Chapter 4

33.7K 793 16
                                    

Reminder: Maaari pong maiba ang alignment ng mga inline comments dahil po sa editing... 😊



"GIRL, sige na. Sumama ka na sa amin sa Cagayan." Ipinilig ni Sassa ang kanyang ulo habang pinapakinggan ang pagpupumilit ng kanyang kaibigan na sumama sa outing ng kanilang batch sa Palaui Island sa Cagayan Valley. "Come on. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa puro trabaho lang. You deserve to go out and see the world," dagdag pa nito.

Napabuntong-hiningang kinamot niya ang noo. "Gustuhin ko man ay hindi puwede. Kakaumpisa ko pa lang sa trabaho. Eh, di nasesante naman ako kung agad akong mawawala nang dalawang araw." Limang araw kasi ang outing. Nakikinikinita na niya ang pagbusangot nito sa kabilang linya.

"Okay. Pero mamasyal ka naman kahit minsan lang. Para makakita ka naman ng bago. Malay mo hindi lang magagandang lugar ang makita mo kundi pati na rin ang magiging lovey dovey mo."

Sabi na nga ba niya at doon papunta ang usapan. "Oo na."

"Asahan ko iyan, ha? Kung hindi talaga, naku, pupuntahan talaga kita at kakaladkarin sumama ka lang."

Bahagya siyang natawa. "Hindi mangyayari 'yon, gagi. 'Uy sige na baka maabutan pa ako nang boss kong nakikipag-tsikahan sa cellphone. Bawasan pa sweldo ko. Babush!" Hindi na niya hinintay sa sagot nito dahil sigurado siyang hahaba na naman ang usapan. Knowing her friend, she wouldn't just let go of her that easy.

She had known Izzy since they were in college. Naging magkaibigan agad sila dahil marami silang pagkakapareho sa mga bagay-bagay kahit na magka-iba sila nang unibersidad na pinapasukan. Nagka-kilala sila sa isang seminar kung saan iba-ibang eskuwelahan ang attendees. Mabilis niya itong nakapalagayan ng loob dahil sa masayahing personalidad nito.

Kinakalikot niya ang kanyang computer desktop nang bumukas ang pintuan ng boss niya at iluwa ito ro'n. Madilim ang mukha nito at halatang nagpipigil ng galit.

Hala ka. Narinig ba nito lahat ng pinagsasasabi niya kanina?

"Go home and pack," anito.

Kinabahan siya bigla. "S-sir huwag niyo ho akong sesantehin. May pamilya---"

"Ano'ng pinagsasasabi mo? Umuwi ka na at mag-impake dahil aalis tayo mamaya."

Bumuga siya nang hangin pero bakas sa kanyang mukha ang kalituhan nang muli niya itong tingnan. "Saan tayo pupunta?"

"I have an urgent meeting somewhere in Tagaytay and I need you to come with me. Sige na, Ms. Cruz. Dadaanan nalang kita sa bahay ninyo mamaya."

Hindi pa rin nawawala ang madilim na ekspresyon nito kaya sumang-ayon na agad siya at baka singhalan na siya nito. "Okay sir."

Tinanguan siya nito bago bumalik sa loob ng opisina nito. She was about to walk out the door when she remembered something. Pumihit siya at kinatok ito.

"What?" matigas nitong tanong.

Ay, mainit ata talaga ang ulo.

Pinihit niya ang seredura at bahagyang ipinasok ang ulo para makita ito. "Ah, sir. Alam mo home address ko? Baka kasi mawala ka," turan niya sabay ngiti.

"You're my employee, Ms. Cruz, kaya natural lang na alam ko kung saan ka nakatira," masungit nitong sagot.

That meeting maybe a very important one.

She mouthed 'okay' and ever so quietly closed the door. Hindi nalang niya papatulan ang pagsusungit nito. Maybe he's just having a bad day.

TAHIMIK na nakatanaw sa labas ng bintana nang sasakyan si Sassa habang binabagtas nila ang daan patungong Tagaytay. Nayayamot na siya sa katahimikan sa loob ng sasakyan nito. Napapanis na ang laway niya at kailangan na niyang magsalita. Sinulyapan niya ang seryosong mukha nito at napasimangot.

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon