14

22.6K 605 43
                                    

Ice

"Masama bang pumunta ako sa opisina ng Fiancé ko?"

"Masama bang pumunta ako sa opisina ng Fiancé ko?"

"Masama bang pumunta ako sa opisina ng Fiancé ko?"

"Fiancé ko"

"Fiancé ko..."

Parang sirang plaka na nagpaulit ulit na bumalik sakin ang salitang sinabi ni Akantha.

"Fiancé?" Wala sa loob kong tanong dito

"Yes, fiance, mapapangasawa" sagot naman nito. May kung anong pumiga sa dibdib ko sa nalaman. May fiance na sya? Kaya ba wala sya nitong nakaraang linggo? "So... Ikaw ba ang Secretary nya?" Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa na nakakunot ang noo. Bigla ako na-conscious dahil sa itsura ko.

"Y-yes m-maam" sagot ko dito.

"Hmm.. Ano nakita nya syo?" Taas kilay nyang sabi sa akin. Mahigpit akong napahawak sa folder na hawak ko. Nakakaintimidate ang ganda nya.

"Anong kailangan mo Akantha" sabi ni Sir Cloud.

"Hmmm.. Bumibisita?" Saka lang inalis ng fiancée ni sir ang mga mata sakin at humarap kay sir cloud.

"Wala si kuya dito, hindi pa ba kayo nag-uusap?" Tanong ni Sir Cloud

"Nag-usap na kame, kahapon," sabi ng babae. So nagkikita sila ni Sir Vladimier. Hindi ako makapag-salita. Okay, ano ba sasabihin ko? Hindi ata ako makakapantay sa kanya. Nakagat ko ang labi ko para mapigilan ang luhang namumuo sa mga mata ko. There goes my first love story.... 😢💔

Patuloy na nagusap si Sir Cloud at Ms. Akantha sa loob ng opisina, wala na ako maintindihan, naiwan akong tulala sa desk ko. Gusto ko umiyak pero may karapatan ba ako.?

Bumalik lang ako sa huwisyo nang nag-paalam na Si Ms. Akantha.

"Tomorrow night, may party na gaganapin sa H. Hotel, maybe we can announce our up coming wedding there. I want both of you to come." Pag-iinvite ni Ms. Akantha sa amin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, ngayon ko pa lang inaamin sa sarili ko na 'oo may nararamdaman din ako kay Sir Vladimier' pero ikakasal na pala sya at invited pa ako?

"Yun lang! Bye!" Tumingin pa ito sakin bago tuluyang umalis at naiwan akong nakatingin sa pintong nilabasan nya.

"Candice," - sir Cloud

"Huh?" Hindi ko namalayan na tinatawag ako ni sir. "Po?"

"Haaayyy" he sigh. "You don't have to worry you know." Pang-aalo ni Sir. "Okay, i will tell you this, Akantha is kuya's fiancee. They were arranged to be married because of the clan... You see, Akantha is a vampire too, They want to assure na bampira ang magiging anak ni kuya dahil sya ang susunod na pinuno nito." He explained.

"Magpapakasal nga sila?" Tanong ko dito

"That was the plan before... but kuya loves you," tumingin ito sakin ng nakangiti "inaayos nya ang problemang ito para sayo Candice, sinusuway nya ang utos ng clan sakanya,." Sabi pa nito, "just have faith in him and be patient. May patutunguhan sa pagmamahalan nyo." He said teasingly.

Uminit ang mukha ko sa sinabi nya, nahalata ba ako? Am I too transparent pagdating sa nararamdaman ko para kay sir Vladimier?

Vampire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon