"OK Ma'am! Sir! tara na sa 308!" ganadong ganadong sabi ni Peter at umakyat na sila

Pagkarating nila sa 308..

"ok na ba kayo jan Sir?" tanong pa ni Peter kay Harold

"ok na dito.. thanks"

"Sir.. cond---

"hindi.. sige na ok na kami dito" agad na sagot ni Harold at sinarado na ang pinto

nakaramdam na ng init sa pakiramdam si Lydia dahil wala na sila sa labas, nangangati lang sya sa damit na suot nya dahil basang basa talaga sila...

naupo si Lydia sa higaan at tumingin kay Harold, alam nyang galit si Harold.. Nakatayo sya sa tapat ng bintana at tinitignan ang malakas na pagbuhos ng ulan.. kinuha nya ang phone nya at parang may tinawagan

"Hello Ma... nandito kami sa Cabanatuan... oo, basta wag ka mag-alala samin.. OK lang kami.. ge.. basta.. bye" sabi ni Harold sa kausap, alam na ni Lydia na tinawagan nito ang Mama nila

Tinignan ni Lydia ang piligid,

ganto pala ang ichura ng motel?

"may tuyong damit ka ba jan? kaylangan mong magpalit ng damit... maligo ka dahil nababad ka sa baha" malamig na sabi ni Harold... halos nakaramdam ng sakit si Lydia dahil sa tono ng boses nito pero di nalang sya umimik at nagpunta sa CR ng SOGO

Nakita nya na may cabinet dito.. at binuksan nya ito, merong mga robe doon pero walang damit. Alam nyang basa na ang mga gamit nya sa bag.. kaya pumasok nalang sya sa shower area at naligo..

Bago sya lumabas ng CR ay sinilip nya kung ano ang ginagawa ni Harold, nakaupo lang ito sa gilid ng higaan... hindi nya makita kung ano ang ginagawa ni Harold dahil nakatalikod ito, pero alam nyang malalim ang iniisip ni Harold

Nang sumara ang pinto ng CR napalingon sa kanya si Harold at bakas sa mukha ni Harold ang gulat dahil lumabas si Lydia ng nakabath robe lang

"wala ng tuyong damit... ito lang nakita ko dun sa CR, mukha namang malinis tsaka di mabaho" agad na paliwanag ni Lydia bago pa magreact si Harold, tumalikod na ulit sa kanya si Harold at dahan dahan syang naglakad palapit dito

"Harold..." mahinang sabi ni Lydia pero di nya na natuloy ang sasabihin dahil nagsalita na agad si Harold

"matulog ka muna.. siguradong napagod ka sa kalokohan mo" ni hindi ito lumingon kay Lydia

"Kuya hindi ko naman ginustong ganto ang mangyare e---

"eh bakit mo ginawa?! alam mo namang may bagyo diba?! sinabihan ka ni Marie pero ano? hindi ka nakinig diba?!" lumabas na ang galit ni Harold mula sa tono ng pananalita nya

"gusto ko lang naman matulungan ka e!--

"hindi ko kaylangan ng tulong mo! bakit?! sinabi ko bang tulungan mo ko?!"

"kahit hindi mo sabihin gusto kong tulungan ka!! naiinggit lang naman ak--

"ano?! naiinggit nanaman!? Lydia ano ba?! pwede ba alisin mo nga yan sayo!"

halos napaiyak nalang si Lydia dahil masasakit na ang sinasabi sa kanya ni Harold

"ano bang masama sa tulungan ka?!!"

"dahil baka yang pagtulong mo sakin ikapapahamak mo!"

"pero hindi naman ako napahamak ah?!"

"ah! kaya pala nakita kitang nakakapit nalang dun sa poste at malapit ng tangayin ng baha?! Lydia pwede ba!?"

"gusto ko lang naman mabawasan yang mga ginagawa mo e..." humina na ang boses ni Lydia dahil hindi na nya macontrol ng maayos dahil sa kakaiyak

"mas mapapadali ang lahat kung hindi ka nalang nakialam! kung hindi ka nagpunta dito de sana marami na rin akong natapos sa mga gawain ko!"

"istorbo lang ba ko sayo?! eh bakit ka pa nagpunta dito!"

"dahil kapatid kita! kaylangan kitang puntahan! Lydia ano ba mag-isip ka naman!!!"

"Harold iniintindi ko pero di ko lang maintindihan kung bakit galit na galit ka dahil tinulungan kita!!" 

hindi na kumibo pa si Harold dahil ayaw na nyang makipagtalo kay Lydia... napapikit nalang sya para kontrolin ang sarili

"bakit ba parang lahat nalang ng ginagawa ko para sayo pabigat lang?" umiiyak pang tanong ni Lydia

"di ko na sasagutin yan para matapos na" malamig na sagot ni Harold at lumayo na ito sa kanya

Habang natutulog si Lydia kay nakatingin lang sa kanya si Harold.. iniisip nyang maxadong napasobra ang mga sinabi nya kay Lydia... kaya iniisip nyang mas mabuti pa siguro kung bawasan na nya ang pagiging malapit nya dito,

paggising mo.. iba na ang lahat...

tumalikod na sya kay Lydia ng biglang magsalita si Lydia habang natutulog

"Haaroo"  halos pabulong lang ito na parang kinakapos pa sa paghinga.. napalingon sa kanya si Harold at nakita nya na may dahan dahang luha ang lumalabas sa mga mata ni Lydia

naupo si Harold sa harap ni Lydia at agad na pinunasan ang luha sa mga mata ni Lydia at naramdaman nyang mainit ito

hinawakan nya ang noo ni Lydia at nakapa nyang nilalagnat ito

Kinuha ni Harold ang bag ni Lydia para tignan ang laman nito, merong ilang damit, pero basa lahat.. hinalughog nya ito ng nakita nya ang isang papel na nakatupi, basa na rin ito.. pero nabubuksan pa naman, pagtingin nya ay photo copy ng mga questions at ng mga dapat malaman sa Doctor na pupuntahan dapat nya dito sa Cabanatuan, inilapag nalang nya iyon sa sulok at nakita nyang may baong maliit na box si Lydia at naalala nya..

-------------------

To Be Continue.

UnconditionalKde žijí příběhy. Začni objevovat