Chapter 13 ♥ Foreshadow

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga," reklamo ni Kelly "Nakapikit ka na pero naiiwasan mo pa rin agad! Hanep ka talaga master!"

Ah, so that explains the 'whooshing' sound a while ago. Ang dami pa nilang sinabi at nireklamo bago ko sila napalayas sa loob ng kwarto ko. Kailangan na rin kasing magpalit para sa school. Weird man tingnan at pakinggan pero ito ang paraan nila para gisingin ako. At nagtagumpay nga sila. Napaka-aga pa pero sigurado akong hindi na ako dadalawin ng antok nyan.

"Good morning nga pala ate master!" sabi pa nila habang itinutulak ko sila palabas ng pinto kanina. I just rolled my eyes. Inatake na nila ako't lahat, tapos ngayon lang nilala naalalang batiin ako ng isang napakagandang umaga. 

***

Maaga pa lang ay nandito na si Niel sa bahay para sunduin ako sa school. Halos katatapos ko lang magbihis at tinatamad tamad pang naglakad papunta sa veranda ng bahay kung saan sya nakaupo. Ipinatong ko ang ulo ko sa may mesa dahil hanggang ngayon ay inaantok pa ako. Grabe naman kasi sila Nyree at Kelly kung manggising, kulang na lang ay bombahin ang kwarto ko. Well, hindi ko rin sila masisi. Tulog mantika kasi ako eh. 

"Good morning." bati nya sa akin. Narinig ko ang paglipat nya ng pahina sa dyaryo na binabasa. Kumaway ako ng hindi inaangat ang ulo ko sabay bati rin sa kanya pabalik ng isang napakagandang umaga-- kahit taliwas ito para sa akin.

Gusto ko pang matulog! 

"Sampung tao patay. Misteryosong suspek hindi pa rin kilala." hindi man ako nakatingin sa kanya, alam ko nakatingin sya sa akin. "Nabasa mo na ba 'tong local news ngayon?" 

Umiling ako bilang sagot.

"Rio Del Mundo. Isa sya sa mga taong napatay." 

Matapos marinig ito iniangat ko agad ang ulo ko. Rio Del Mundo? Parang pamilyar ang pangalan nya sa akin ah.

"One of the most famous mafia boss sa lugar nila. Na meet natin sya noong nagkaroon ng conference ang Avana Clan last summer." 

Napaawang ang bunganga ko dahil sa reyalisasyon. Tama nga si Niel, na meet na namin sya noon sa isang conference kaya pamilyar ang pangalan nya sa akin. Taliwas man sa kaalaman ng iba, ang Avana Clan --kung saan kabilang ang pamilya ko-- ay isang sikat na secret organization para sa proteksyon ng lupa na sinasakupan namin. Ang Avana Clan... ay isang mafia. Isang mafia na kinabibilangan ng gang ng Ellipses, Intricate at pati na rin ng gang nila Lady Magdaleine. Kasama rin ang pamilya nila Niel dito. 

"Talaga? Wala na sya? Patingin nga." inabot sa akin ni Niel ang dyaryo at binasa ko ito agad.

Kung ang Avana Clan ay isang makapangyarihang organisasyon dito sa lugar namin, ang grupo naman na pinamumunuan ni Rio Del Mundo ang kilala at kinakatakutan sa lugar nila. Isang beses ko pa lang syang nakita pero hindi ko akalain na ang isang makapangyarihan na tulad nya ay mapapatay na lang ng ganun. 

"Isang bala lang daw ng baril ang tumama sa kanya pero tagos sa puso." 

Kunot noo ko syang tiningnan "Wow. As in isang bala lang tapos patay agad? Tingin ko kung sino man ang may gawa sa kanya nito ay malaki ang pinagkakautangan nya rito." 

Tumango si Niel "Yun din ang sa tingin ko. Pero hindi lang yun, patay din ang syam sa mga tao na pinaka pinagkakatiwalaan nya." lumapit sya sa akin at itinuro ang larawan sa dyaryo-- larawan ng mga namatay na biktima na may taklob na puting kumot. "At lahat sila... ay namatay dahil sa lason."

Kung namatay sila dahil sa lason at ang isa naman ay namatay sa isang tantyadong putok ng baril-- sa tingin ko hindi basta basta ang kasong 'to. Sinadya ito at pinagplanuhan. Makikita kasi rito kung gaano kalinis ang ginawa ng suspek sa pagpatay sa mga taong 'to. Hindi basta basta ang nakalaban nila, hindi isang pipityugin, kundi isang batikan sa sining ng pagkitil ng buhay ng tao. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon