Nakatayo lang ako sa tapat ng bahay namin, sa labas ng gate -_-

ayoko pang pumasok dahil sure ako nakauwi na si Harold >.< ayoko syang makita -____-

biglang narinig kong bumukas ang pinto, pagtingin ko lumalabas si kuya Earl

"Lydia?" takang taka nyang sabi nung nakita nya ko sa labas ng gate..xD may hawak syang bola.. siguro magpupunta sa court para maglaro

"kuya." gulat kong sabi

"bat anjan ka pa? ayaw mong pumasok?" tanong nya sakin

"aah.. eh iniisip ko kase kung may nakalimutan pa kong bilin" sagot ko..xD nakakahiya, para akong tanga dito TT__TT

"hoy wag ka ng gumala.. maggagabi na" sagot nya sakin pagbukas nya ng gate at lumabas

"hindi ah?! sabi ko bibili lang ako hindi ako gagala!" sagot ko naman sa kanya >.< tapos bago makasagot si Kuya Earl parang may nakita sya sa likod ko kaya napalingon din ako

WHAT?!!! O______o

si Cheska?!!!! kasama si HAROLD?!!!!!!!!!!!!!!

halos hindi ako nakagalaw nung nakita ko silang naglalakad papunta dito samin!!! dont tell me dinala nya dito si Cheska?!! nak ng makatee!!!! putek!!!!!

"Huy! sino yang kasama mo?" natatawang bati ni Kuya Earl kay Harold paglapit nila >.< si Cheska naman putek feel na feel!! kunyare pang mahinhin! lande ang ngiti putek!!!!

"classmate ko lang yan.. magkapartner kase kami sa project.. eh dito mas malapit kaya dito nalang kami gagawa sa computer" sagot ni Harold

"Cheska nga pala, kuya ko, si Earl" dugtong pa nya tapos turo kay Kuya Earl >.< si Cheska naman lintek pacute lalo!!! ako naman samang sama ang tingin -___- napatingin si Harold sakin tapos napansin na ang talas ng tingin ko kay Cheska >.<

Nagkatingan lang kami pero umirap na ko sa kanya at naglakad na papasok ng bahay!

Grabe anong klaseng kalokohan to?!!! napakapapansin naman nitong Cheska na to!! >.< anong ginagawa ko?! SPY NANAMAN SA LINTEK NA HIGAD NA TO!

para tuloy akong tangang nakasilip lang dito sa maliit na pagkakabukas ng pinto ng kwarto ni Harold!! anong klase ba naman kase gagawa ng project sa loob pa ng kwarto ni Harold! e kitang kita naman dito sa pinto palang!

"KEEP OUT"! ni ako nga hindi pa nakakapasok jan e!! (sabagay nasa loob ng kwarto ni Harold yung computer -___-)

nakasilip lang ako dito >.< si Cheska nakaupo sa tapat ng desktop at si Harold nakatayo lang sa likod ni Cheska at nakayuko kase may inaayos ata sya sa computer >.<

sige lang... lintek ka.. mamaya ka sakin!!!! =_____=

"Lydia?!" hala!!!! agad akong napalingon sa likod ko ng narinig ko ang boses ni mama! >.<

"ma?!" gulat na gulat kong sagot O___O

"ano bang ginagawa mo jan?" natatawang tanong sakin ni mama at lumapit saakin.. nakita kong may hawak syang tray... meryenda -___-

"aah.. wala! nagtataka lang ako kung anong prohect ginagawa nila... para kanino yan?" sagot ko sabay tingin dun sa tray..xD

"ganon ba? eh bakit di ka pumasok? para to sa bisita ng kuya mo..." sagot nya sakin... may naisip tuloy ako >:))

"akin na yan mama! ako ng mag-aabot sa kanila" sagot ko kay mama sabay agaw ng tray.. gulat na gulat si mama..xD

"sure ka??" sagot nya

"opo! sure na sure.. sige na mama! magpahinga ka nalang ok?^_____^" sagot ko sabay talikod para pumasok sa kwarto ni Harold >:))

nung binuksan ko ng tuluyan ang pinto napatingin silang dalawa sakin at ako naman nagfake smile.. hindi naman halatang fake e! ako pa?!

"meryenda o!" sagot ko sa mga tingin nila at lumapit

"ano ba yang project na yan?" tanong ko sa kanila kaya napatingin si Harold sakin.. si Cheska snob.. maya maya ka sakin di ka na snob >:))

"sa english.. research" sagot sakin ni Harold

"oh?! ade ayos! diba magaling ka sa english kuya?" sagot ko at naupo ako sa higaan ni Harold.. kinuha ko yung dalawang baso ng juice at tumayo saka lumapit sa kanilang dalawa

"Kuya oh!" abot ko kay Harold ng isa.. thank God kinuha nya :))

"Cheska magjuice ka muna oh" sabi ko kay Cheska, hindi tumitingin ang bruha... inilapit ko ng pabigla ang juice sa braso nya eh bigla syang gumalaw dahil naduling ata at aabutin dapat ang baso pero nakabig nya at  BOOOM!!!! >:)))

natapon sa damit nya! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

"oooppss!!! sorry!!!" sarcastic kong sabi at napatakip ang kamay ko sa bibig ko kase matatawa ako baka mahalata >:))

gulat na gulat sya at at last! napatingin sya sakin :)) halatang gustong sumigaw at mainis pero hindi nya magawa kase kapatid lang naman ako ng lalaking pinapantasya nya! :))))

"Lydia sa susunod nga magdahan dahan ka!" biglang O____O

"kuya?! wala akong ginagawa! sya tong tumabig ng juice e!" sagot ko sa kanya... bat parang ako pa yung nagulat?!

"ay! Harold! hinde! kasalanan ko nga... im sorry" biglang sagot naman ni Cheska... peste ka halatang nagpapaawa ka lang gag*

"pasensya ka na Cheska...."si Harold naman nakahawak pa sa likod ni Cheska! tumayo kase yung babaeng to tapos si Harold naman alalang alala pa!

"Anong nangyare dito?" biglang pumasok si mama.... tapos nakita nya yung damit ni Cheska

"Oh my! anong nangyare?!" gulat na gulat na tanong ni mama tapos napatingin sya sakin

"natapunan ni Lydia ng juice si Cheska." biglang sumbong ni Harold

"hindi naman ah! sya tong nakabangga ng baso hindi ako!" sagot ko ng pasigaw! nakakainis! bakit ba ako pa tong lumalabas na may kasalanan?! oo plano ko to pero sya tong kumabig talaga!

"ootama na tama na.... Lydia dun ka muna sa kwarto mo... ako ng magliligpit nito" sagot ni mama tapos inis na inis akong lumabas ng kwarto!!

nakakainis ka Harold!! nakakainis ka HAROLD T. PRINSIPE!!!!!

--------------------------------------------

To Be Continue...

UnconditionalWhere stories live. Discover now