"Lydia! kuya mo hinahanap ka" sabi nya sakin. ako naman tayo agad at labas..xD

paglabas ko nakita ko si Harold, nakasandal sa dingding tapos ang gwapo tignan =_= ang tangkad tangkad na nya ngayon.. parang nung mga bata kami ang liit liit lang nya >.<

nilapitan ko na sya at habang papalapit ako sa kanya napatingin na rin sya sakin, sumandal din ako sa dingding katabi nya.. tinignan ko sya

"oh bakit?" tanong ko sa kanya

"anong sinabi mo kay Cheska?" bigla nyang tanong sakin O_o

"huh?" >.<

"nagkasabay daw kayo ni Cheska kaninang umaga... sinabi mo daw na may katawagan ako twing gabi" sagot nya sakin.. parang seryoso ang boses nya >.<

"ano ka ba! napansin ko lang naman na maxado na syang nagiging obsess sayo e, ade ayun! sinabihan ko ng ganon para maturn off sayo" sagot ko naman

"ano ka ba Lydia! hindi mo na kaylangan gawin yun" sagot nya sakin bigla na parang naiinis pa O__O

"galit ka na non?!" takang taka kong tanong

"hindi ako galit pero hindi ka na dapat gumawa ng kwento para lang palayuin yung tao" sagot nya..

kinakampihan nya si Cheska -__- at kinakampihan nya yon kase sigurado may gusto na sya dun kaya ayaw nyang lumayo!

"eh bakit sya pa kinakampihan mo?!" sagot ko sa kanya, napapataas na din ang boses ko kase nakakainis e! >.<

"hindi ko sya kinakampihan Lydia.. classmate ko sya tsaka magkaybigan lang talaga kami" sagot pa nya sakin.. yung boses nya talagang nakakadala pero kaylangan kong magmatigas! di naman ako pumapayag lagi na gantuhin nya ko no -___- jan kami madalas magkaaway! sobra!

"hindi daw... neknek mo halatang halata ka! pati ako inaaway mo ng dahil jan sa Cheskang yan.. de sa kanya ka na!" sagot ko sa kanya tapos tatalikod na ko sa kanya pero bigla nya kong hinawakan sa braso

"Lydia ano ba?! hindi na tayo bata para gawin mo pa yung mga ganong bagay para sakin" sagot nya sakin at pili kong binitaw ang braso ko sa kanya at tumingin ng masama

"bahala ka nga" sagot ko sa kanya at padabog akong tumalikod sa kanya

"teka! Lydia!" pigil nya sakin pero di ko sya pinapansin! sakin pa sya nagalit! hmp!!!!

lintek na Cheskang yon -____- nagsumbong pa ang bruha

Pagpasok ko ng room eh gulat na gulat si Marie na nagdadabog ako >.<

"oh?! anong nangyare sayo?" tanong nya sakin

"eh yung bwisit na Cheskang yon e! sinumbong ako kay kuya!" sagot ko sa kanya

"ha?! sinumbong? pano?" taka nyang tanong

"kaninang umaga kase sinabihan ko yung Cheska na may iba ng gusto si kuya... tapos nagsumbong kay kuya kaya ayon! ako ang pinagalitan" sagot ko sa kanya >.<

"eh meron nga ba?" tanong nya, napatingin ako kase anong klaseng tanong ba yun >.

"wala..." nahihiya kong sagot >.<

"oh eh bakit mo sinabi yun?" tanong nya sakin

"eh syempre para tigilan na nya si Harold!" sigaw ko >.< napatingin tuloy samin mga classmate namin -_____-

"easy ka lang boy! kala mo namang nanakawin kuya mo e" sagot nya sakin

"basta! sa susunod na dumikit pa sya sa kuya ko malilintikan na sakin yung linta na yon!" sagot kong naiinis kay Marie >.<

UnconditionalWhere stories live. Discover now