35

15.5K 440 8
                                    

Candice

Nakaupo ako sa gitna ng kwarto. Kung saan nila ako dinala. It's outside manila, hindi ko lang alam ang exact location. Wala akong tali, pero walang kwenta kung tatangkain ko tumakas. Sa bilis at lakas nila, wala ako laban.

"Wala naman kayo kailangan, bakit hindi nyo pa ako paalisin?!" Madiin kong sabi. I manage to stay calm. Tao lang ako, wala sila makukuha sakin yun ang sabi nila, bakit kailangan pa nila ako ikulong dito?

"We want to know you." Nagkibit balikat nyang wika.

"Para saan ba tong ginagawa nyo? Ano makukuha nyo dito" tanong ko sa kanila.

"I said we want to know you!!" Napitlag ako sa pagsigaw nya. "We like to know what kind of human made our Prince degrade himself and drink blood from a glass!!"

"He became weak and a disgrace to our clan!"

So it's about ciro. Natahimik na lang ako. Una ang master nila, ngayon pati member ng clan nagagalit sa akin.

"Honestly, wala talaga ako makitang special sayo." Sabi ng nasa gitna. Sa kanilang tatlo, sya ang tingin kong leader. "And yet, nagawa mong paikutin si Vlad sa palad mo... Gusto ko lang malaman kung bakit.. Nagawa pa nyang iligtas ka sa in broad daylight." Nanlaki ang aking mata.. Ibig sabihin, sila ang may kagagawan ng aksidente ko noon?

"May kinalaman kayo sa aksidenteng yon?" They just shrugged. Naikuyom ko ang aking mga kamay..

"Maybe her blood is delicious." Sabi naman ng isa sa kaliwa ko. Natataranta na ako sa pagkakaupo. Hindi ko gusto ang takbo ng usapan na ito.

"Hindi ko alam, her scents are ordinary." Sabi naman ng nasa kanan ko. Gusto ko na umiyak sa nararamdaman, pero alam ko na walang magagawa yun sa sitwasyon ko ngayon. I need to get out of here. Pero pano?

"Or sex must be good." Nakangising sabi ng isa. Nababalisa akong tumingin sa paligid. Naghahanap nag pwde ko magamit na kahit ano. Kailangan ko makatakas kung hindi ko man magawa, i rather die trying.

"There is only one way to find out." Wika ng leader. No! Ayoko ng naiisip nila! Agad akong tumayo at kinuha ang isang tubo sa isang tabi. Alam ko, wala ako laban pero susubukan ko pa din!

"Wag kayo lalapit!" Mahigpit kong hinawakan ang tubo na nakuha ko. Kailangan ko maging matapang.

"Oooohh. Matapang!" Nakakalokong ngiti ng nasa kaliwa.

"Kaya siguro nagustuhan ng glass drinker." Pakutyang sabi pa nya.

"Sige, dahil unfair naman, hindi ka namin gagamitan ng lakas." Sabi ng nasa kanan. Oo alam ko, kahit walang bilis at lakas ng bampira, hindi ko parin kaya, pero ano ba pagpipilian ko?!

Dahan dahang lumapit ang nasa kaliwa, kahit nanginging na ang kamay ko sa takot, nagawa ko syang hampasin sa ulo, at mabilis na tumakbo palabas ng kwartong yun.

Narinig ko ang mga tawa nila na parang masaya silang paglaruan ako.

"Tullooonng!" I desperately shout for help. Oh God, help please. Tumulo ang luha ko sa desperasyon. I run as fast. As i can papasok sa gubat. Puro puno ang nakasalubong ko. Hindi ko alintana ang mga sanga na nasasabitan ko.

Patuloy ako na pagtakbo ngunit hindi ko napansin ang isang ugat sa daan. Napatid ako nito at nadapa.

"Aww.." Naramdaman ko ang sakit sa paa. Kagat labing nasapo ko ang aking paa at malamang namamaga ito. Pinilit ko tumayo at paika-ikang naglakad.

Vampire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon