasakyan. "Fine. Let's have our church wedding in two weeks time."

Hindi na niya ito kinontra at ngingisi-ngisi na lang sa kanyang upuan.

"Hey, boogie woogie dance club, here we come!" she yelled.

End.



Super mega over salamat sa mga nagbasa, natuwa, bumoto at tumangkilik sa kuwentong ito. Sana ay nagustuhan ninyo ng bonggang-bongga!

I suck at endings, I know... ☺


Love lots,
RealiceWorks

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon