Chapter 14

24.7K 555 10
                                    

"KUMAIN ka, hindi iyang para kang baliw dyan na nakangiti lang."

Sumimangot siya ngunit hindi napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. It's crazy when you can't get that stupid smile off of your lips. Ipinagpatuloy niya ang pagkain. Kasalukuyan na nilang nilalantakan ang mga pagkaing niluto nito at oo, aminin man niya o hindi ay masarap itong magluto. Kinikilig na kinagat niya ang pang-ibabang labi ngunit agad ding tumuwid ang kanyang ekspresyon nang kunutan siya nito ng noo. Pagkaraan ng ilang saglit ay uminom siya nang tubig at bahagyang hinimas ang tiyan. "Thanks sa food. Masayang-masaya ang mga alaga ko."

"You should eat more. Pumapayat ka."

"'Wag kang ano," turan niya bago kinapa ang bilbil. "Simpleng lait ka rin."

"Tumayo kana riyan at ligpitin mo na lahat nang ito."

Hay, expired na naman ang kabaitan sa'kin! Enebeyen!

Tumayo siya mula sa silyang kinauupuan at nagsimulang magligpit. Nagulat siya nang nakita niyang kinukuha nito ang mga pinggan. "Ano'ng ginagawa mo? Akala ko ba ako na ang magliligpit?" takang tanong niya.

"Bakit ba lagi mo nalang pinupuna ang mga kawang-gawa ko?" Dinala nito sa sink ang mga maruruming plato.

"E, di sige. Ikaw na lang din ang maghugas."

Inihanda niya ang sarili sa pambubulyaw nito dahil sa kanyang sinabi ngunit napanganga siya nang magsimula itong maghugas. She didn't know that a man could look awesomely sexy and masculine even when washing the dishes. And yes, this man in front of her proves that right. She leaned against the island counter and watched him. Nakatupi ang mga manggas ng long-sleeved nito hanggang sa mga siko. At dahil nalatalikod ito sa kanya ay malaya niyang sinuyod nang tingin ang likod nito.

Nice butt...

Muntik na siyang mapatili nang lingunin siya nito. Siyet!

"You were staring at my butt," may pag-aakusang wika nito.

Agad namula ang kanyang magkabilang pisngi. "Ah, eh, duh, hindi ah! Bakit ko naman gagawin 'yon?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito na dahilan upang lumala ang kulay sa kanyang mga pisngi. "Well, haler, Mister! Hindi kita binobosohan kaya huwag mo akong tingnan nang ganyan." Inikot niya ang mga mata saka iwinawagayway ang kamay sa ere upang pagtakpan ang pagkapahiya. When he raised his eyebrow with accusation and amusement in his eyes, she had enough. "Naghihintay ang mga hugasin mo, Julian. Kapag ang mga iyan ay nanlamig, ikaw ang ipapalit ko."

"Okay. Why are you still here anyway? Shouldn't you be sleeping now?"

Oo nga naman! Bakit ba niya ito pinapanood, eh samantalang puwede namang hindi? Hay, ang gulo mo rin, ineng!

Nag-isip siya nang palusot. "Para sa iyong karagdagang kaalaman, kabayan, walang taong natutulog ilang minuto pagkatapos kumain. Masama iyon sa katawan."

"Ow? Sino naman ang nagsabi niyan?"

"Sorry ka... Sikreto ang kanyang pagkatao." Inabot niya ang isang mansanas sa lalagyan ng mga prutas at kumagat ng malaki. "Hmmm... Ngayon ko lang na-appreciate ang mansanas, ah. Masarap," turan niya habang ngumunguya.

Umiling-iling ito saka tinapos ang pag-uurong. Akma siya nitong iiwan nang pigilan niya ito. She gripped his shirt. Kunot-noo itong bumaling sa kanya. "Ano na naman, Sassa?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Nang makita ang nawawalang pasensya look nito ay napalunok siya nang ilang beses. Maglalakad sana ito palayo nang higpitan niya ang hawak sa damit nito.

"What?" he asked impatiently.

Oh, gosh! I need to do this now... There's no room for cowardice now, Sassa! Kailangan mong malaman ang reaksyon niya!

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon