4

25.9K 760 48
                                    

Vladimier

"Come in" hindi pa kumakatok ala kong nasa labas na si Mr.Cruz.

"Sir." Bati nito sa akin. "Im so sorry po kanina hindi ko alam na andito kayo. Inililibot ko kasi si ms Lorenzo dito sa kumpanya at dito ang huling pinuntahan namen." Agad nyang paliwanag. Hindi pa naman ako nag.tatanong. Tinitingnan ko sya. "I assure you sir, wala sya nakita."

"Good thing wala pa kame sa puntong yun nung pumasok kayo." Hindi maari makita ni candice kung ano ako. Siguradong lalayo sya at ayokong mangyari yun.

"Next time, knock first kahit wala ako", bilin ko sa kanya. Matagal na syang nag.ttrabaho sakin. At alam nya kung ano ako. Malaki ang utang na loob nya sa akin kaya nakuha ko loyalty nya kahit hindi ko hinihingi.

Pero si Candice, iba sya, gusto kong manatili sya sa poder ko.. Gusto ko sya ariin at agkinin. Akin lang sya.

Ice

Hindi pa rin ako maka.get over sa nakita ko kagabi sa office ng amo ko. Diba dapat sa kwarto yun ginagawa? Well kwarto naman maituturing ang office, pero diba dapat sa kama yun? Waaaaa no no no. Hindi ko dapat iniisip yun.

Mamaya na mag.sisimula ang trabaho ko sa HGC, at hindi ako dapat nadedestruct sa maduming isipin, kailangan ko ng trabaho na ito. Tama. Kailangan ko to. Yun dapat ang mind set ko.

Maghapon ko inalagaan ang mga pamangkin ko, ang cute talaga nila.. Hindi sila kamukha ni ate at hindi ko kilala ang tatay nila, masyado malihim ang kapatid ko, hindi ko naman inusisa ang love life nya. Ako kasi ang tao na kung gusto mo mag,kwento, papakinggan kita, pero dapat ikaw ang mag.open nun. Hindi kasi ako usisera.

Dumating na din ang pinsan ni Megan kaninang hapon. Si Joy. 18yrs old. Gusto nya ipaatuloy ang pag.aaral nya kaya sya nag.ttrabaho..

Simple lang pinapagawa kong trabaho sa kanya.. Alagaan at bantayan ang kambal, bahay, at ang maliit naming tindahan habang wala or natutulog ako.. Hindi naman nya kailangan mag.linis or mag.laba, dahil kaya ko naman yun kung nandito ako sa bahay. Sa pag.luluto naman kahit yung pag.kain lang nya lutuin nya. Pero kung kasama ako, ako na mag.luluto.

Ipinangako ko na kapag maayos ang trabaho ko, tutulungan ko sya maka.pag.aral.

Kinagabihan..

Quarter to 10 nasa opisina na ako. May ilan ilang tao sa bawat department. At syempre ang amo ko sa loob ng office nya.

Bumukas ang elevator at lumabas ang magandang babae.

"Good evening" bati ng dumating.

"Name please." Sabi ko dito. Isa sa patakaran na yung mga nasa list lang ang pwede ko papasukin. List na halos lahat babae. Yung totoo? CEO ba ang amo ko o manwhore? Pang apat na to ah.

"Margarette" mejo pasupladang nyang sagot. "Vlad called me and he is expecting me, so can i enter now?" Hmm kala mo naman special sya alam ba nya na pang.apat na syang tinawagan ng amo ko?

"Yes maam, you can" simpleng sagot ko.

Sabi ko bawal madestruct sa maduming isip pero grabe naman. Lahat ng babae na dumaan sa sa desk ko maganda at seksi. Pag labas nila, parang pagod na pagod at naghihina. Kung ikaw, ano iisipin mo ginawa nila? Nag.usap?

Nag.patuloy ako sa aking trabaho.. Ineencode ko ang ilang files na binigay ni Sir Vladimier pag.pasok ko. Maya maya lumabas na din si Sir Vladimier kasama yung margarette.

"Candice, labas muna ako, hatid ko lang si margarette sa condo nya. You can take a break" sabi ng playboy kong amo. Bitin pa rin ba sya at itutuloy pa nila sa condo ng margarette na yun?

"Yes sir" walang emosyon kong tugon.. Buti na lang namaster ko ang pagiging poker face. Di ko akalain na magagamit ko sya dito.

Pumasok sila sa elevator at tuluyan nang umalis.

"Haaayy. Wala na siguro pupunta dito ngayon diba?" Sabi ko nung nawala sila. Grabe stamina ni Sir. Parang walang kapaguran, mas na.energize pa nga eh. Inilabas ko ang baon kong nutella sandwich at tubig. Hindi na ako lalabas, kailangan ko din kasi mag.tipid. Halos 3am na. Tatlong oras na lang makakauwe na ako..

Tinapos ko ang dapat kong iencode para makapag.pahinga na din ako. Hindi naman siguro masama mag.pahinga kung tapos naman ang gawain ko diba? At kung may darating, mararamdaman ko sila.

Nang matapos ko ito, nag.unat unat at pumikit muna ako.

Vladimier

Hinatid ko lang si margarette sa parking lot hindi sa condo nya, I just need to out. Nasa labas lang ng office ko si Candice, at nahihirapan akong magpigil. She's so close but i cant get near her. Its like a kind of torture, you have something you really want in front of you but you are not allowed to touch it. Pang apat na babae na si margarette and i still feel the urge to do candice. What is really happening to me. Ngayon lang ako naging sabik na makatikim ng isang babae. Parang isang bampira na ngayon lang makakatikim ng dugo.

After 2hrs i decided to go back to my office. 5am na, isang oras na lang aalis na si candice para umuwi, malapit na din sumikat ang araw. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang top floor. As the elevator opens, i expect that Candice will welcome me with her emotionless face. But then i was surprise to see her.

Nakaub-ob sya sa pinagpatong patong na files na ginawa nyang unan, walang salamin at nakapikit ang mata, medyo nakabuka ang natural na pulang labi. Napaka amo ng itsura nya. I am a monster, i've never seen an angel before, eto palang siguro ang una. Lumapit ako sa kanya ng hindi nya nararamdaman. I just need to look at her up close.

Oh.. I really want her. Pano ko ba sya makukuha ng hindi sya matatakot sakin..

Pano ko ipapakilala ang sarili ko, ang tunay na ako ng hindi nya ako lalayuan.

Kahit isang beses lang.

Isang tikim lang.

Baka sakaling matigil na ang pagkasabik ko sa kanya.

Pero pano.?

--------

Wenk. Short nanaman. Hehehehe

Hindi umabot sa quota

Tingin ko isa akong write and run. Pag may naisip na idea, sulat then publish. Hindi ko din naeedit so sigurado ako madami mali, pagpasensyahan nyo na.

Habang tumatagal siguro makaka.update din ako ng mahaba.

Vampire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon