"Hindi po ba tumawag si mommy?"

Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi nito pero agad din akong napaiwas ng tingin dahil sa selos na nararamdaman ko. Alam kong hindi ko dapat ito maramdaman dahil wala namang inaagaw sakin si Zea. Kung tutuusin, ako pa ang singit sa kanila ni Jaxon.

"Tumawag siya sa daddy mo kanina lang at nagpunta siya ngayon sa kanya." sagot ko rito

"Madaya si daddy. He left me." nagtatampong sabi nito

Inaya ko nalang ito na manood ng cartoons para may mapaglibangan kaming dalawa. Kasalukuyan kaming nanonood nang marinig ko ang ugong ng kotse ni Jaxon. Mabilis na tumayo ako at binuksan ang pinto para salubungin siya.  Pero kumunot ang noo ko nang may pumasok na may edad na babae at naupo sa sofa.

Nanlaki ang mata ni Devon nang makita ang babae at agad na niyakap. May tuwa sa mata nito.

"Nanay, are you okay po?" magalang na tanong ni Devon

Nanlaki ang mata ko nang bigla itong umiyak kaya lumapit ako agad sa kanya at hinagod ang likuran niya kaya napatingin siya sakin at nahinto sa pagluha.

"Sino ka?" gulat na tanong nito sakin

Bago pa ako makasagot sumingit na si Jaxon na nakapasok na pala.

"Tita, hatid ko muna kayo sa guest room para makapagpahinga kayo. Makakasama sa inyo ang pag-iyak." masuyong sabi ni Jaxon sa matanda at halata sa boses nito ang pag-aalala

Sumulyap sakin ang matandang babae bago ngumiti kay Jaxon. Inalalayan naman siya agad ni Jaxon at mabilis na sumunod si Devon sa kanila. Nandito nanaman siya kaya panatag na ang loob ko pero sino yung matandang babae?

Pamilyar ang mga mata nito at parang may kaparehas siya ng mata pero di ko maalala kung sino.

Gusto ko ring sumunod pero naisip ko na wala naman akong maitutulong doon sa taas. Kumunot ang noo ko nang maalala na si Zea ang kausap nito kanina at wala pang isang oras nakabalik na ito sa bahay.

"Manang! I need water! Manang!" sigaw ni Jaxon mula sa taas

Pati ako ay nataranta dahil sa sigaw nito at sa natatarantang boses nito. Mabilis na kinuha ko kay manang ang tubig at umakyat sa taas para ibigay kay Jaxon ang tubig.

"Thank you." sabi nito at kinuha nag tubig sakin

Binigay niya nag tubig doon sa matandang babae. Nakaupo si Devon sa tabi ng matandang babae na nakahiga sa kama at mukhang kinakapos ng hininga. Pati ako ay nataranta nang makita ang ayos nito.

"Jaxon, ayos lang ba sila?" nag-aalalang tanong ko

"Yes. She just needs rest." sagot nito ng hindi nakatingin sakin

"Nanay, are you sick again? Mommy will be sad po pag nagkasakit ka." malambing na sabi ni Devon

Napako ako sa kinatatayuan ko nang mapagtanto ang sinabi ni Devon. Alam ko na kung kanino ko nakita nag mga pamilyar na mata na iyon. Si Zea. May hawig silang dalawa at kung hindi ako nagakakamali, mag-ina silang dalawa.

Pero anong ginagawa nito rito? Ayos lang naman sakin na nandito siya dahil wala naman akong karapatan na tumutol.

"Ayos lang ako, apo." masuyong sabi nito sa bata

Nakagat ko ang labi ko nang makumpirma ko ang nasa isip ko. Tama ng ako.

"Tita, magpahinga po muna kayo. Bukas nalang po kayo dumalaw sa hospital. Ako na ang kakausap kay Zea." sabi ni Jaxon

Wife For HireWhere stories live. Discover now