She only made a peace sign with her fingers. "Eh, kasi po, gising ka na raw po. Tanghali na kaya."

Muli siyang tumumba sa kama. "Wala akong pakialam," bulong niya.

"Well, 'yong mga kawawang magbubukid ay mayro'n. Ang bilin ni itay ay ikaw raw ang magluto para sa tanghalian. Na-miss niya raw kasi ang asim ng sinigang mo."

Napangiwi siya. "Ano'ng oras na ba? Si Julian?"

Umupo ito sa gilid ng kama niya. "Alas onse na ho... Ayun, isinama ni papa sa bukid kaninang madaling araw."

Agad siyang napabangon. "Ano? Bakit raw?"

Nagkibit-balikat ito. Ay, naloko na! Halos lundagin niya ang pagbaba sa kama at hinila ito. "Tumulong ka nang magluto para mas madali."

"Ayusin mo na muna kaya 'yong higaan mo?"

"Mamaya na iyan! Mas importante ang pagkain nila!"

Halos mapanganga siya nang makita ang hubad-barong katawan ni Julian na nakabilad sa araw sa gitna ng bukiring sinasaka ng ama niya. Nakalihis ang pantalon nito hanggang tuhod.

Oh. My. Gas. Spell H-O-T...

"Anak, baka gusto mong isara iyang bibig mo? Baka akalain ng langaw ay pinapapasok mo sila."

Nilinga niya ang ama na nakangiting nakamasid sa kanya. Anak ng teteng! "Hindi maarte at mapili ang asawa mo. Gusto ko siya," saad uli nito.

Isa pang anak ng teteng! Ano na lang ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman na nila ang totoo?

"Hala, sige tawagin mo na ang asawa mo at ang iba pa para makakain na. Pasado alas dose na. Gutom na ang mga iyan."

"Ah, oho.." Para siyang de-bateryang robot na naglakad palapit sa mga ito. "Ahm, mang Dodong... Mang Berteng, kain na ho," tawag niya sa mga ito.

"Uy, ikaw pala, Sassa. Ang sipag nitong asawa mo. Walang arte sa katawan," tinapik-tapik pa nito ang balikat ni Julian.

"Eh, salamat ho mang Dodong... Samahan na ho ninyo si itay sa may kubo at nang makakain na rin ho kayo," nakangiti niyang usal dito.

Julian was somehow just silently staring at her. Nailang siya sa paraan ng pagtitig nito. Nang makaalis ang mga kasama nito ay saka siya ito nilapitan. "Kumain ka na rin. Nagluto ako nang sinigang. Masarap 'yon."

Nang hindi ito tuminag ay hinila niya na ito sa kamay. Nagpahila naman ito. What's with him this time?

Ipinaghanda niya ito ng makakain sa plato bago niya inabot iyon. Wala namang tigil ang mga kasama nila sa panunukso.

"Kuh, ganyan na ganyan din ang pag-aasikaso sa akin ni Maring noong araw. Iba na talaga ang may asawa," ani mang Dodong.

"Akala mo ikaw lang? Kami din ni misis... Kasing tamis ng honey ang lagkit ng dikit niya sa akin noong araw," natatawa namang saad ni mang Berting. Nakitawa lang ang kanyang ama.

Naramdaman niyang uminit ang kanyang mga pisngi. Tahimik namang nagsimula nang kumain si Julian animo ay nasa malalim na pag-iisip.

"Ikaw, pare, ano ba ang gusto mong maging unang apo?" tanong ni mang Berting sa kanyang ama.

"Lalaki sana, pare."

Nabulunan si Julian at napainom naman siya nang tubig. Ano ba 'to! Ang awkward naman!

"O, Julian at Sassa, narinig ninyo 'yon, ha? Kaya paspasan ninyo nang makabuo agad kayo. Kuh, wala pa bang laman iyan?"

Sunod-sunod siyang umiling habang tabinging nakangiti. "Naku, wala pa ho mang Dodong. Masyado pa hong maaga."

Siniko niya si Julian upang sana tulungan siya nito ngunit hindi pa rin ito kumibo. Damn!

"Bakit naman? Nasa edad naman na kayo para magka-anak."

Paano ba ito? "Ah, eh, si Julian na lang ho ang tanungin ninyo sa mga ganyang bagay..."

Bumaling naman ang tatlong matanda sa katabi niya. "Ano'ng masasabi mo, iho? Handa ka na bang maging ama?"

Julian cleared his throat then pulled her next to him by the waist. Libo-libong boltahe nang kuryente ang naglakbay sa kanyang buong katawan sa pagkakadikit nilang iyon. He even mindlessly started to draw circles on her waist. "Gagawin ko ho ang lahat ng aking makakaya..."

Bumagsak ang panga niya. Nag-apiran naman ang mga matatanda kabilang na ang kanyang ama. She gulped when Julian pulled her even closer. "Right, sweetheart?"




Charan! *confetti explodes*


Love lots,
Realice

Her Boss' Number One Rule (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon