Chapter 2

38.3K 949 14
                                    

"COME in."

This is it.

Humugot nang malalim na hininga si Sassa bago  binuksan ang pintong nagbubukod sa opisina niya at kanyang boss. She slowly walked in and saw him seating on his swivel chair behind his large desk. Bahagya itong nakayuko at kasalukuyang pumupirma sa mga papel sa mesa nito.

So this is her boss, the mighty owner of Sejice Corporation.

Hindi niya nakita itong pumasok kanina kasi mas nauna itong dumating kaysa sa kanya. Inagahan na niya sa lagay na 'yan, ha.

"Good morning, sir," bati niya upang kunin ang atensyon nito. But when he looked up, her world went upside down. "Ikaw?" bulalas niya.

It was the same guy in the elevator!

He arched one perfect brow. "Yes, me, Ms. Cruz." He gestured her finger that was pointed directly at him. "Didin't anybody tell you to not just point a finger at someone, especially when he's your boss?"

Napaawang ang bibig niya at ibinaba ang kamay. Grabe, nabara agad siya. Matindi nga talaga ito.

"At pakitikum din iyang bibig mo," dagdag pa nito.

Nagngi-ngitngit man ang loob niya, pinili niyang huwag na lang pansinin ang pagsusungit nito at humingi nang maikling paumanhin. "Sorry, sir."

"By the way." Walang anumang itinuloy nito ang ginagawa. "I presume that Ms. Fontanilla discussed all the things you need to know while you work for me."

"Yes, sir," she replied, surprisingly, her voice came calm.

"Are you okay with those?"

With that rule? Hell, yes!

"Yes, sir."

"Good." Ibinaba nito ang hawak na signing pen at tumayo. He extended a hand to her, but his face remained impassive. "Welcome to Sejice Corporation."

Lumapit siya rito at inabot ang kamay nitong nakalahad. "Thank you, sir."

He looked at her in the eyes. "You know my rule, Ms. Cruz. You should take it seriously." He released her hand. "You can now go."

"Of course, sir." Nginitian niya ito nang tipid bago umalis.

She breathed out a harsh breath when she was out from his office. Kaloka! Ipinaglihi ba ito sa sama nang loob na may kasama pang masamang hangin? Hah! Ayaw ko rin sa mga taong mas pinupuno nang hangin ang ulo kaysa sa baga ano!

May karapatan naman kasi siyang magyabang 'te! Ungot naman ng isang bahagi nang kanyang utak.

She scoffed.

Kauupo niya lang sa kanyang upuan nang mag-ingay ang teleponong nasa ibabaw ng kanyang mesa. Dinampot niya ang receiver. "Good morning. This is---"

"Did you eat breakfast?"

Kumunot-noo siya. Boses ito nang boss niya. "Sorry, sir, ano ho ulit?"

"If you didn't. There's a restaurant beside this building. Kumain ka, ayoko nang empleyadong hindi epektibo dahil nagugutom." Pagkasabi niyon ay nawala na ito sa linya.

Napatanga nalang siya sa receiver. What the hell? Matutuwa ba siya o hindi?

Tange! Siyempre hindi! Ikaw na nga itong nilait, matutuwa ka pa? tili nang isang bahagi ng kanyang utak.

Bumuntong hininga siya. Bahala na nga, susundin nalang niya ito. Tutal at hindi pa naman talaga siya kumakain, sasamantalahin nalang niya.

She put down the receiver back, took out her wallet in her bag and went out. Ito naman ang may sabi, eh. Nagiging masunurin lang siya. At siyempre, sisiguraduhin niyang magpapakabusog siya.

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon