Chapter 11

24.7K 607 6
                                    

PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Sassa mula sa kama. Iniunat niya ang mga kamay at nag-stretch. Kinusot niya ang mga mata nang makita si Julian na nakatapis lang ng tuwalya. Mukhang kakaligo lang nito. Droplets of water still streams down on his tanned skin. Napalunok siya nang patuloy na pagmasdan ang katawan nito. From his broad shoulders, muscled chest and to his taut eight pack abs down to his----isang matinis na tili ang pinakawalan niya at ibinato rito ang unang unan na kanyang nahagip nang akmang tatanggalin nito ang pagkakabuhol ng tuwalya.

Sa gulat nito ay isang maanghang na salita ang humulagpos sa bibig nito. Agad din nitong hinigpitan ang hawak sa tuwalya. Hindi niya alam kung matatawa siya sa naging reaksyon nito o maaasar sa muntik ng paghuhubad nito sa harapan niya.

"Why the heck did you scream for?" he yelled at her. Pinulot nito ang unan at inihagis pabalik sa kama.

"Itinatanong pa ba 'yan? Bakit ka nagboborles sa harapan ko? Baka nakakalimutan mong may babaeng inosente rito. Haler!"

"You were sleeping, Sassa. Ano'ng gusto mong gawin ko? Sa banyo pa magbihis? This is my room for goodness' sake!"

She rolled her eyes. "Fine! Point taken. Hindi mo na kailangang ipagduldulan iyan dahil nakakaintindi naman ako. Ang punto ko lang din ay hindi mo puwedeng gawin iyan hanggat nandito ako! Hindi porke maganda iyang katawan mo ay okay lang na maghubad ka kahit kailan mo gusto." Inismiran niya ito bago marahas na umalis ng kama at nagmarcha patungong banyo. She even slammed the bathroom's door shut.

Nang mapag-isa ay kinapa niya ang naghuhuramentadong puso sa kanyang dibdib. Para namang tukso na nagreplay sa kanyang utak ang munting show nito kanina. She palmed her head and shook it. Erase. Erase. Erase.

You're falling for him.

Tumili siya. No!

Bago pa siya mabaliw ay nagdesisyon na siyang lumabas. Nakabihis na ito at abala sa pakikipag-usap sa cellphone nang madatnan niya. Pinagmasdan niya ang likod nito at napakunot-noo siya nang marinig ang mga sinabi nito sa kausap.

"Yeah? Where? Margo, it'll be fine. Okay. I'm on my way." Tinapos nito ang tawag. He was surprised for a second when he took notice of her presence.

"Si Margo?" tanong niya na iniwas ang tingin dito. Nilampasan niya ito.

"Oo. Aalis muna ako," paalam nito.

"Ah, okay pero paano ang mama at kapatid mo?"

"They flew back to america this morning."

Her eyes bulged. "Ano?" Nilapitan niya ito at sinikmat ang braso nitong may relo.

"Alas onse na?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Bakit hindi mo ako ginising?"

Ibig bang sabihin nito ay lalayas narin siya sa pamamahay nito?

"Nagmamadali sila kaya hindi ka na namin inabala pa. At siyanga pala, huwag mo raw kalilimutan ang bilin sa iyo ni ate. What is it? Mayro'n ba akong dapat malaman?"

Bilin? Ow that make him fall in love with me thing? Geeeez!

"Sassa. Tulala kana naman diyan."

Inirapan niya ito. "Papasok ako ngayon sa office."

"Wala kang gagawin do'n."

"Paanong wala?" Sinuri niya ito nang tingin. "Huwag mong sabihin na pinalitan mo ako?"

"I'm not telling."

Hinampas niya ito. "Julian naman!"

"Okay. I did."

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon