Chapter Eleven

Mulai dari awal
                                    

Mahigpit na hinawakan ni Paulina ang kanyang mga kamay na para bang sa pamamagitan niyon ay mapapawi ang anumang pagdududa nito sa anak.

***

IT was in the middle of the night. Nagising si Ayesha sa ingay na nagmumula sa adjoining room. Ang ginagamit niyang silid ay ang silid mismo ni Boris. Ayon kay Anna ay si Boris mismo ang nagsuhestyong ang silid nito ang ipagamit sa kanya dahil ang silid na iyon lamang ang nasa ground floor. Kung ang ipapagamit nga namang silid sa kanya ay ang guest's room sa second floor ay baka aksidente pa siyang mahulog sa hagdan.

Ang ingay na nagmumula sa kanugnog na silid ay tila lalong lumalakas. Naalala niya ang minsang napag-usapan nila ng Mama ni Boris tungkol sa mga bangungot ng binata. Bigla siyang naalarma. Ang anumang nalalabing antok sa diwa niya ay biglang inilipad. Sa kabila ng kapansanan ay mabilis siyang bumaba ng kama. Saulado na niya ang floor layout ng silid. Mula sa kama ay may sampung hakbang ang distansya ng adjoining door na naghihiwalay sa main bedroom at den. Sapul nang sila ay dumating ay iyon na rin ang nagsilbing silid ng binata.

"Boris?" sandali muna siyang nakiramdam. Nang walang tumugon ay pinihit niya ang seradura ng pinto.

May bumagsak na kung ano sa sahig. Kasunod noon ay narinig niya ang mga kaluskos mula sa kinapupuwestohan ng sofa bed. There was a violent thrashing na tila may nagwawala roong mabangis na hayop.

"Boris?" sa kagustuhan niyang makalapit kaagad dito ay hindi na niya inisip ang sariling kaligtasan. Napasinghap siya nang may maapakang matalas na bagay. Nagmuntik-muntikan na rin siyang madapa nang masalabid ang kanyang mga paa.

Mabilis na nangilid ang kanyang mga luha. Naririnig niya ang mga ungol ni Boris na tila ito nahihirapan habang nakikipaghamok sa isang hindi nakikitang kaaway. Nagsasalita ito ngunit hindi niya gaanong mawawaan. At natatakot siyang kung hindi niya kaagad ito magising ay baka kung ano ang mangyari rito.

"Boris," lumapat ang kamay niya sa pawisan at umaalon nitong dibdib. Ang balak niya ay yugyugin ito upang magising. Subalit bago pa niya magawa iyon ay waring hinugot bigla ang kanyang hininga nang sukat umangat ang katawan niya sa ire! Before she could fully grasped what was happening she was flung on the bed and Boris seized her like a wild animal to its prey!

Hearing his murderous growl, she knew right there and then that her life was in danger!

"Boris!" sa huling sandali ay naisigaw niya ang pangalan nito.

Everything went still.

Saglit na nasuspinde ang kanyang paghinga. Nanginginig na tumaas ang dalawang kamay ni Ayesha. Natagpuan niya ang nag-iigtingang mga kalamnan sa punong-braso ni Boris.

"Oh, God," narinig niyang ungol nito.

***

BORIS rolled away, panting. That was close.

Kung lumapat ang kamao niya kay Ayesha ay hindi niya tiyak kung ano ang posibleng nangyari rito.

God! He could have killed her. And the thought chilled his bloodstream.

Napansin niya ang lamp shade sa sahig. Natabig niya marahil iyon habang nagpupumiglas siya sa kanyang panaginip. Nang tumayo siya upang damputin ang lamp shade ay saka lamang niya napuna ang mga bubog na nagkalat. Mukhang nabasag niya ang baso at pitsel na parating iniiwan ng kanyang ina sa tabi ng lamp shade.

Nangunot ang kanyang noo nang makita niya ang mga patak ng dugo. Tahimik siyang napamura nang makita niya ang nakangiwing si Ayesha habang hawak-hawak nito ang kaliwang paa.

"What am I going to do with you, Miss Accident Prone?"

Ayesha half-winced half-smiled when he cradled her feet on his lap to check her wound.

"Nakaligtas kang hindi bumaon ang seashell sa paa mo, pero heto at minalas ka naman sa bubog. Mukhang parati kang minamalas kapag ako ang kasama mo," birong-totoo niya.

"Tss. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Nagkakataon lang."

Inabot niya ang hinubad na kamiseta at iyon ang ginamit niya upang maampat ang pagdurugo ng sugat nito. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat bagaman may kalahating dali marahil ang laki niyon kaya madugo.

Tatayo sana siya upang kumuha ng gamot nang marinig niya ang mga katok sa pinto.

"Boris, anak. Gising ka ba?"

"You can come in, 'Ma."

Inaasahan na niya ang reaksyon nito nang ito'y pumasok sa silid. Bumaha ang liwanag nang pindutin nito ang main light.

"'Susmaryosep! Ano ang nangyari?" nakita nito ang mga kalat at pagkatapos ay ang ayos nila ni Ayesha sa sofa bed. "Hijo, paano'ng...? Ay, por Dios. Puwede bang magbihis ka naman, anak?"

Sa kabila ng sitwasyon ay muntik ng mapahalakhak si Boris sa pagsasalit-salit ng reaksyon sa mukha ng kanyang ina. Mula sa pagkagulat, pagkabahala at concern ay biglang nanlaki ang mga mata nito na parang eskandalong-eskandalo nang makitang wala siya ni isang saplot sa katawan.

"Aba, hijo, hindi ka ba nahihiya kay Ayesha? Kalong-kalong mo pa—"

	"Aba, hijo, hindi ka ba nahihiya kay Ayesha? Kalong-kalong mo pa—"

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Biglang nagliwanag ang mukha ng kanyang Mama. A hopeful glint entered her eyes when she spoke. "Magbihis ka na kung ayaw mong pati si Mamay Caridad ay makipag-agawan kay Ayesha para panagutan ka. Kukuha lang ako ng Betadine at gasa para sa sugat ni Ayesha."

Nakita niya ang pagguhit ng kunot sa noo ni Ayesha.

Napangiti siya. He traced the frown off her face with his thumb. "I promised not to give my heart to anyone; but since you're brave enough to take the risk, you can try and steal it."

"Boris," nangatal ang mga labi nito.

"Marami ka pang hindi alam sa akin. Mga bagay na kapag natuklasan mo ay baka bigla kang mandiri, matakot...lumayo."

"Ganoon ba ang nangyari kay Princess?"

"Hindi. Pumayag siyang magpakasal sa akin upang makapaghiganti."


Boris Javier (Forever and Always)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang