Chapter Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Masuyo niyang ikinuwadro sa dalawang palad ang mukha nito at banayad itong hinagkan sa mga labi. "Thank you for loving me."

Mahigpit lang itong yumakap sa kanya.

May kakuntentohan siyang nadama...at kapanatagan. Over the past years, he had always been bone-weary and restless. At maliban kay Luke ay wala pa siyang ibang pinagkatiwalaan ng kanyang madilim na sikreto. At kahit pa marahil nakasal siya kay Princess ay duda siyang masasabi rito ang mga bagay na ipinagtapat niya kay Ayesha.

"Iniisip mo siya," mas na kumpirmasyon iyon kaysa tanong.

Napangiti siya at nahapit ito sa dibdib nang umihip ang malamig na hangin. Bilog ang buwan, mabituin ang langit at payapa ang dagat. Tila lamang sila inihehele ng banayad na paggalaw ng yate.

"Yes. Every once in a while, I think about her. Ngunit hindi sa paraang iniisip mo. I'm wondering now if what I felt for her was beyond physical attraction."

"N-nagdududa ka kung minahal mo siya?"

"Yes, or maybe I did. Hindi nga lang kasinglalim ng iniisip ko."

"Or maybe you saw her as a trophy wife. Isang asawang maipagmamalaki mo sa lahat."

Was that it?

Tumaas ang isang kamay nito sa kanyang mukha. At dahil hindi nakakakita, ibig nitong basahin ang kanyang ekspresyon sa pamamagitan ng pagdama sa kanyang mukha. Hinayaan niya lang ito. One of these days ay makakakita na ito. Nahahati ang damdamin niya sa pagkasabik at apprehension. Will she like him?

Sabi nga nila ang kagandahan daw ay nasa mata ng tumitingin. Sophie once told him that he was mysteriously handsome. Nakaka-intriga daw ang hiwagang ikinukubli ng kanyang mga mata. Estelle on the other hand said he was like a wild beast. She wants to tame him...but she couldn't. And there was Rhonda. She thinks he was one of the most beautiful creatures God ever put breath on. The fact that he was well-endowed and a skilled lover was just a bonus.

"Ako ang kasama mo pero kung sinu-sino ang iniisip mo."

Nagkaroon ng tunog ang kanyang tawa sa nahimigang selos sa tinig nito. Nang aktong ilalayo nito ang kamay ay maagap niyang pinigilan iyon at dinala sa kanyang mga labi. Hinagkan niya ang palad nito, pagkuwa'y ang mga daliri bago mariing siniil ang pulsuhan nito. Narinig niya ang pagsinghap nito.

"Before the mark fades, I'm going to buy you a ring."

Nang yumuko siya ay nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

"After tonight, kailangang panagutan mo ako," may himig-birong sabi niya bago yumuko at pinalis ng mga labi ang pamamalisbis ng mga luha nito. Nakulong sa bibig niya ang hikbi nito nang mainit niya itong hagkan.

Kasing-init niyon ang naging tugon nito. He kissed her chin, gently nipped it before his lips travelled down at the base of her throat. He undressed her slowly. Nang magkaroon ng nginig ang mga kamay niya ay parang ibig niyang matawa sa sarili. Daig pa niya ang isang bagito sa aktong iyon.

Sa liwanag ng buwan at mabituing kalangitan ay saglit siyang namangha nang mapagmasdan ang kabuuuan nito. She was more beautiful than he imagined. Her legs were long and shapely. Her breasts were proud and perfectly coned.

He took off his shirt and the rest of his clothing. 

Nang abutin siya nito at damahin ang kanyang katawan ay hinayaan niya lamang ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang abutin siya nito at damahin ang kanyang katawan ay hinayaan niya lamang ito. She was hesitant but curious at the same time. She cupped his face and kissed him lightly on the lips, cheeks, jaws, down to his neck, behind his ear, his shoulder and chest. Her hands moved over his body in reverent forays.

Nang sa palagay niya ay ga-hibla na lamang ang nalalabi niyang control ay inawat niya ang mga kamay nito at siniil ito ng halik.

***

"BORIS..."

Marahang nahigit ni Ayesha ang paghinga nang muling maglandas ang mga labi ni Boris pababa sa kanyang leeg. Pinaghalong kilabot at kiliti ang kanyang nadama. At nang paglaanan nito ng mainit na atensyon ang kanyang dibdib ay boluntaryong umarko ang kanyang katawan kasabay ng nakaliliyo-nakababaliw na pakiramdam. Hindi niya alam na ganoon ang epekto ng aktong iyon.

Muli nitong inangkin ang kanyang mga labi habang marahan siyang inihihiga. Nang muli itong lumayo at hagkan pababa ang tiyan niya ay imboluntaryong napabangon siya. Kung itutulak ito o kakabigin ay hindi niya mapagpasyahan. Hanggang sa tila magsatubig ang kanyang mga buto nang matagpuan nito ang pakay.

Walang silbing tutulan niya ang ginagawa nito kaya hinayaan niya na lamang ang sariling magpatangay sa mga alon ng sensasyong ipinadarama nito. Mga along maliliit lamang noong una na naging dambuhala hanggang sa magmistula iyong buhawi na sinalpok ang kanyang kamalayan.

Paulit-ulit niyang nabigkas ang pangalan ni Boris kasunod ang mahabang pag-ungol. Inangkin nito ang kanyang mga labi. Kasabay noon ay naramdaman niya ang pag-iisa ng kanilang mga katawan.

It was painful. Subalit hindi nagtagal at napalitan iyon ng kakaibang sensasyon.

Marahang kumilos si Boris. Nang maunawaan niya kung ano ang ginagawa nito ay nagkapalit na sila ng posisyon, siya ang napaibabaw rito. With his hands on her hips, he gently guided her movements. Mariin niyang naipikit ang mga mata habang sinusundan ang saliw ng musika na ang mga katawan lamang nila ang nakakaunawa ng ritmo. Saglit pa at tila may sumabog na kuwitis sa kanyang kamalayan. Bigla siyang nabalot ng makulay na liwanag. Her body shook. Dalawang bisig ang mahigpit na yumakap sa kanya nang tila mawalan siya ng lakas.

May ibinulong sa kanya si Boris. Bagama't hindi niya masyadong nawawaan ay nakangiting inihilig niya ang ulo sa balikat nito. Sa ganoong posisyon na siya nakatulog.

'

A/N

Waah. First time kong naglagay ng ganitong sexy photo. Pasintabi sa minors, huwag masyadong pakatitigan. For adult's eyes only. Yay!!

Naughty, naughty  o_o

Bb_Anastacia/Doreen Gabriel

Boris Javier (Forever and Always)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon