Chapter 17

26K 581 11
                                    

PADAPANG ibinagsak ni Sassa ang katawan sa kanyang kama saka naghikab. "Julian, sigurado ka bang okay ka lang dyan sa sahig?" tanong niya sa kanina pang tahimik na lalaki.

"I can get use to it." Her dangling foot touched something. "May tao rito, Sassa."

Inangat niya ang paa. "Sorry. I thought you're on the other side."

He groaned. Nagbiling-baligtad ito sa kinahihigaan. Dumungaw siya mula sa kama. "Ang likot mo. Hindi ako makatulog. Sigurado ka bang ayos ka lang?"

"Hindi ka makatulog dahil wala ka namang balak pang matulog. Ayaw mo pang ipapatay ang ilaw," nakapikit nitong saad. Nakatihaya ito at nakapatong ang isang braso sa noo habang ang isa naman ay sa tiyan. Just by looking at him in that position, hindi na naman niya mapigilan ang sariling matakam sa katawan nito. Pinanuyuan siya nang lalamunan.

Ulala!

Napalunok siya nang ilang ulit bago marahas na ipinilig ang ulo. Bad chita! Bumangon siya at nagpatay ng ilaw. She doesn't have a lamp shade so the room immediately covered by darkness. Kinapa niya ang daanan pabalik sa kama niya. Impit siyang napatili nang mapatid siya nang matigas na bagay at bumagsak dito. He heard him grunt.

"Dammit, woman! Ano bang kalokohan ang pumasok dyan sa utak mo at naglakad ka nang walang ilaw?" he growled out.

Hindi agad siya nakagalaw sa ibabaw nito. Pinuno kasi nang masculine scent ang kanyang pang-amoy.

"Sassa..." May warning sa tono nito.

"Hmmmm?"

"Get off of me."

Doon siya natauhan. Mabilis pa sa alas- kuwatrong umalis siya sa pagkakadagan dito. Umupo siya sa sahig at kumurap-kurap. "Wala akong makita."

"Your bed is just right there..."

"Hindi ko nga----Ay, isdang nganga!" tili niya nang bigla nalang siya nitong binuhat at ideniposito sa kama.

"Now, you go to sleep, okay?" mahina ngunit mababakas ang pagkairita sa boses nito.

"My injury stings..."

Naaninag niyang naihilamos nito ang kamay sa mukha. "Nakapaglakad ka ng maayos nang pinatay mo ang ilaw, Sassa." May diin ang bawat bigkas nito nang salita.

Naasar na nga yata ito sa kanya.. Pagod kasi sa pagbubuhat sa'yo! konsensya ng sariling utak.

Lumamlam ang mukha niya at inabot ang pisngi nito saka hinaplos. "You can sleep here with me..." Damn. Hindi man niya sinadya ay parang nang-aakit ang naging dating ng boses niya.

Matagal nitong tinitigan ang mukha niya. "Inaakit mo ba ako?"

Ngumisi siya. "Naaakit ka ba?"

Hindi ito sumagot bagkus ay pinitik nito ang noo niya saka siya kinumutan hanggang sa ulo. "Tinakasan ka naman nang bait. Matulog ka baka sakaling maibalik mo pa iyon."

Dahil sa nakatakip ang kumot sa mukha niya ay hindi niya makita ito. Narinig na lamang niya ang pintuang bumukas at sumara.

Well, sleep tight, Sassa. You pushed him to the limit this time. At dahil dyan, nag-walk na naman si haring layasin.


PINALIS niya ang kung ano mang malambot na bagay na kumikiliti sa kanyang ilong. She groaned and burried her face into the softness of her pillow. Napabalingkuwas siya nang may sumigaw malapit sa kanyang tainga.

"Nagising ka rin," nakangising wika nang kapatid niya.

Hinampas niya ito nang unan. "Esme, sumusobra kana. Ate mo pa rin ako."

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon