Chapter 9

27.1K 811 11
                                    

"ANO?! Ikaka---" Tinakpan niya ang bibig ng kaibigang si Izzy at pinandilatan ito nang mga mata. Sa lakas ba naman kasi nang boses nito ay pati siguro bingi ay mapapalingon.

"Secret nga, 'diba? Tapos isinisigaw mo." Luminga siya loob ng fast food na kinakainan nila. "Kahit kailan talaga ay hindi ka maasahan sa mga gan'tong bagay."

Iniikot nito ang mga mata. "Eh, bakit mo sinabi sa akin?"

Ngumisi siya rito. "Bakit nga ba?"

"Gaga!"

Tumawa siya. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?"

"Dinadalaw ka."

Tiningnan niya ito nang may pagdududa. "Ows? Baka naman ini-stalk mo na naman ang lalaking iyon?"

Her friend had this huge crush with this Alexander Zero guy. Hindi pa niya nakikilala ang lalaki dahil hindi naman niya alam ang whereabouts nito. Tanging ang weirdo niyang kaibigan lang ang nakakaalam.

"'Uy, hindi ah. Pumunta ako para lang sa'yo ngayon. And besides he's not here. Nasa ibang bansa siya."

Tinaasan niya ito nang kilay. "Ipinapaalala ko lang sa'yo, kaibigan, na ang lalaking kinahuhumalingan mo ay hindi mo pa lubos na kilala. Ipinagkakalat mo pang boyfriend mo na siya, ha? Paano kapag umabot iyon sa kanya?"

She smiled at her sweetly. "Eh, di maganda. Hindi ako mahihirapang kunin ang atensyon niya." She snickered. "At saka bakit ba ako ang pinag-uusapan dito? I'm not the one who'll get secretly married for six months with her boss and his stupid rule. Hay naku, suhestiyon ko lang, ha? Kuhanin mo na lang iyong pera tapos tumakbo kana."

"Haler! As if naman matatakbuhan ko siya. Sa yaman niyang iyon? Ayoko ngang maghimas ng rehas."

"Gagi! Bakit ka ba pumayag? Malaki na siya, kaya na niyang resolbahin ang mga problema niya."

Bakit nga ba?

Umiwas siya nang tingin dito at sumipsip sa kanyang cokefloat na iniinom. Namilog ang mga mata nito na itinuro pa siya.

"Hoy, babae. Umamin ka nga. May gusto ka sa kanya, ano?"

"What? No! All I want is the money in my pocket."

Ngumisi ito. "Defensive ka 'te! Ikaw na."

"Tse!"

"Just be careful with your heart, frenshep. Because you'll never know, baka isang umaga ay magising ka na lang na iba na ang nararamdaman mo para sa kanya. Ayokong masaktan ka sa gagawin mo. Anim na buwan din iyon."

"Hindi naman kami magsasama sa isang bahay lang. The marriage is legal, yes, but that doesn't mean that we will going to practice what married people do. Kaplastikan lang iyon. Kung magpapanggap man kami ay sa harapan lang ng kanyang kapatid na babae," paliwanag niya.

"Basta ingatan mo ang puso mo. Hindi mahirap mahalin ang mga guwapo," wika nito na ikinatawa nilang dalawa.

"But infairnes to him, your wedding ring is really something. Pang mayaman," puna nito sa singsing na suot niya. "He really did make an effort to buy exactly the ring you wanted." Tumaas ang kilay nito. "Baka naman may gusto siya sa'yo?"

"Tange! Paano naman magkakagusto iyon sa akin? Saka nilinaw niya sa akin ang lahat. Kontrata lang, walang personalan. And his heart belongs to someone."

"Bakit ikaw ang niyaya niya at hindi ang babaeng mahal niya? Baliw ba siya?"

Umiling siya. "Hindi. I guess he's afraid to be rejected again by the same woman. Minsan na kasi siyang tinanggihan."

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon