PROLOGUE

42.6K 563 9
                                    

UNDER REVISION

This is a work of fiction.
Names,characters,business,place,events and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person,living or dead,or actual event are purely coincidental.
----
REVISED
----

PROLOGUE

"Andy!"

"Hoy Andy!"

"Andromeda!"

"Ay ayaw mo huh?! Andromeda Sarmiento!" Agad akong nag-angat ng tingin at kinusot ang mata ko at bago tignan ng masama si Audrei,ang bestfriend ko.

"Shh! Wag mo nga akong tawaging Andromeda. Ano ba yun?" Pagsita ko sa kaniya. Alam naman kasi niyang ayaw kong tinatawag ako sa buong pangalan ko.

"Paano ba kasi to?" tanong niya at pinakita sa akin ang libro niya at notebook. "Sino ba kasi nagimbento ng math huh? Papatumba ko! Pwede naman kasing plus,minus,multiply at divide na lang!" Pagrereklamo ni Audrei habang nakatingin sa akin habang ako naman ay sinusubukang i-solve itong math problem.

"Tapos na" sabi ko ng matapos kong masolve ang equation at inexplain ko na din kung paano iyon gawin.

"Salamat Andy ko,My dear bestfriend kaya mahal na mahal kita eh" sabi niya tapos ay niyakap ako. "lilibre kita mamayang lunch ng kahit ano" sabi niya at tinuloy ang pagsagot at ako naman ay isinubsob ulit ang mukha sa table at humikab.

"Di ka nanaman nakatulog no? Alam mo Andy minsan kailangan mo rin magpahinga diyan sa pag-papart time. Kung di ka nagaaral nag tatrabaho ka tignan mo sarili mo nangangayayat ka na" pagsesermon ni Audrei sa akin pero di ko na lang pinansin dahil antok na antok na talaga ako.

Tama nama yung sinabi niya dahil lagi akong abala sa pagtatrabaho at madalas akong pagod pero kahit ganoon kailangan ko paring magtrabaho dahil may sakit si mama at nagaaral pa ako at ang kapatid ko. Mabuti na lamang at scholar kami ni Yana at medyo nabawasan ang gastusin namin. Gusto ko na ring patigilin si mama sa pagtanggap ng labada dahil dahil sa may sakit niya siya pero hindi rin pwede dahil hindi kami mabubuhay na tatlo. Madalas kong sisihin ang sarili ko kung siguro ay di ako napulot ni mama ay baka di sila naghihirap ngayon ni Yana. Sinabi sa akin ni mama na napulot niya daw ako sa ilalim ng isang puno at kasama ko ay isang lampin at doon nakaburda ang pangalan ko 'Andromeda'. Di ako nagalit noon kay mama at nagpasalamat pa ako dahil kahit di ako nanggaling sa kaniya ay inalagaan at itinuring pa niya akong tunay na anak.

Ilang oras lang ang lumipas uwian na namin kaya agad kong inayos at niligpit sa bag ang gamit ko.

"Tara na" sabi ni Audrei at tumango lang ako at sabay kaming lumabas ng classroom at dumiretso sa parking lot at hinahatid ako ni Audrei sa Mcdo kung saan ako nag-papart time.

"Salamat" sabi ko ng makarating kami pumasok rin siya loob dahil nagugutom na rin daw siya.

Pagpasok namin sa loob dumiretso ako sa CR para magbihis ng uniform at dumaan muna ako sa locker room para iwan ang gamit ko doon pero bago ko pa mailock ay narinig kong nag-ring ang telepono ko kaya agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.

[Ate si mama!] dama ko ang pagpapanic sa boses ni Yana

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko

[Inatake siya ate! Umuwi ka na ate please!] matapos yun sabihin ni Yana ay agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo sa labas at mabuti na lamang at naabutan ko pa si Audrei doon na kumakain.

"Audrei! Samahan mo ko sa bahay inatake si mama" sabi ko na naiiyak na. Di na nagsalita si Audrei at hinatid na ako sa bahay.

Di pa napapatay ni Audrei ang makina ng sasakyan ay agad akong bumaba at tumakbo papasok agad namang nakasunod si Audrei. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang malaking tarpauline na may naka-sulat na 'HAPPY BIRTHDAY ANDY!'

"Happy birthday to you~" biglang pumasok si mama at Yana mula sa kuwarto.

"Happy birthday Andy!" agad akong lumingon sa pintong pinanggaalingan ko at nakita ko doon si Audrei at nakisabay kila mama na kumakanta ng happy birthday.

Matapos nilang kumanta ay biglang bumuhos ang luha ko at ni-yakap si mama na may hawak na cake at may candle doon.

"Ma! Ano ba tong naisip niyo? Di niyo ba alam na grabe yung pagaalala ko sa inyo? Na paano kung inatake nga kayo? Ma wag niyo na uulitin yon" Sabi ko at patuloy pa rin sa pagiyak.

"Anong inatake? Sabi ko dito sa kapatid mo na tawagan ka at sabihing umuwi ka ng maaga" nagtatakang tanong ni mama kaya agad akong kumalas sa yakap namin at tinignan ko si Yana na tahimik lang.

"Ano? Eh alam ko namang di ka uuwi ng maaga kaya yon yung sinabi ko hehe" Sagot ni Yana.

"Nako ka talaga Yana!" sabi ko at mahina itong binatukan.

"Aray ko-Pasalamat ka birthday mo. Happy birthday ate!" bati ni Yana.

"Heh!"

"Ganda mo ate!" agad akong napalingon sa kaniya at iniwas ulit ang tingin.

"I love you ate! Sorry na!" sabi ni Yana at ni-yakap ako.

"love you too" sagot ko.

"Oh halika na kayo! Kumain na tayo" sabi ni mama at nilapag ang cake sa mesa kasama ang pancit at lumpiang shang-hai na niluto niya. Agad naman kaming lumapit doon sa mesa at umupo. "Pasensiya ka na Audrei at ito lang ang handa alam ko namang sanay ka sa mga sosyaling mga pagkain" sabi ni mama ng makabalik siya sa mesa na may dalang plato at kubiertos.

"Ok lang tita atsaka alam mo naman tita favorite ko tong lumpiang shanghai mo. Ang sarap kaya" sabi ni Audrei at kumuha ng lumpia at isinubo iyon.

"Nako ikaw talagang bata ka! Napakahilig mong mambola" sabi ni mama na mahinang natatawa. "Hala sige kumain lang kayo" Sabi ni mama atsaka medyo natigilan ito ng may tila maalala. "Wait" sabi ni mama at kumuha ng posporo at sinindihan ang kandila sa cake "Mag-wish ka anak" sabi ni mama na mahina kong ikinatawa.

'Sana makapagtapos ako ng pagaaral at maging maayos ang buhay namin' Bulong ko sa sarili ko bago tuluyang magblow sa kandila.

"Yehey! Oh tara at magsikain na kayo" sabi ni mama na may malawak na ngiti pero kita ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan. Napailing na lamang ako at inalis iyon sa aking isipan at ngumiti.

--

SoldOnde histórias criam vida. Descubra agora