"Do I look like I care?" nang-iinis na sabi nito sa akin. "Go in or else I'll mark you absent. You know the consequence of being an absentee, right?"

Tumango naman ako.

Papasok na ako sa loob nang biglang nagsalita si Renzo. Tiningnan ko sya ng masama at  sinenyasan na wag na syang magsalita. Okay na naman eh, pinapapasok na ako ni Ma'am. Baka kapag sumagot pa sya, lalo lang akong mapahamak at madadamay pa sya!

"Wait Ma'am!" sigaw ni Renzo

"Yes Mister?"  tumaas ang Kilay ni Ma'am.

"I wil explain wha-- "

"No explaination will be entertained. You can go now!"

"But --"

"Do I need to call our guidance councilor just to make you leave?"

"Sige na, umalis ka na!"  naiinis na sabi ko kay Renzo. Pag nagtagal pa siya, mas lalo kaming mapapahiya!

Umalis rin naman siya.

Sa wakas ay natapos na rin ang klase namin kay Ma'am Lachica. Mabuti naman at natapos din ang isa't kalahating oras na session namin sa kanya. Feeling ko ang baga-bagal ng oras kapag sya na ang nagtuturo. Haaay.

 "Bakit ka ba na-late?" pang-uusisa sa akin ng isa kong classmate, si Harriet. "Nag-date kayo ni Renzo?"

"Ang swerte mo naman!"  sabat ng isa ko pang kaklase.

"Anong swerte dun, pinahiya nga ni Ma'am Lachica!"

"Tigilan nyo na nga si Jelynne!"  sigaw ni Kaysha.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Wag ka nang sumimangot dyan. Hayaan mo na si Ma'am Lachica, ganun talaga pag nagmemenopause na." Ngumiti siya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Sobrang na-miss ko ang mga ngiting niyang 'yun!

“Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba natawa sa joke ko?”  natatawa niyang sabi.

"Sorry!"  ang sabi ko sa kanya.

“Wag ka nang magsorry. Wala ka namang kasalanan e. Pasensya ka na kung pinatagal ko pa ang tampuhan natin."  nakita ko namang naluluha na rin siya. "Namiss kita!"

"Mas miss kita!" at hinigpitan ko ulit ang yakap sa kanya.

Okay lang pala na napahiya ako sa buong klase kanina kung ito naman ang magiging kapalit, ang pagbabati namin ng bestfriend ko.

UnexpectedWhere stories live. Discover now