Chapter 13

24.5K 626 9
                                    

"HAY, ano na ang gagawin ko?" tanong ni Sassa sa sarili habang nakamata sa bulaklak ng gumamela sa labas ng Cafe. "Paano na ang tahimik at mapayapa kong buhay?"

"Sino'ng kausap mo?" Trevor sat down beside her... Mas ginusto niyang tumambay sa labas dahil mas nakakapag-isip siya nang maigi. Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang pakikipagtitigan sa bulaklak. "Alam mo, mapapagod ka lang sa ginagawa mo. Kahit naman makipagtitigan ka riyan ay hindi na mababago na kalat sa buong mundo ang relasyon mo kay pareng Enteng."

She glanced at him. "Sinong Enteng? Wala akong asawang Enteng."

"Well, he's Enteng to me."

Umingos siya. Wala siya sa mood makipag-usap kahit kanino. "Huwag mo akong istorbohin at ako ay nasa malalim na pag-iisip."

Suddenly, a coke in can appeared in front of her face. "In that case, uminom na lang tayo. Coke for you and beer for me."

Kinuha niya ang coke at agad binuksan iyon bago ito tuluyang hinarap. "Tanghaling tapat, umiinom ka. Sawi ka rin ba?"

"Walang araw kaya okay lang. And no, I'm not a broken hearted man."

Tinaasan niya ito nang kilay. Hindi siya asar dito dahil hindi naman ito kasali sa kalokohan nang kambal at ni Cloud.

"Bakit ka na naman nag-iisa?" tanong nito na mataman siyang pinagmasdan.

She shrugged. "Ikaw, ba't ka nag-iisa?"

Itinaas nito ang bote nang beer na hawak. "I'm with my beer."

Natawa siya sa inakto nito. "So, ikaw ang lasinggero sa inyong magkakaibigan."

Ngumiti ito at hindi nagbigay ng komento. Pinandigan? Ibang klase rin ang isang ito, ah!

"Iniwan ka na naman ni Enteng..." Napatingin siya rito. Trevor set the beer on the table, clicking his tongue. "Tanga rin ang isang 'yon. Ikaw ang asawa niya pero lagi ka namang pinapabayaang nag-iisa. Kung ako sa'yo, uuwi na ako at ipapamudmud ko ang pera niya sa mga mas nangangailangan."

Nakamata lang siya rito. She couldn't believe he said those to her. Napangiti siya. She likes him. "Wala naman kasing napagkasunduan na kailangan niyang gampanan ang pagiging asawa niya sa akin. And besides, he's busy hunting your friends down."

"Nagsasayang lang siya nang oras. Magaling magtago ang mga iyon."

"Bakit hindi ka tumulong?"

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Because he's your friend."

"Those three lions are my friends too..." Ngumisi ito. "Besides it is fun to watch."

Napailing na lang siya. "Weird."

He smiled at her before draining his beer. Mayamaya ay muli itong nagsalita. This time there was seriousness in his voice. "Do you like Kent?"

Nanlaki ang mga mata niya at hindi agad nakasagot. Trevor then once again smiled, understanding is seen in his eyes. Humugot muna siya nang isang malalim na hininga bago nagawang sumagot. "Obvious ba?"

He chuckled. "Oo."

Napainom siya bigla sa coke niya. "Sabihin mo nga, did he somehow noticed it?"

Tumaas ang kilay nito bago sumandal sa upuan. "I don't know. Basta ang alam ko lang ay hindi naman manhid si Kent."

My gas! Good bye eight million!

"He doesn't mind though," turan nito na may kakaibang ngiti.

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon