Chapter Fourteen

10.4K 193 21
                                    

Chapter 14 | Philippines

Malakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin kay Jayden na nilalagay ang mga bagahe ko sa trunk ng sasakyan niya.

"Saan ka pala mag s-stay, Thals?" Tanong ng pinsan ko sa akin nang pareho na kaming nakapasok sa sasakyan niya. Tumingin ako sa side mirror bago sumagot.

"May nirentahan lang akong condo..." wala sa sarili kong sagot. Kinakabahan talaga ako.

Una, dahil naaksidente si Stephan at tatlong araw nang in the state of Coma. Ikalawa, dahil pagkalipas ng ilang taon ay nakauwi na ako sa Pilipinas. At ikatlo...

"Si Lascaux, ba't di mo dinala?" tanong niya.

Umiling ako. Delikado. Baka ay magkita pa sila ni... Alam kong unang tingin palang ay malalaman niyang anak niya si Lascaux.

"Hindi naman kasi ako magtatagal, J. I'm just gonna check on Steph for a few days, pinakamataas na ang isang linggo, and I'm gonna go home. Maraming trabaho, eh."

Tumango si Jayden at sinarado ang trunk. Nakita ko ang pag flex ng biceps niya. May naalala ako. Umiling nalang ako at natawa sa kung ano anong nasa isip ko. Umikot ako patungo sa front seat.

Nang nakapasok si Jayden ay agad siyang nag drive. "San kita ihahatid, mahal na reyna?" Aniya.

Nagawa kong humalakhak. "Sa hospital siguro. Ayos lang ba sa 'yo kung ikaw na ang mag drop nito sa condo?" Turo ko sa bagahe ko at agad siyang tumango.

Sinandal ko ang aking ulo sa bintana ng sasakyan at tumingin sa paligid habang tumatakbo ang sasakyan. Ang Pilipinas ay ganoon parin. Walang pinagbago nooong huli ko itong pinagmasdan.

Maybe there are things in this world that never change. They just rot forever. Just like my feelings. It's been years but the moment I stepped on Philippine soil, bumalik ang lahat sa akin. The sentiments were there all along, hiding and lurking in places I was not well aware of.

Ngumisi si Jayden sa akin nang narating namin ang hospital kung saan naka confine si Stephan. Nagpasalamat ako bago bumaba.

Room 294.

Agad kong tinahak ang hallway patungo sa room na sinabi ni Lara. Nang narating ko ito ay agad kong pinihit ang door knob at nagpasalamat na hindi ito naka-lock.

Unti unti kong binuksan ang pintuan at ang una kong narinig ay ang malakas na tunog ng aircon. Ang ikalawa kong nakita ay si Lara na tahimik na nagbabasa ng libro. Nang tumingin ako sa hospital bed ay na estatwa ako.

Nakahiga si Stephan doon at walang kamalay malay. Maraming tubo ang naka attach sa kanya at halos hindi ko makita ang mukha niya dahil sa oxygen na nakakapit sa ilong at bibig nito.

"Thalia, you're here!" suminghap si Lara nang mapansin ako. She looked rattled and nervous as she looked at me. Malangkot ko siyang nginitian at agad na yinakap ng mahigpit.

Yakap yakap ko siya habang patuloy siyang umiiyak at binubulong ang kanyang mga hinaing.

"Lara, I'm so sorry to drag you back here—" Iyak nito.

"Shhh..." hinaplos ko ang mahaba nitong buhok.

"Where are the kids? With your parents?" Tanong ko.

Umiling siya, "They keep contacting me about the kids, but we mostly ignore their efforts."

Ang alam ko ay hindi sang-ayon ang pamilya ni Lara kay Stephan dahil sa nakaraan nito. Pero dahil mahal na mahal niya si Stephan, pinili niyang suwayin ang kanyang pamilya at hanggang ngayon ay hindi parin sila ayos.

As I stared at her I realized how strong the intensity of love is. Love defies all odds. Love embraces even when it is the root of destruction.

Naalala ko ang sarili ko years ago. It was love the pushed me to sin. I chose uncertainty over safety. I risked. And look at me now.

Oh, the things we do for love.

Nang tumahan si Lara ay humingi ito ng paumanhin. Tinitigan ko siya at klarong klaro ang exhaustion sa kanyang mga mata.

"Ang mga bata, kumusta?" Mahinahon kong tanong kay Lara.

Suminghap ito.

"Nasa bahay, they're with their nanny," sabi nito. "Pumunta sila kanina, eh. Sayang di mo naabutan..." aniya at ibinaling ang kanyang atensyon sa asawa niyang wala pa ring malay.

"Nahuli ba 'yung nakabangga?" Tanong ko at doon pa siya nag angat ng tingin.

"Oo. Siya nga 'yung nagbabayad ng hospital bills ni Stephan," aniya.

Huminga ako ng malalim. Buti naman at hindi tinakasan.

Nag-usap lang kami ni Lara hanggang sa mag vibrate ang cellphone nito. Tumayo siya at tumingin sa akin na para bang nag de debate siya.

"Thal, pwede mo ba akong samahan? May meeting kasi kami 'nung nakabangga kay Stephan ngayon, eh. Nasa baba na sila kasama ang lawyer niya. Nandon na rin 'yung lawyer ni Stephan. Sinampahan kasi ng kaso 'yung nakabangga, eh..." pahayag niya.

Nag-aalinlangan akong tumingin kay Stephan. Sinong magbabantay dito?

"Hayaan mo, papunta kasi si Joseff, 'yung pinsan niya," aniya at tumango tango ako bago tumayo at sumunod sa kanya.

Chineck ko ang cellphone ko at nakita ang iilang text doon.

Jayden:
Na drop ko na, Thals. Alis na 'ko.

Gaea:
Kumusta ba diyan?

Marie:
Okay naman po si Lascaux, Ma'am. Tapos na po siyang kumain.

Isa isa kong nireplyan ang mga text messages habang naglalakad kami ni Lara. Pinaalala ko rin kay Marie na pagsapit ng eight ay dapat tulog na si Lascaux. Mahina akong napabuntong hininga. Miss ko na agad si L.

Nang nag-angat ako ng tingin ay papasok na kami ni Lara sa hospital canteen. Nang nakapasok kami ay napansin kong walang masyadong tao. Alas otso narin kasi at tapos nang kumain ang mga tao.

Naglakad si Lara papunta sa isang table kung saan nakaupo ang tatlong lalaking naka corporate attire. Isa isa ko silang sinulyapan. Ang unang lalaki ay matanda na at ikalawa naman ay nasa late 40s niya ata. Ito siguro iyong mga Atty. Nang ibinaling ko ang aking tingin sa ikatlong lalaki ay nanlaki ang mata ko.

Nang tumingin ako sa kanya ay napatingin rin ito sa akin at klarong klaro sa kanyang mukha ang pagkabigla.

"Thalia!" Agad itong tumayo.

Sinubukan kong ngumisi.

"Z-Zeus," bati ko kay Zeus na kaibigan ni Zach at naupo kami. Nakipagkamayan si Lara sa mga Attorney at kay Zeus bago sila umupo.

Hindi ako mapakali. Si Zeus ang nakabangga sa kotse ni Stephan? Gulat na gulat parin ito. Kung nandito si Zeus, possible kayang nandito rin siya? Shit. Nanlamig ang sikmura ko at patuloy na nagmura sa aking isipan. Hindi pa ako handang makita siya!

Nang lumingon ako kay Zeus ay tutok na tutok ito sa akin. Nakita kong medyo nagbago siya. May balbas na siya at mas lumaki ang pangangatawan. Mas matured at gwapo siyang tingnan ngayon. Nag iwas ako ng tingin.

"So, shall we start discussing the terms?" Pagsisimula ng Attorney ni Stephan at may nilapag na papeles sa mesa.

"Can we wait a 'lil longer? My friend is almost here..." ani Zeus habang puno ng malisyang nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko ay babagsakan ako ng langit.

Shit.

The Aftermath of Pleasure (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon