Hinila na nito si Devon kaya hindi na ako nakaangal pa. Mukhang mas matanda ito sakin ng ilang taon.

Sobrang bibo ni Devon na kumain at masayang nag-kwento. Sinabi rin niya na ako ang nag-aalaga sa kanya kaya akala niya na babysitter ako nito. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasigla at kasaya. Gusto kong tanungin kung bakit hindi sila magkasama ni Jaxon pero hindi ko magawa.

"Kailan ka nag-umpisa na magtrabaho dito, Reina?" tanong nito sakin

"Tatlong linggo na po." nakayukong sagot ko

Nahihiya talaga ako sa kanya dahil ang ganda niya. Siya yung tipo ng mga babae na gusto ni Jaxon. Yung sopistikada, sexy, maganda at elegante.

"Wag ka ng mag-po atsaka wag ka ng mahiya sakin." natatawang sabi nito

"S-Sige." nahihiyang sabi ko pa rin sa kanya

Nagkwentuhan pa silang mag-ina at na-oOP ako dahil hindi ko naman alam kung anong pinagkwekwentuhan nila. Nababanggit din ni Devon ang daddy niya pero parang wala lang kay Zea iyon dahil tawang-tawa pa nga ito.

Nagpaalam nalang ako na may gagawin ako. Totoo naman ang sinabi ko dahil aayusin ko yung kwarto ni Devon, nakakalat kasi sa sahig kanina yung mga laruan at ibang gamit niya.

Bumaba lamg ako nang ipatawag ako ni Zea sa baba. Aalis na pala ito. Nakaramdam ako ng lungkot at awa nang makitang umiiyak si Devon.

"I will come back, okay?" nakangiting paalam ni Zea at hinaplos ang ulo ni Devon na sumisinghot dahil umiiyak siya.

Mukhang ayaw nitong umalis ang ina niya. Sabagay, madalang naman talaga na dumalaw ang ina niya rito. Hindi ko alam kung alam na nito na kasal kami ni Jaxon at nakakaramdam ako ng takot dahil nandito na siya. Paano pag bumalik siya para sa mag-ama niya?

"Can you stay with me or can I go with you? Please mommy." umiiyak na sabi ni Devon

Naaawa ako sa bata dahil siguradong masakit yung pakiramdam na humihingi ka ng time sa nanay mong hindi mo madalas na kasama. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis kay Zea. Paano niya nagagawang iwan nalang ang anak niya?

"Devon, may pupuntahan pa kasi ako." malumanay na paliwanag nito sa bata

Mas lumakas ang iyak nito kaya nataranta  ako. Nakakaawa na kasi talaga ang itsura niya at iyak siya ng iyak. Pinupunasan ko ang luha nito at tinatahan.

"No! Please mommy!" umiiyak na sigaw nito at yumakap sa bewang ng ina

Napabuntong-hininga siya at mukhang may tatawagan dahil kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya.

"Nandito ako sa bahay niyo at--.....Why? Bawal na ba akong pumunta dito sa bahay niyo? Binisita ko lang si Devon..." kumunot ang noo nito at parang naiinis

Si Jaxon ata ang kausap niya at kung tama ang rinig ko parang ayaw niya na nandito ang ina ng anak niya. Bakit kaya? Ayaw niya bang magkita ang mag-ina?

"As I was saying, ayaw akong paalisin ni Devon at may lakad pa ako. Ipapaalam ko sana na isasama ko siya para hindi na siya umiyak pa." sabi ulit nito dahilan para matigil sa pag-iyak si Devon at ngumiti ng malapad

"Sige. Salamat. Bye." sabi nito at binaba na ang cellphone niya

Ngumiti siya samin ni Devon at ganun din si Devon na parang excited. Tuwang-tuwa ang mukha nito na akala mo binilhan ng laruan.

"Reina, mauna na kami." paalam nito sakin

"Sige Zea. Ingat." nakangiting sabi ko

Nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko ang mga ngiti ni Devon. Yung mga ngiting yun na hindi ko kayang ibigay sa kanya. Mukhang ang ina nito ang kailangan niya at hindi ako.

Wife For HireWhere stories live. Discover now