Chapter VIII: Acceptance

3.2K 83 0
                                    

Chapter VIII

Kyesha's POV

"Stupid Kyesha hayst"sabi ko sa sarili ko ginulo gulo ko ang blonde kong buhok at tiningnan si zaniel sa malayo kahit malayo kitang kita ko parin siya duh im a demon for hell sake

"Hindi ko akalain na ganito pala magiging kahirap ang layuan siya"sabi ko ulit sa sarili ko at nagsimulang maglakad. Nginitian ko nang peke ang mga classmates and schoolmates ko, hindi ako makapagcompose ng isang maganda at totoong ngiti. After that day im ignoring and keep being cold to him, at yun din naman ang ginagawa niya sakin. We ignore each other na parang hindi namin kilala ang isa't isa pero pag may oras ako pumupunta ako sa place kung saan siya lagi na tambay at dun ko siya pinagmamasdan. I really don't care kung magmukha akong baliw sa ginagawa ko basta ang alam ko gusto siya makita araw araw.

"Magtiis ka Kyesha kasalanan mo din naman. Kung hindi ka nakipagkilala sakanya at hindi mo siya pinilit na samahan ka palagi edi sana hindi ka nahihirapan ngayon" sabi ko sa sarili ko. Parang akong tanga dito haha. Kasalanan ko din naman kaya wala na din akong magagawa kundi ang tanawin siya sa malayo.

Nandito siya sa may garden na lagi naming pinupuntahan noon. Tulala lang pero nagulat ako ng magsalita siya, usually hindi siya umiimik pag nandito mas madalas siyang nakatulala sa mga puno at matulog

"Kamusta na kaya siya? I think i hurt her too much. Kasalanan ko din naman kaya siya umiiwas sakin, ikaw ba naman ang sigawan sa loob ng cafeteria na maraming tao at puro pa masasakit na salita ang sinabi ko. Im so stupid, nadala lang ako ng inis at galit ko" Nasasaktan ako Zaniel sabi ko sa isip ko. Nasasaktan ako na hindi ko alam kung bakit, bakit ganito ang nararamdaman ko. I should never feel this thing. My heart should never beat so fast like this. Im going crazy

"Well sino nga namang babae ang mamahalin ako pabalik kung sigawan at sabihan ko ng masamang salita. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito, pero gusto ko siyang mahalin" im shock to what i heard. Sa sobrang gulat ko napaatras ako at at sa hindi inaasahang pangyayari ay natumba ako sa isang pit. Hindi ko ininda ang sakit kasi mas inaalala ko na umalis dahil baka makita niya ako.

"Sino yan?" Tanong niya pero di ako sumagot pinipilit kong tumayo pero ang dulas ng pit. Nang makaakyat ako isang kamay ang nakaabang sakin para alalayan akong tumayo

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Zaniel sakin. Nahihiya akong tumingin sakanya

"Wala napadaan lang ako. Ah sige aalis na ako" sabi ko kasi parang gusto kong maiyak. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Bago pa ako makaalis he hug me and i feel safe in his arms. Niyakap niya na puno ng pananabik na parang miss na miss niya akong yakapin. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ko maintindihan pero bakit parang ang saya at sarap sa pakiramdam? Hinarap niya ako sakanya at hinawakan ang pisngi ko sabay tingin sa mga mata ko

"Where have you've been Ash? Hinahanap kita kung saan saan pero hindi kita mahuli. Gustong gusto kong humingi ng tawad sa mga nasabi at nagawa ko sa iyo" sabi niya sakin kita ko ang butil ng luha niya sakanyang mata

"Im sorry Ash, im so sorry nadala lang ako ng galit at inis kasi ilang araw mo na ako noon iniiwasan at nakita kitang nakikipagaway. Hindi ko maiwasan na magalit kasi nagtatampo ako sayo. Ni hindi ko man lang malaman ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan. Pero nung nasigawan kita mas lalo akong nabahala na baka iwasan mo ako lalo. Natakot ako na baka mawala ka sakin Ash"sabi niya sakin pero ako itong hindi makaimik at makaino. Para akong nanaginip bakit ka natatakot Zaniel?

"Im sorry Zaniel kung nakakaramdam ka ng takot. Pero hindi ko maaaring sabihin sayo ang dahilan kung bakit kita nilalayuan" iwas tingin kong sabi sakanya. Kahit mahal kita Zaniel hindi talaga maaari. Tao ka at demonyo ako, hindi tayo maaaring magsama. Masakit man sakin ang pagiwas ko sayo pero mas makakabuti iyon. Gulat na gulat siyang tumingin sakin kasunod nito ang pagkadismaya sa mga mata niya,  i know its too early but i love him more than i adore Ivan. Sorry Zaniel

"Is that what you really want" hindi ako umimik at nilabanan ang titig niya. Ngumiti siya sakin na siyang ikinagulat ko

"Im sorry pero hindi ako makakapayag. Hindi ako na makakapayag na lalayo ka pa sakin Ash. Mahal kita Ash. Mahal na mahal kita" ang puso ko hindi bumabagal ang tibok. Ano ito? Bakit ganito? Bakit masaya ako sa naririnig ko? Sobrang natutuwa ang puso ko sa naririnig ko. Parang gusto kong tumalon at sumigaw dahil sa saya na nararamdaman ko

"I tried to stop this feelings but i can't. Hindi ko magawa, gusto ko lagi kitang nakikita, nahahawakan, nahahagkan" sabi niya sakin. Hinawakan niya kamay ko at hinagkan iyon. Tiningnan ko ang kamay ko, para akong nanaginip at nakalutang sa mga ulap. Ngayon nalang ulit ako nakaranas at nakaramdam ng ganitong kasiyahan at galak sa aking puso

"Ash do you love me too?" Tanong niya sakin. Hindi ko alam ang daoat kong isagot, yung saya ko napapalitan ng takot. Bumabalik sakin ang mga alaala ng nakaraan. Kapag minahal ko siya ng lubos baka mangyari sakanya ang sinapit ng dati kong kasintahan.

"Zaniel hindi maaari. Hindi dapat tayo ganito. Ayokong mahalin ka, ayokong masaktan ka ng dahil sakin"sabi ko sakanya ng may buong takot sa puso ko

"Mas nasasaktan akong wala ka sa tabi ko Ash. Mahal na mahal kita Ash, wala akong pakealam kung masaktan man ako. Ang mahalaga sakin ay mahalin mo ako dahil yun ang ikakasaya ng puso ko" sabi niya sakin at hinagkan ako. Parang may mga paru paro na lumilipad sa aking kalamnan. Napakasarap at napakasaya sa pakiramdam ang maramdaman ang pagmamahal niya sakin. Bumitaw siya sa labi ko at tinitigan ako

"Mahal na mahal kita Ash" saad niya sakin. Gusto kong subukan, gusto kong mahalin ka din Zaniel. Kaya hindi ko hahayaan na maulit ang sinapit ng dati kong kasintahan. Poprotektahan kita ng buong buhay ko

"Mahal na mahal din kita Kenth" saad ko at niyakap siya. Pangako ko sayo hindi kita pababayaan, poprotektahan kita

End of Chapter VIII

Thank you for reading

That Blue eyed Girl is a half demon(book 1)Where stories live. Discover now