Chapter 16

25.1K 552 8
                                    

MAHIGPIT ang kapit niya sa leeg ni Julian habang pasan siya nito sa likod. Because of her clumsiness, she's injured her left ankle. Masama ang pagkakatapilok niya nang akyatin nila ang may kataasang bundok. Pilit siya nitong inaalalayan habang paakyat ngunit lagi niyang sinasabi na kaya na niya dahil sanay naman siya at lagi naman nilang inaakyat iyon no'ng bata pa silang magkakapatid.

"Sassa, sinasakal mo ako," reklamo nito nang hindi niya namalayang mas humigpit ang mga braso niya sa leeg nito. Niluwagan niya ang kapit doon.

"Sorry..."

"Minsan makinig ka sa akin, hindi 'yong inuuna mo ang katigasan ng ulo."

Napasimangot na lang siya sa pangangaral nito sa kanya. "Lagi ko naman talagang ginagawa ang pag-akyat do'n noon. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko nang narating ang tuktok niyon."

"That was before. Hindi na ngayon. Mabigat na ang katawan mo."

Napabuga siya nang hangin at tinampal ang dibdib nito. "Sinasabi mo bang mataba ako?"

"Hindi."

"'Yon ang pinupunto mo, eh."

"Why, do you think you're fat?"

"Of course not!"

"Yun naman pala, e."

She amiled and let her chin draped on his shoulder. Bahagya pa niyang sinamyo ang leeg nito. Naramdaman niyang bahagya itong nanigas. "I can stay like this forever," sambit niya bago buong tapang na isiniksik ang mukha ro'n.

"Damn, Sassa. Stop it!"

She grinned. "Why? Ticklish?" she teased.

"Kapag hindi ka pa tumigil ay ihahagis na kita sa unang bangin na makikita ko."

"Walang bangin dito."

"Oh, yeah? Well, open your eyes sweetheart and see this."

She did and gasped when she saw where they're standing on. Nasa taas sila? What the hell? Manghang tinapik niya ang balikat nito upang ibaba siya. "What. Paano... How?" puno nang pagkamanghang tanong niya.

A sly smile formed his lips. "I guess I just found a shortcut."

Gano'n na lamang ba siya ka-distracted dito para hindi niya mamalayan ang mga nangyayari sa paligid niya? "Saan?"

That sly smile became sexy and seductive. Inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga. "Are you really that mad to find out?" bulong nito sa mababa at nang-aakit na boses.

Natigilan siya. Pambihira! Ginagantihan ba siya nito? Hindi pa siya nakakasagot nang tumuwid ito nang tayo. Halatang pinipigilan nito ang sariling matawa. Buweset!

Sinuntok niya ito sa balikat. "Ha-ha. Nakakatawa."

Noon nito pinakawalan ang tinitimping halakhak. It showed his perfect white set of teeth. "I like it here. Peaceful and cold."

Tumanaw siya sa baba at bahagyang nanginig. "Huwag ka lang titingin sa baba..."

She heard him chuckle. "Yeah."

Binalot sila nang katahimikan at pareho nilang ninanamnam ang mabining haplos na hatid ng hangin sa kanilang mga balat.

"I never imagined that there's actually a place like this here in the Phillipines," wika nito kapagkuwan.

Pinagmasdan niya ito. "Super okay naman sa Tagaytay, ah..."

"Oo pero iba rito sa inyo."

Napangiti siya saka malalim na humugot ng hininga. "Maybe because I'm here..."

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon