7

25.6K 754 70
                                    

Ice

12 midnight. Ayon sa sabi-sabi. Ganitong oras lumalabas ang masasamang elemento. Naniniwala ako dito dati pero hindi na ngayon. Dahil mula pag pasok hanggang pag uwi may malapit na masamang elemento sa tabi ko.

Isang bampira. Ang amo ko.

Tama kayo, nagttrabaho pa rin ako sa kanya. Halos tatlong linggo na ang nakalipas mula ng malaman ko kung ano sya. Naisip ko din mag resign at humanap ng trabaho. Pero binantaan ako ni sir Vladimier, hindi daw ako pwede umalis ngayon dahil baka ipagkalat ko ang nalaman ko.

Flashback

Sigurado ako na hindi ako sasaktan ni Sir Vladimier, at medyo naintindihan ko sya. Pero kahit ganon, may konting takot pa din. Kahit nanginginig ang tuhod ko, mabilis akong tumakbo papunta sa pinto.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya

Akmang bubuksan ko ang pinto ng mabilis nitong isinara muli. Ngayon nasa likod ko na sya.

"Hindi ka pwede umalis." Aniya. "Hindi namin hinahayaan ang sinumang nakakaalam sa pagkatao namen na mawala sa aming paningin." Nakakatakot. Natatakot ako.

"S-sir... Hindi ko ipag-sasabi!!" No, hindi pwedeng may mangayari masama sa akin!! may mga pamangkin ako. "Pangako po!" Itinaas ko pa ang nanginginig kong mga kamay parang nanunumpa.

"Hindi mo talaga ipagsasabi.." Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga sa bandang leeg ko.. "Ngayong alam mo na kung ano ako, hindi ka na pwede mawala sa paningin ko.." Nahigit ko aking hininga ng maramdaman kong inaamoy nya ako sa leeg. Kakagatin ba nya ako?

"I know everything about about you Candice," aniya.

"I know where you live, I know your friend Megan, your new friend Joy, and your nieces."

"dont even think to run or hide, coz I can find you, i will find you..."

End of flashback

I searched everything about vampires. Gusto ko sana malaman yung kahinaan nila. Apparently, wala pa ako nakikitang totoo sa mga informations na nakita ko sa net at books.

Hindi sya kumikinang pag nasisinagan ng araw, tulad ni Edward Cullen, Pero sensitive sya dito, hinatid kasi ako nito nung umagang nalaman ko kung ano sya, ayon sa ibang natanungan ko dito sa kumpanya, sakit daw ni sir Vladimier yun.. Mmmp kung alam lang nila.

Wala din epekto sa kanya ang bawang, inagawan pa nya ako ng boy bawang nung nag-baon ako nito.

Nakikita din ang repleksyon nya sa salamin.

Nag-suot din ako ng rosaryo at nag lagay ng krus at bible sa table ko, pero hinawakan nya pa ang mga yun sinasabing bagay daw sakin..

Nakakainis na! Every time na may ginagawa ako para malaman kahinaan nya, parang sinasadya pa nya na ipakita na hindi sya naapektuhan nito. He always wear that "i know what you're doing look" and smirk on his face.

Aarrrgggh pano ko ba susubukan ang pagtarak ng wooden stakes sa dibdib nya at pag-putol ng ulo nya ng hindi nya malalaman or hindi ako matatalo?? Hello ang lakas at ang bilis kaya nya!!

"Candice, call Ms. Buenaventura for a meeting later" bumalik sa ako sa wisyo nang tumunog ang intercom at nag-utos ito.

Ay naku, eto pa problema ko, dahil alam ko na na bampira sya, nadagdag sa trabaho ko ang pag-aayos ng "meals" nya. Yung mga list na unang nabigay sa akin ay may schedulle pala. Dahil hindi sila pwede pumatay, pakonte konte lang pagkuha ng dugo sa isang babae. At Hindi kasi basta basta yung mga babae na ginagawag pagkain ng amo ko.. May isang anak ng presidente ng bangko, may model, mga socialites.. May standards pa.

Vampire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon