43

15.1K 344 6
                                    

Candice

Preparing for a wedding is surprisingly difficult!

"Waaa ang dami pang gagawin!" I frustrating exclaimed at Megan. Akala ko pag ikakasal ka, pupunta ka lang sa simbahan then ayun na! Pero ngayon, nalaman ko na madami ka pala dapat asikasuin. Tulad ng pagkuha  pa lang ng application for marriage certificate ang dami na gagawin. Application pa lang!

We need to pass:
-NSO Birth  Cert.,
-certificate of recidency,
-baptismal certificate, pati
-barangay certificate magpapasa din!
Buti hindi na namin kailangan ng parental Advice at Parental consent dahil 29 na ako ngayon at 32 na si Ciro.

We also need Certificate of No Marriage (CENOMAR) at
pre-marriage Counseling from MHD. Na kailangan naming attendan para makuha ito.

"I need to talk to Ciro para sa counseling." Sabi ko kay Megan. Galing kami sa Munisipyo para ipasa sana ang Ipasa sa Civil Registrar ang ilang requirement pero hindi pa tinatanggap dahil kailangan personal kami umatend sa pre-marriage counseling. Kailangan ko muna mapasa ito. Para maset ang date ng kasal.

"Okay, uwi muna tayo! Nakakapagod ha." Reklamo nya. Hindi ko sya masisisi, nakakapagod talaga magpabalik balik sa Barangay tapos NSO tapos sa Civil Registrar.

Inihatid ko muna si Megan sa condo bago umuwi sa bahay. Yeah, nagdi-drive na ulit ako, sinabi ko kasi na kasama ko si Megan kaya wala ako driver, okay na din naman ang Clan kaya mejo kampante na kame.

Pag dating ko sa bahay, agad akong pumunta sa home office nya kung saan sya lage tumitigil at nagttrabaho.

"Hey," sandaling bati nya sakin pagpasok ko, saglit lang nya ako tiningnan at nagpatuloy sa ginagawa. Abala sya sa pagbabasa ng pinag-aaralang project sa Makati. Ako ang nag-encode ng proposal na iyon kaya nabasa ko ang laman nun.

Pabagsak akong umupo sa couch and marahas na bumuntong hininga. I caught his attention, he looks at me with questions in his eyes.

"We need to personally attend the pre-marriage counseling." Pagod kong sabi  sa kanya.

"What? Bakit pa?" Tanong nya, "I told you, ipa-ayos na lang yan sa iba." Balewalang sabi nya. Oo sinabi nga nya sa ipaayos na lang sa iba. Pero kasal namin to diba? Gusto ko ako ang mag-ayos, akala ko magiging okay lang ang lahat pero itong mapapangasawa ko, wala interest! Gusto lang mag-utos sa iba.

"Tsk, hindi nga pwede! Kailangan daw personal tayo ang pumunta don!" I snaped at him. Na fufrustrate na ako! "Nakakainis naman! Ako lang ba ang ikakasal? Diba tayong dalawa naman? Alam kong busy ka! Pero dapat bigyan mo din ng time yung kasal natin! Parang walang halaga naman sa'yo to! Kaya nga hinintay kita bago simulan to diba?" Pagalit kong sabi sa kanya.

"Dapat tulong tayo! Inaasikaso ko pa ang damit na gagamitin natin! Ang venue! Ang Catering! Ang invitation! Tapos.. ikaw.." Napatigil ako sa pagsasalita nang marealize na I'm demanding him to help me, nakalimutan ko na magkaiba kami, busy sya at humahawak ng mataas na posisyon sa kumpanya. I bit my lips because of embarrassment. Candice naman! Ang tabil ng dila mo!

Huminga ako ng malalim at humingi ng tawad. "I'm sorry hindi ko sinasadyang magtaas ng boses." Nahihiyang tumingin ako sa kanya at nakita syang nakangiti kaya tumingin ako sa sahig.

"You don't need to say sorry." Lumapit sya sa akin at iniangat ang mukha para maiharap sa kanya. "Dahil sa pagsesermon mo, I feel like we are really husband and wife" ngumiti sya at bninigyan ako ng isang halik sa labi.

Kumalma ako dahil sa sinabi nya.. Real husband and wife.. Yeah malapit na.

"Isingit mo sa schedule ko ang Pre-marriage Counseling, aatend tayo. And i will call Judge Pineda para sya na magkasal sa atin." Kumurkurap na tumingin ako sa kanya. Tama ang dinig ko diba? May paki-alam pa rin sya sa kasal namin kahit pano! Malawak ang ngiti ko sa labi at tumango sa kanya! Ang saya saya ko!!


Naging sobrang busy naming dalawa para sa pag-aayos ng kasal, pero okay lang! Tumutulong si Ciro pag pwede sya. Kasama sya pagpili ng venue, at sa food tasting, may kinuha syang wedding organizers para daw hindi ako mahirapan sa invitations at souvenirs at sya din ang umaalalay sa akin sa ibang details para sa kasal.

Habang papalapit ang date na napili namin nakakaramdam ako ng anxiety. Hindi ko alam. Parang bigla akong natakot. Sabi nila, normal lang daw itong maramdaman ng mga ikakasal kaya hindi ko na lang pinansin.

"Hey are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Ciro sa akin nang dumating ako. Bigla akong natakot nang lumapit sa sa akin at hinaplos ang aking pisngi! Sa pagkabigla, agad akong lumayo at pinigilan syang lumapit. Natatakot akong tumigin sa kanya.

"Anong nangyari Candice?!" Nakita ko ang pagka-alarma nya sa ginawa ko. Kahit ako nagulat don. Iniharang ko ang aking kamay signaling him not to come closer.

Umiling ako. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. "Wala to" sabi ko na lang sa kanya. He is looking at me with disbelief. Bumuntong hininga ako at sinubukan mag relax. "Pagod lang siguro ako, tsaka normal lang daw na makaramdam ako ng Wedding Jitters." Pag rarason ko. "Yeah. Tama! Wedding jitter sabi ni Megan." Mukha namang naniwala sya sa sinabi ko kaya lumambot ang expression nya.

"Okay, sige, magpahinga ka na lang ngayon, wag ka na pumasok dahil sa site ako pupunta." Tumango ako. Siguro kailangan ko nga magpahinga, masyado akong naging abala sa kasal eh. Tumingin sya sa kanyang relo upang icheck ang oras. "Aalis na ako." Paalam nya. Mabilis syang lumapit sa akin and give me a peck on my lips. Nandon pa rin ang takot na naramdaman ko kanina pero pinilit ko ngumiti and bid our goodbyes.

Nang makaalis sya, naging palaisipan sa akin ang takot na naramdaman ko. Eto na nga ba ang anxiety at wedding jitters na sinasabi nila? Ipiniling ko ang aking ulo hindi ko dapat isipin ang mga bagay na ganito. Ang makasal kay Ciro ang inaasam ko.

Wala akong dapat ikatakot.

------

Short short short.

Feel free to comment

Vampire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon