Chapter 13 ♥ Foreshadow

Magsimula sa umpisa
                                    

"Assassin." ang tanging namutawi sa aking mga labi. Taimtim na tumango si Niel bilang pagsasang-ayon sa sinabi ko. "Meron pa bang ibang detalyeng nahanap ang mga pulis sa kasong 'to?" 

"Pulang rosas. Yan lang daw ang nakita nila sa kwarto ng huling biktima pero iniimbestiga pa kung may kinalaman daw ba ito sa nangyari o isang simpleng bulaklak lang." 

Pulang rosas. Meron ba akong alam na gang na may simbolong pulang rosas? O kahit anong gang na may kaugnayan ang pangalan sa bulaklak? Either way, wala akong maisip. Minsan kasi ang gang names ay may simbolismo. Kadalasan kung ano ang pangalan ng gang, ito rin ang nagiging repleksyon ng lahat ng myembro pati na rin sa armas nila. Isang halimbawa na riyan ang Intricate Gang. Ang gang namin ay sumisimbolo sa musika kaya kahit anong clue na may kaugnayan sa kahit ano mang kategorya o sanga ng musika na kahina hinala, sa gang namin ito masisisi at madidiin. 

"Masyadong malinis. Lahat planado. Hindi pangkaraniwan ang may gawa nito sa kanila." seryoso pa nyang dagdag

"Kaya dapat kailangan nating mag-ingat sa mga nakakabangga natin. Kahit na ba sabihin nating hindi tayo basta basta patatalo we'll never know." tumango sya ulit sa sinabi ko. 

"Pero ang tanong," muling lumapit sa akin si Niel at masinsinan akong tiningnan "Sino sya? At anong kinalaman ng pulang rosas sa kanya?" 

(PATALASTAS! Basahin ang 'The Seventh Rose'! para malaman kung sino nga ba si mysterious suspect lol.)

Nakarating kami ni Niel sa school na hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako. Mahirap na talagang magtiwala sa tao sa ganitong panahon. Lahat may sikreto, lahat may tinatago. Ang mahirap pa, isa na pala sa pinaka importanteng tao na pinagkakatiwalaan mo ay inaahas ka na ng patago. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako tungkol kay Blow at kung ano nga ba ang nangyari kay Gun para umasta sya ng ganun. Sa mahigpit na seguridad ng bahay namin, paano na sya nakausli't nakapasok? Hindi naman kaya may tumulong sa kanya para ipaligpit ako? At isa sa mga kasama ko sa bahay?

Wag naman sana. 

"Seriously? Serene? Mangbabangga ka talaga noh?" 

Bumalik ang diwa ko sa pagkakarinig ng isang mataray na boses. Idagdag mo pa ang malakas na pabango na pamilyar na pamilyar na sa akin noon pa lang. 

"Clarisse?" gulat kong sabi. Tumingin ako sa hallway at nakita na maraming tao. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko tuloy namalayan na nabangga ko na pala sya ng hindi sinasadya. 

"The one and only." itinupi nya ang mga braso nya sabay taas ng kilay sa akin "Ikaw ba eh sadyang nagpapapansin lang o talagang may kalog yang ulo mo? Gosh. Kapag talaga itong sapatos ko narumihan ng dahil dyan sa marumi mong converse shoes, i will never forgive you." 

Maldita, maarte at masungit pa rin talaga sya hanggang ngayon. Tsktsk. Pero teka nga, tama ba ang narinig ko kanina? 

"Anong tinawag mo sa akin kanina Clarisse? Serene? Aba himala ah! Wala ata akong narinig na freak o loser ngayon." sa tagal na nakilala ko sya, never pa nya akong tinawag sa pangalan ko. Nakita ko syang namula ng kaunti na agad din nyang naitago. 

"Pwede ba." she rolled her eyes bago ako pamewang na sinagot "Nanaginip ka lang. Ako? Tatawagin ang isang loser na katulad mo sa pangalan lang? No way!"

Tinawanan ko lang sya dahil sa kinikilos nya. Pa-deny pa effect pa eh maliwanag ko namang narinig ang sinabi nya. Noong huli kaming magkita alam ko sa puso ko na naayos na namin ang lamat sa pagitan namin. Alam ko kung gaano ka sinsero ang paghingi nya sa akin ng tawad dahil sa mga ginawa nya noon. Sinabi rin sa akin nila Shane na si Clarisse rin daw ang sumalba sa kanila sa last year's band performance. Malaking pasasalamat ko sa kanya iyon dahil niligtas nya ang banda sa isang malaking kahihiyan. Para sa akin, kung ano man ang nagawa ni Clarisse noon, napatawad ko na sya. 

Tuloy tuloy pa si Clarisse sa pagrarason kahit hindi naman kailangan. Isang tanong lang ang itinanong ko pero napakarami nyang sagot. Looks like someone is so defensive in here. 

"Porket ikaw lang ang may ari nitong school sa tingin mo tatawagin na kita sa pangalan mo? I will never do that!" 

"Yeah right." ang tangi kong nasagot sa napakahaba nyang eksplinasyon.

Muling namula ang mukha nya at hindi ko mapigilang mapangiti ng pagkalaki laki sa pagkakakita nito.

"Hmpf! Dyan ka na nga. Loser!" umirap sya sa akin bago nagmadaling lumakad palayo. Pero bago makalayo ay muli syang humarap sa akin. "Just so you know. I still hate you." sabi pa nya. Napangiti ako.

"Mutual feelings then. I hate you too." 

Inirapan nya ako ulit sabay flip ng hair nya. Typical Clarisse. Tinawanan ko lang sya dahil sa inaasal nya. Nakita ko na ang tunay na Clarisse noon at hindi na nya maitatago sa akin ito ngayon. Kahit anong sungit pa at kamalditahan ang ipakita nya sa akin, I will always see the good side she's always hiding. 

 ♥♥♥

Author's Note:

Sa mga naghihintay ng muling paglitaw ni Pietr (my loves) konting hintay lang po darating din tayo jan :) Hindi nyo man alam pero bago ko pa man simulan ang kwentong 'to ay na-plano ko na po mula umpisa hanggang dulo kaya wag kayong mag-alala. Have faith on me :)

Pasensya na rin po sa superrr late update dahil busy po ako ngayon sa maraming bagay. Paunti-unti ko ng nirerevise at ineedit ang First Book nito at medjo nag-iipon na rin ako ng mga Chapters ng LTMH sa drafts ko and so far, nakasulat na ako ng medjo marami :) Malapit na kasi ang pasukan namin at feeling ko baka maghi-HIATUS ako nyan or magiging inactive for the next couple of months dahil kailangan kong magfocus sa studies ko. 

Kaya ako nag-iipon ng mga chapters ay para sa inyo ^___^ para kahit inactive ako tuloy tuloy pa rin ang UD every week :)) Hope you'll understand at pasensya na kung boring itong UD na 'to. May tinatapos lang kasi akong mangyari dito sa story ko kaya limited ang action at cliffhangers. Pramis, wag kayong mag-alala. Malapit na tayo sa important part ng story. Hindi naman kasi agad lilitaw yan, kailangan natin ng development sa mga scenes :) 

Vote and comment if you'd like! :) Ole! 

~G.Jade

 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon