44

14.8K 463 41
                                    

Candice

Halos isang buwan na lang kasal na namin.

Somehow, hindi na ganun ka dami ang gagawin. Checking things and some additional details na lang.

Isang bwan na lang!

Ikakasal na kami!

Isang buwan na paghihintay! I feel excited and nervous at the same time. Minsan parang gusto ko na higitin ang araw para mabilis itong dumaan. Minsan naman parang gusto ko tumigil ang oras, hindi ko alam, Dahil ata sa nalalapit na kasal, kaya mas lalong lumala ang takot na nararamdaman ko. Normal pa daw to sabi ng iba. Pero I don't feel normal. Pag malapit si Ciro, I feel scared! Hindi ko maintindihan, minsan pag namimisss ko sya, ako ang kusang lumalapit sa kanya, but once na anjan na sya, bigla akong nilulukuban ng takot kaya bigla din akong tatalikod at lalayo sa kanya.

Alam kong napapansin na nya ang ginagawa ko. Pero iniintindi nya ako, sabi nya masyado lang daw akong stressed. Hindi na muna nya ako pinapasok sa opisina para mabawasan ang stress ko, kaya halos hindi na kami nagkikita.

Sa gabi, wala sya dahil pumapasok sya sa opisina o kaya umaalis papunta sa site.

Sa umaga naman, pumupunta ako kay Megan.

Nalulungkot nga ako pag wala sya, I missed him!

"Ano namang sinisimangot mo jan?" Untag sa akin ni Megan.

"Namimiss ko si Ciro." Sabi ko sa kanya, tinaasan nya ako ng kilay na para bang napaka laking kalokohan ng sinabi ko.

"Candice, magkasama kaya kayo sa bahay!" She exclaimed.

"Oo nga, magkasama kami, pero hindi ko sya nakikita at hindi ko sya mahawakan." Kunot noong tumingin sya sa akin. Hindi nya ako maintindihan. "I dont know Megan. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko sya, at namimiss ko na sya, gusto ko sa yakapin.. Alam mo yun, pero hindi ko din maintindihan, natatakot akong lumapit sa kanya." Sumbong ko sa kanya. Ang hirap nito, hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito, nakakafrustrate!

"Baka naman nape-pressure ka?" Sabi naman nya. Now it is my turn to look at her with questions. Bumuga muna nya ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagpapaliwanag. "Sa nikikita ko, nape-pressure kang maging asawa nya. Hindi ako sure ha! Hindi pa naman ako kinakasal! Pero your sub-conscious are afraid, maybe because of your expectations? Or siguro, naiisip mo ang expectations ni Vladimier sayo. Kaya natatakot ka sa kanya." Napaisip ako.. Ganun ba yun? Hindi ko din alam, ngayon ko lang to naramdaman at ngayon lang ako ikakasal diba? I see her point, siguro tama sya sa mga sinabi nya.

"Give it some time! Malalampasan nyo yan. Alam ko naman mahal mo sya eh! Saksi ako don!" Pag-encourage nya sa akin. I smiled at her. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Oo nga, hindi ko kailangan mag-isip! Mas pinahihirapan ko lang sarili ko. Kaya siguro hindi mawala yung takot ko dahil dinidiligan ko sya ng pag-aalala, sa halip na mamatay ang takot, lalo ko lang sya napapalago.

Ang mahalaga, mahal namin isa't isa.







Saturday morning, abala ako sa pag hahanda ng umagahan. Wala pa si Ciro dahil may pasok sya kagabi. Gusto ko sana na nakahanda na ako pag dumating sya.

I want heavy breakfast this morning kaya nagpasya akong magluto ng roast chicken thighs at fried rice. Naghihiwa ako ng carrots na ilalagay ko sa sinangag nang may yumakap mula sa likod ko.

"Ay palaka!" Nagulat ako napasigaw at nabitawan ang kutsilyo na hawak ko. By reflex, itinulak ko sya para lumayo sya sa akin. Eto na naman ang kakaibang takot na bumabalot sa akin.

Vampire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon