45

15.5K 449 19
                                    

Candice

"Pregnant with vampire Child."

"Pregnant with vampire Child."

"Pregnant with vampire Child."

That sentence been echoing inside my head. Me. I mean, I might be pregnant. And my child will be like Ciro, a vampire..

I unconsciously put my hands on top of my flat tummy. I might be pregnant!? Buntis ako? Pregnant ay buntis diba? Pag buntis, magkakaanak na kami?! Unti unting nag sisink-in sa akin ang nangyayari. My mood swings, my unstable emotions, heavy meals..

Malaki ang mga matang tumingin ako kay Ciro. Tulad ko, parang hindi din sya makapaniwala sa narinig.

Ilang sandali kaming nagtitigan doon, hanggang sa sabay din kaming ngumiti. Kung kanina umiyak ako sa hindi maipaliwanag na takot, ngayon naman ay para akong tanga na umiiyak sa hindi maipaliwanag na kaligayahan. Damn! I'm pregnant?!

"Bu-buntis ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Ciro. Tulad ko, malaki din ang ngiti nya sa labi.

"Kaya siguro moody ka." He said smiling, na parang narealize ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang linggo. Hindi namin maitago ang kaligayahan na nararamdaman.

Buntis ako! Gusto ko tumalon, simigaw at sabihin sa mundo na buntis  ako! Parang ang tagal naming inasam to. Matagal ko nang pangarap to. And now, nagkakatotoo na.

Umiiyak na tumatawa akong Nakaupo, hindi na namin napansin si tita kung naka-connect pa ba sya sa skype or hindi. Masyado na kaming na-engrossed sa idea na buntis nga ako. Its too overwhelming, napakasaya!

"Can I hug you?" Narinig kong tanong ni Ciro. Huh? Hug?

Oo nga pala, hindi sya makalapit ng maayos sa akin.. But I want to hug him too! Mahinang tumango ako sa kanya. Dahan dahang lumapit sya sa akin at magaang niyakap ako. I close my eyes and savour his gentle embrace.

Agad naman syang lumayo nang manginig muli ang katawan ko. Sa halip na magalit, Ngumiti kami pareho, alam na namin na may kinalaman ang pagbubuntis ko sa mga nararamdaman ko.

"He's going to be like me." Amused nyang sabi. Yes, my baby, our baby will be vampire like his father. Yun siguro dahilan bakit nirereject ng katawan ko si Ciro.

Sa totoo lang, hindi mahalaga kung tao o bampira ang anak namin. Masaya na kami basta mabigyan kami ng anak. Pero kung totoo ang sinabi ni tita, bampira ang magiging anak namin!

"Halika! Mag-papa check-up tayo kay Dra. Caballero," he excitedly said. "She's my Mom's O.B. So kaya nya i-handle ang anak natin" nakikita ko ang kasiyahan nang banggitin nya ang salitang 'anak natin'. Mabilis akong tumango. Gusto namin malaman kung sigurado na buntis ako.

Nang lumabas kami ng opisina, naamoy ko ang roast chicken na sinalang ko kanina, biglang tumunog ang tyan ko sa gutom. Shet, hindi pa nga pala ako kumakain. Pareho kaming natigilan, i bit my lips sa pagkapahiya. My tummy doesn't know timing.

"A great way to spoiled the moment.. Sorry." Mahinang sabi ko na ikinatawa nya. Tawang punong puno ng saya at amusement.

"Natural lang yan.. Dalawa na kayong kumakain." Masiglang sabi nya. Sandaling hinaplos nya ang tyan ko at mabilis din lumayo. May kaunting sakit akong naramdaman. Magiging ganito ba kami buong duration ng pagubuntis ko? Hindi ako makakalapit kay Ciro?

Hindi ako sigurado kung dala pa rin ito ng pagbubuntis pero gusto ko umiyak.









Pagkatapos ng agahan, saka pa kami naghanda papunta sa Hospital kung Saan nakaduty si Dra. Caballero. Tahimik lang kami sa byahe, pero hindi nabubura ang ngiti namin sa labi, pinaupo nya ako sa likod ng kotse para may space sa aming dalawa pero madalas syang lumilingon sa gawi ko pag may pagkakataon.

Agad kaming bumaba at pumasok sa gusali.

Naghintay pa kami ng ilang sandali bago kami naasikaso ng Doctor. Madami din kasing pasyente at nag-rorounds pa si Dra.

"Good afternoon Dra." Bati ko sa kanya.

"Good afternoon Mrs. Hernandez, please have a seat." Sabi ng nasa mid 40's na doctor. Umupo ako sa upuan sa harap ng table nya habang si Ciro ay nakatayo sa may pinto. "So, I assume na you are pregnant?" Tumingin ang doctor kay Ciro at sa akin.. Hindi malayo na kilala nya si Ciro dahil kilala sya ng pamilya.

Tumango ako sa kanya. "W-we want to be sure po." Sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at iginaya ako sa loob ng clinic at sumunod din si Ciro.

"Higa ka dito hija." Turo nya sa akin. Humiga ako at pinataas ang dress na suot ko. Nilagyan ako ng isang uri ng jelly at itinapat sa puson ko ang aparato sa ultrasound.

Dug.dug.dug.dug.dug.

Napasinghap ako nang marinig ang mabilis na pintig ng puso.

"Very strong heart beat." Sabi ng doctor. Nakangiting tumingin ako kay Ciro na nasa may pinto pa din.

"Well i think, that confirms it!" Sabi ng doctor.

Inutusan ako ng doctor na mag-ayos muna. Lumabas sya at Ciro sa silid.

Yeah confirm na buntis ako. Masaya ako sa balita. Sino bang hindi magiging masaya?. Pero bakit ganito? Parang kulang? May kulang..

I want to celebrate it.

I want to celebrate it with Ciro...

Nang naayos ko na ang sarili ko, nanatili akong nakaupo at hinawakan ang aking impis na puson..

"Baby, i want to hold your papa.. Palapitin mo na sya..." Pagkausap ko sa anak ko. Dahil ata sa bampira ang anak ko, nagrerect sya kung may bampirang lumalapit sa akin.

Ilang sandali pa, napag-pasyahan ko na din lumabas. Naabutan ko si Ciro na nakikipag-usap sa Doctor.

"Yes, pareho lang Vlad. Kailangan pa din ng vitamins at healthy foods para malusog ang mommy." Bilin ng doctor. Nakakataba ng puso ang nakikita kong pag-aalala ni Ciro para sa akin at sa anak namin. Sya pa talaga unang nagtanog ng gagawin at eager sya malaman kung ano ang bawal at dapat kong kainin, dahil nga suspected na bampira si baby.

Nang matapos ang check-up, agad kaming umuwi sa bahay. Blame the hormones, dahil bigla na lang tumulo ang luha ko nang pumasok ako at malayong nakasunod si Ciro.

"Hey, what's wrong." Nag-aalalang tanong nya. Hinintay kong lumapit sya at yakapin ako pero hindi nya ginawa. Sinigurado nya na may isang dipa ang layo niya sa akin.

Umiling ako at mabilis na tinawid ang distansya namin. Nanginginig na yumakap ako sa kanya. Pinilit ko yumakap at nilabanan ang takot. Ang daya! Bakit hindi ako makalapit nang hindi natatakot?

Ciro blew a deep breath at yumakap na din sa akin. Alam kong naiintindihan nya ang gusto ko sabihin. Kaya mahina syang tumawa.

"Don't force youself my sweet." Lumayo sya ng konte para tingnan ako. He is smiling at hinaplos ang pisngi ko, "masaya ako! Hindi mababago yun! I'm gonna be a father!"

"Kaya kahit nasa malayo ako." Sabi nya bago bumaba hanggang tumapat ang mukha nya sa tyan ko.

"Kahit hindi ako makalapit, aalagaan kita,

at ang anak natin."

-----

Speakless si author.

Feel free to comment

Vampire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon